Lihim Na Hindi Ko Alam

582 13 8
                                    

"Lihim Na Hindi ko Alam"

Ito ay Lihim na hindi ko alam
Ako pala'y nagmamahal
Sa taong mahirap makaalam
Ngunit siya ang aking minahal

Nag simula tayo sa kulitan
Lagi tayong nag aasaran
Pero ako lang pala sa huli ang masasaktan
Di ko alam na ika'y aking nagustuhan

Di ka pogi di ka rin pangit
Ngunit puso ko'y lagi kang binabanggit
Nung una di ko pansin
Di ko pansin na nainlove ako dahil sa pangugulit mo sa akin

Nung una di ako makapaniwala na may nagkakagusto sayo
Nung una, akala ko magiging kayo
Ngunit wala ka palang plano
Planong pumatol Sa babaeng ito.

Ayokong magtapat sayo
Kasi ika'y kaibigan ko
Ayokong mawala lahat ng ating pinagsamahan
Kaya mas mabuting itatago ko na lang ang aking nararamdaman

Ayokong mawala ang dati nating pinagsamahan
Ang dati nating pagkakaibigan
Dahil lang sa lintek na pagmahal ko sayo
Ngunit di ko kaya pigilan itong nadarama ko

Pinigilan ko tong nararamdaman ko
Dahil alam ko naman na ganoon ka rin sa ibang tao
Masaya ka rin kapag kasama ang ibang tao
Lalo na sa isang taong laging pinagseselosan ko

Akala ko wala lang to
Akala ko normal lang to
Akala ko pag kaibigan ko di na ko pwedeng magkagusto
Nagkamali pala ako, nahulog na pala ako sayo

Ngayon ko lang napagtanto na ika'y aking mahal
Kaya kapag nabasa mo ito please lang wag mo kong layuan
Dahil sa paglayo mo ako'y nasasaktan
Kaya mas pinabuti kong ako na lang ang lalayo aking mahal

Sana sa pagbasa mo nito
Walang mag bago sa ating relasyon
Sana maging magkaibigan parin tayo
Dahil ayokong masira ang ating relasyon
Bilang kaibigan.

Nahihiya akong sabihin sayo na gusto kita
Dahil wala akong lakas ng loob sabihin
Sa dami mo ba namang mas magandang babaeng nakikita
Wala akong laban sa kanila , alam ko naman na sila'y iyong pipiliin

Muli kong sasabihin na,
Ito'y lihim na hindi ko alam
Kaya wag mo kong layuan
Ako na lang ang kusang lalayo na..
Sayo.

Kasalanan ko ba?
Kasalanan ko bang mahulog ako?
Kasalanan ko bang naging tanga ako?
Kasalanan ko bang nahulog ako dahil sa taglay mo kabaitan?
Kasalanan ko ba?

Oo kasalanan ko, pero bawal ba yon?
Bawal ba na mahalin ka
Mahalin ka ng di ko alam
Di ko alam dahil sabi ng puso ko..
Gusto kita

Huli ko lang din narealize na nagustuhan kita
Ayos lang kung ayaw mo sakin
Ngunit, gusto ko lang sabihin na gusto kita
Kaya muli kong sasabihin ,
Wag mokong layuan please lang

Sa tagal nating pinagsamahan,
Ako'y natuwa dahil kayo'y kasama ko
Kasama ko kayo hanggang dulo ng ating kahirapan
Mula sa mga proyekto , pasusulit at kung ano ano

Naging masaya ang highschool ko
Ng makilala ko kayo
Dahil kayo ang tunay na kaibigan ko
Kaya sa pag hiwahiwalay natin wag kalimutan ang dating tayo

Magkasama pa rin tayo sa susunod na taon
Kaya wag ka sanang ma-ilang
Dahil di naman ako patay na patay sayo
Kaya kong bumangon

Wag mo sana akong iwasan
Dahil di ko naman ginustong mahalin ka
Bigla na lang kitang nagustuhan
Kaya wag mo sana akong iwasan

Naalala ko pa noon
Puso ko'y lagi mong baon
Di ko alam na ako'y nahulog na sayo bawat taon

Nalaman ko ngayon, may iba ka palang hinahanap
Kaya nawalan akong ng pag-asa
Dahil puso mo'y may iba ng yinayakap

Uulitin ko , Ito'y lihim na hindi ko alam


--

Tagalog Poetry [Spoken POETRY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon