Hindi ko alam kung saan nagsimula ito,
Bakit mo ba ko ginaganito
Nagmumuka na kong tanga sa harap ng tao
Sa harap ng tao, Nagmukha akong uto utoTotoo nga ba?
Pagibig nga ba?
Pag ibig nga ba itong pinapakita?
O kalandian lang para puso'y sumaya?Di ko alam kung kailan ako nahulog sayo
Pero ang alam ko lang ay di mo ko sinalo
Kasi alam mong may iba ako
Sapagkat, Kapatid ang turing ko sayoPero sa di inaasahan lumalim ito
Ang hirap ipahiwatig to naradarama kong 'tong
Dahil hanggang kapatid lang ako
Ano pa bang ilulugar ko?Sa puso mong saradong sarado.
Voice message dito
Voice call dito
Chat dito
Pero lahat ng iyon ay nawala.
Ng dahil sa tampuhang naganapHalos araw araw tayong madaling araw natutulog
Yung tipong napapagalitan ka na,
Pero patago ka padin nagchachat at ayaw pang matulog.
Pero ano? Lahat ng iyon nawala
Dahil sa tampuhang naganapNalaman kong ikakasal na ko sa iba.
At Sinabi ko sakaniya.
Pilit niyang sinasabi na humindi ako
Sapagkat hindi ko naman mahal ito.2 years agwat namin
Pero di iyon hadlang sa amin
Ang turingang kapatid lang ang humahadlang
Upang di ko masabi ang damdaming di ko mailahadlahadDi kami magkadugo,
Pero dahil lang mas matanda ako
Kaya totoy ang tawag ko
Pero siya?
Di siya sanay tawaging ate, akoUy crush mo nanaman ako,
Yan lagi pangaasar namin sa isa't isa
Pero manhid na torpe kasi ako
Kahit anong panglalandi walang bisaMaraming nanliligaw sakin
Pero ikaw lang ang dapat maging akin,
Pero mukang malabo sa atin
Dahil ika'y wala namang pagtingin
Na katulad sa akin.Nung nawala ako,
Nawala ka din
Pero nung bumalik ako
Bumalik ka dinWag mo naman sana ako bigyan ng motibo
Dahil umaasa ako ng libo liboDi kita matiis
Pero ako kaya mong i-tiis
Di ko kayang di ka makausap sa isang araw
Kahit kita ko sa messenger ang green na ilaw
Nanagsisilbing online ka dawTinatadtad kita ng chat
Dahil lang di ka sumasagot
Pero sinusuklian mo naman ito ng tawa mo
Na nakakapagpalambot ng puso kong batoNgayon ko ang naramdaman
Na sobrang manhid ko pala
Di ko alam ika'y aking nagustuhanMag off ka lang ng 1 minuto miss na kita
Ano nga ba nararamdaman mo
Ganoon nga din ba?
Bakit kasi nagbibigy motibo kaKung sa lahat ng babae ganyan ka.
Matanda ako,
Bata ka,
So what?
Dalawang taon lang naman.Isang beses kasama mo tropa mo
Doon ako sobrang nagselos
Kahit may iba ako
Pero bakit pag dating sayo, ako'y nagseselosNung nalaman mong magpapakasal kami
Naging cold kana saakin
Nagiging fake na ang iyong mga ngiti
Pati na din ang pag tawa mo sa akinTinanong kita, galit ka ba?
Sinabihan mo pa kong di ka galit
Peke naman ang bawat iyong sinasambit
Kung tinanong kita ng, mahal mo ba ko,Ano kaya magiging sagot mo?

BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry [Spoken POETRY]
ŞiirTagalog poetries by Author _Jcee_ [Unspoken Poetry] Ranking : #121 #23