CHAPTER THREE
PAGKATAPOS kumain ni Blue ay dumeretso na siya sa kuwarto niya. Do'n niya isinubsob ang sarili sa pagsusulat. May outline na rin naman siya kaya medyo mabilis niyang natapos ang dalawang chapter ng manuscript niya. Nag-unat siya. Sinave file niya muna ang mga naisulat niya. Lumabas siya sa kanyang kuwarto. Maganda ang panahon ngayon kaya naisipan niyang maligo sa falls. Namimiss niya na ang malamig na tubig. Napailing siya nang madatnan niya ang tulog na tulog na si Dark. Ewan, she find his name weird. Hindi na niya ito nilapitan pa. Tiyak niya kasing hindi na naman niya maawat ang sariling haplusin ang makinis nitong mukha. Nagmumukha tuloy siyang manyak dahil sa lalaking natutulog sa kanyang sofa.
Lumabas siya ng bahay at binagtas ang daan papuntang falls. Agad na nagningning ang kanyang mga mata nang makita na niya ang rumaragasang tubig ng falls. Para itong musika sa kanyang tainga. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas gusto niyang manatili sa bundok kaysa mga resort ng kamag-anak niya. Hinubad niya ang suot niyang T-shirt at pantalon. Ngayon ay nagka-bikini na lamang siya. Komportable siyang mag-two-piece dahil nag-iisa lang naman siyang naliligo. Kapag sa resort kasi ay nagt-t-shirt siya at short, ni minsan ay hindi siya nag-two-piece. Gano'n siya ka-conservative. Gano'n kasi ang kinalakihan niya kaya nadala niya hanggang ngayon. Minsan nga'y napapailing na lang sa kanya ang mga pinsan niya. Liberated kasi ang mga ito. Halatang mga city boy at city girl. No'ng mag-fifteen kasi siya ay ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa probinsiya. Do'n siya pinatira sa mansyon ng Lola Solidad niya. Strict ito at masyadong makaluma, kaya hindi nakakapagtakang na-adopt niya ang pananaw nito.
Dahan-dahan siya lumusong sa tubig. Tama nga siya. Malamig ang tubig kahit na tanghali na. Ang kaninang tuyo niyang utak ay parang na-refresh. Sobrang gaan ng pakiramdam niya habang inilublob niya ang mukha sa tubig. Safe namang maligo sa falls kahit na medyo tago ito. Sobrang linis ng tubig. Lumangoy siya hanggang sa dulo. May maliit na balsa ang nakalutang do'n. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga anak ng Manang Beth niya ang may gawa niyon. Ilang metro lang ang layo ng bahay ng mga ito sa bahay niya.
Sumampa siya sa balsa. Dahan-dahan siyang humiga ro'n. Ang gaan sa pakiramdam. Tanging ang huni ng ibon at ang rumaragasang tubig lamang ang tangi niyang naririnig. This place were her safe haven for the past five years. Para itong paraiso na kaya siyang bigyan ng kapayapaan. Ilang minuto lang ang lumipas nang biglang may mga kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Sobrang bilis ng tahip ng kanyang dibdib na inimoy malapit na siyang mamatay. Abot-abot ang kaba niya. Tarantang napabangon siya mula sa pagkakahiga. Napatili siya nang biglang bumaliktad ang balsa dahilan para masubsob siya sa tubig. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi alam ni Blue kung ano ang dapat niyang gawin. May tao! May isang lapastangan ang humawak sa mukha niya! Gusto niyang maiyak nang dahil sa kanyang naisip. She felt molested.
Wala sa sariling napayakap siya sa sarili niya. Dali-dali siyang lumangoy papuntang batuhan. Hindi na siya nag-abalang hanapin pa ang mapangahas. Ngunit napatili siya nang biglang may isang matigas na braso ang pumulupot sa baywang niya.
"Hello, Baby," bulong ng mapangahas sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung sino ito. Pakiramdam niya ay puputok na siya sa sobrang galit. Akala niya ay mare-rape na siya ng isang masamang nilalang!
Marahas niyang hinawi ang mga braso ni Dark na nakapulupot sa baywang niya. Naniningkit ang mga matang hinarap niya ito. Pero wrong move. Nakita niya ang guwapo nitong mukha.
Shet! Wet look! palatak ng malandi niyang isipan.
Her eyes travelled down to his chest and then to his well sculpted abs. Napalunok siya nang ilang beses.
"Eyes up here, Baby," amused na pukaw nito sa kanya.
Napakurap-kurap siya. Mariin niyang kinurot ang sarili para mahimasmasan na siya.
BINABASA MO ANG
Blue's Happy Ending
RomanceAng gusto lang naman ni Blue ay magkaroon ng mapayapang bakasyon. Pero hindi niya hiniling ang extra package na dinaig pa ang bucket meal sa sobrang yummy. Namienamix