"UMAASA"Oo heto nanaman ako umaasa
Palagi naman diba?
Hayaan niyo sa susunod,
Di na ko magiging marupok.Crush lang naman kita
Pero bakit ganiyan ka?
Lagi nalang bumabalik feelings ko
Ako lang naman may gusto sayoEwan ko ba,
Marami namang iba
Bakit ikaw pa?Ewan ko ba,
Sa dinami rami ikaw pa
Sayo paHanggang pangarap lang ata kita
Hanggang tingin
Hanggang masid
Hanggang sulyap
Lamang ako sayoDi ko mailabas tong bugso ng damdamin ko sayo
Natatakot kasi ako
Tropa mo close ko,
Pero sa lahat ng tropa mo ikaw yung di ko kinocloseAng hirap magtago
Lalo na yung feelings ko sayo
Ang hirap bumangon dito
Lalo na pag sobrang lalim na nitoYung alam mong ekis
Kahit sobrang nakakainis
Dahil pinipilit kong iwasan
Pinipilit kong tawananTong nadarama ko
Para lang mawala to
Itong nadarama ko
Para sayoNagfocus ako sa ibang bagay,
Para di na ulit ako bumigay
Pero wala eh
Ganoon pa rin ehSayo parin ako nahuhulog
Di mo naman ako sinasalo
Puso ko'y parang binubugbog
Alam ko naman 'yon,
Na sa aki'y imposibleng magkagustoDi naman sa umaasa
Marupok lang talaga
Halos 5 years ko lang naman
5 years umaasa, nasasaktanDi ko alam kung 5 years o higit pa,
Ang alam ko lang kasi mahal kita
Noon paOo,
Alam kong di mo masusuklian
Tanggap ko naman ito
Hanggad ko lang naman
Masaya ka sa buhay moUmaasa?
Oo
Umaasa pa rin?
Hindi na ngayonKung may dumating man,
Di na ikakandado sarili
Ayoko na, sawa na ko
Itigil na natin toSawa na kong masaktan
Umasa
Sawang sawa na
Kaya itigil na natin toHeto nanaman ako sa tigil
Pero maya maya marupok nanaman
Kikiligin bawat paglampas mo
Kikiligin bawat pagtitig moPero alam niyo?
Sawa na ko umasa
Sawang sawa naPero alam niyo?
Yung puso ko tatanga tanga
Ayaw makinig marupok talaga
![](https://img.wattpad.com/cover/121624877-288-k314548.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry [Spoken POETRY]
PoezjaTagalog poetries by Author _Jcee_ [Unspoken Poetry] Ranking : #121 #23