"Kamalasan"
Nagmahal lang naman ako
Masama bang magmahal ng isang tulad mo?
Pwede bang ako naman ang hindi sumuko?
Maari bang siya naman ang manlumo?Sana nga'y masabi ko iyan
Kahit di ako ang iyong sinisilayan
Kahit kaibigan ko ang iyong iniirog
Handa akong magpakatanga kahit ika'y sakanya nahulogPero heto ako, kinikilig na parang hindi
Sa tuwing nagkwekwento ang kaibigan ko tungkol sayo
Pinilit kong maging masaya, Para sa kaniyang ikabubuti
Tutal pag dating sa pag-ibig ako'y laging taloMasakit isipin na kaibigan ko pa
Sa lahat ng tao bakit siya
Ang sakit lang, pinaglaruan talaga ako ng tadhana
Kamalasan ata ay aking minanaTadhana nga naman
Lagi na lang bang sasaktan?
Sana ako'y iyong pagbigyan
Na sa pagdating ng araw ako naman ang pangakuan----
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry [Spoken POETRY]
PoesíaTagalog poetries by Author _Jcee_ [Unspoken Poetry] Ranking : #121 #23