CHAPTER SEVEN
"SIGURADO ka bang hindi ka sasama sa akin pabalik ng Maynila?" puno ng pag-aasam ng tanong ni Dark kay Blue. Hindi mapigilan ni Blue ang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya. Nalulungkot man siya'y naaaliw pa rin siya sa busangot na mukha ni Dark.
"Sigurado ako. At saka may isang buwan pa ako. May tatapusin pa akong manuscript."
Bagsak ang balikat nito nang marinig nito ang sagot niya. Nasa labas sila ng bahay nang mga oras na 'yon. Gusto raw siya nitong makita bago ito umalis. Ewan niya sa lalaki. Nagiging korni na ito.
Inabot nito ang kanang kamay niya. His thumb gently brushed her palm.
"Babalik ako rito after a week. Kailangan ko lang talagang magpakita sa kanila. They're already exaggerating," natatawa nitong sabi.
"Bakit? Hindi mo ba sila tinawagan kung nasaan at kung okay ka lang ba?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Blue kay Dark.
"Nah, my mind stopped functioning when I saw you." Kumindat ito sa kanya dahilan para mapatungo siya.
Gulat na nag-angat siya ng tingin. Napa-atras siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Napalunok siya. Hindi niya malaman kung saan ibabato ang tingin. Hindi niya kayang salubungin ang matiim na titig nito sa kanya. Nakakalunod ito at nakakapanglambot ng mga tuhod.
Bigla siyang napairap nang may mapagtanto siya. Ganitong-ganito ang mga lalaki sa panahon ngayon. Dinadaan sa matamis na salita at mabulaklak na dila kapag may trip ang mga itong babae. Gamay na niya ang galawan nito. Naalala niya tuloy ang kapatid niyang si Red. Palagi niya itong naririnig sa sala kasama ang mga barkada nito. Grabe kung mambola sa katawag nito. Tapos sabay ang mga itong tatawa. Ewan niya kung ano'ng nahithit ng kapatid niya. Ang agang lumandi, eh.
Tiningnan niya ito nang deretso. Naiilang man ay nakipaglaban siya ng titigan sa binata. Ang mga mata nito'y kumikislap. Tila ba'y nasasabik. Sobrang saya at puno ng buhay. Ang aliwalas ng buong mukha nito. At isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng binata.
"Bakit, Baby?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Ang lakas mong mambola. Akala mo naman ay mapapaniwala mo ako. Heh! Asa, boy," natatawa niyang sita rito.
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
"I don't know how to play when it comes to you. Seryoso ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ko pagdating sa 'yo," seryosong anito.
"We can't tell. Hindi ko naman nababasa kung ang mga nasa isipan mo."
"Wala ka bang tiwala sa akin?" nagtatampong tanong nito.
Paano niya sasabihin ditong hindi pa rin buo ang tiwala niya rito? Na may bumbagabag pa sa dibdib niya. Mga alalahanin kung sakaling ipagkatiwala man niya ang puso niya rito.
Nangunot ang noo niya nang makita niyang may kinuha mula sa bulsa nito si Dark. Isang kumikinang na gold necklace ang nasa ibabaw ng palad nito. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang pendant ng kuwintas. It's a heart shape pendant. Ang sinag ng araw ay tumatama ro'n sa kuwintas na mas lalong nagdepina ng kagandahan nito. Alam niyang mamahalin ang kuwintas na iyon.
"Take this one with you. Assurance ito na babalik ako sa 'yo. This is my heart and and I am giving it to you wholeheartedly. Bahala ka na kung ano ang gagawin mo sa puso ko. Pero sana'y ingatan mo 'yan," masuyong saad nito. She was speechless. Nakatulala lang siya rito the whole time! Hindi niya matukoy kung sigurado ba ang binata. But his eyes can't lie.
Naramdaman na lang niya ang malamig na bagay sa kanyang leeg. Namumuo ang mga luhang
tiningnan niya ang binata. Nanantya ang mga tingin nito. Naghihintay ng magiging reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Blue's Happy Ending
RomanceAng gusto lang naman ni Blue ay magkaroon ng mapayapang bakasyon. Pero hindi niya hiniling ang extra package na dinaig pa ang bucket meal sa sobrang yummy. Namienamix