FRANCESCA AGUAS' POV
Pumasok kami sa loob ng conference room. Inaantok pa ko kaya naman humanap ako upuan kung saan pwedeng matulog..
*hanap
*hanap
*hanap
AT AYUN! Nakita ko ang isang upuan sa harap ng bintana! Tamang-tamang upuan para makatulog *V*
Uupo na sana ko ng biglang------
.
.
.
.
.
"FRANCESCA?!"
Isang lalaki ang napatayo sa kinauupuan niya habang nakatingin sakin. O_________o Lahat ng tao dito sa loob ng conference room ay napatingin sakin.
Nilipat ko ang tingin ko kay Lyn at Elle. Yung kaninang excitement sa mga mata ni Elle, ay napaltan ng pagtataka. They gave me a "What does he mean" look..
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko kilala ang lalaking to.
"Huh?" tanong ko dun sa lalaki.
Naguguluhan na din ang mga nakatingin samin..
"Does D.O really knows her?" bulong ng isang lalaki na hindi kalayuan sa akin.
D.O? Wala akong kilalang D.O ●______●
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at sabay sinabing..
"Frenchie... I miss you.." sabi niya habang patuloy na umiiyak.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lalo na't yakap yakap niya ko... Bigla nalang tumulo ang mga luha ko..
F--Frenn---Frenchie? Isa lang ang tumatawag sakin sa ganung pangalan..
Bakit ngayon pa siya bumalik? Kung kailan masaya na ko.
Do Kyungsoo is my chilhood bestfriend.. Nagaral kami sa Pilipinas noong elementary. I'm a bullied student pero dahil sa kanya.. naging matapang at matatag ako.. natuto akong lumaban..
Accelerate student ako.. kaya naman naging magkaklase kami..
Dumating yung araw na nagkaron ako ng family problem.. Umiyak ako ng umiyak.. Kailangan ko siya ng mga panahong yun..
Kaya naman napagdesisyunan kong puntahan siya..
Siya lang ang makakapag-pagaan ng loob ko. Siya lang ang sandalan ko sa tuwing may problema ko.. Siya lang ang nakakaintindi sakin.. Siya lang ang nagtatanggol sakin.. Siya lang ang parating nandyan sa tabi ko sa tuwing umiiyak ako..
Pero nagbago lahat yon simula nang umalis siya.. Nadatnan ko sa bahay nila ang isang sulat para sakin..
"Frenchie,
Sorry.. I promise you.. I'll be back for you.. This is for you Frenchie.. I'm doing this for you to be proud of me. Sorry..
I LOVE YOU. I will always love you. Promise me Frenchie.. Promise me that you will wait for me. Mahal na mahal kita.. -Kyungsoo"
Katabi ng sulat ay isang singsing.. Kinuha ko iyon at sinuot sa daliri ko.
Sobrang sakit. Sobrang sakit dahil ang kaisa-isang kaibigan ko na siyang palaging nandyan para sakin, ay mawawala sa isang iglap lang.
Pero katulad nga ng sinabi niya, ININTAY KO SIYA. Mahal ko siya kaya ko ginawa yun.. Mahal ko siya kaya hanggang ngayon ay nasasaktan padin ako.
Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit galit na galit ako sakanya ngayon..
4th year highschool ako nang nag-migrate kami sa Korea. NAINIS AKO SA SARILI KO. Dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na hihintayin ko siya..
Pero.. sadyang mapaglaro ang tadhana.. dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya.. Hindi ako nagkakamali.. Siya talaga ang nakita ko..
Pero ang masakit.. ay nakita ko siyang may kasamang babae. Kitang-kita sa mga mata niya na sobrang saya niya..
Habang sinisigaw ang mga katagang "THANKYOU! I LOVE YOU SO MUCH!" habang yakap yakap ang babaeng mahal niya.
At ako? Wala akong ibang ginawa kundi tumayo roon at sulyapan siya kasama ang babaeng iyon. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon. Umiyak lang ako, dahil alam kong wala na kong magagawa.. May mahal na siyang iba.. Niloko niya ko.. Hindi niya tinupad ang pangako niya..
Kahit naman siguro sinong babae, masasaktan kapag nalaman na niloko at pinaglaruan lang sila..
Bumalik lang ako sa realidad noong nagsalita ulit siya.
"Frenchie.. I love you so much.." habang patuloy siyang umiiyak..
"Kyungsie?" bulong ko. Ayan ang tawag ko sa kanya noong bata kami..
Gusto ko siyang yakapin.. Pero pinapangunahan ako ng takot.. Natatakot ako na baka masaktan ako ulit..
Pinunasan ko ang mga luha ko. Sabay kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sakin.
"It's nice to see you again. Oh wait! (sabi ko sabay kuha ng singsing sa daliri ko at sabay ibinigay sa kanya)" ngumiti ako kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko.
Pero sadyang makulit ang mga mata ko. Ngayon.. ay nakikita niya kong umiiyak habang nakangiti..
"Excuse me. Uhmmm lyn? may lakad pa pala ko. Sorry" sabi ko sabay agad akong lumabas sa conference room.
Alam kong hinahabol ako ni kyungsie kaya naman dumiretso ako sa CR. Nilock ko ito para hindi siya makapasok..
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..
"Kaya mo to. Nasanay ka na nga na wala siya sa tabi mo diba? Niloko ko lang niya. Pinaglaruan ka lang niya." bulong ko sa sarili ko.
"Frenchie. We need to talk!" sigaw niya sa labas habang pilit na kumakatok sa pinto ng CR.
"Frenchie.. please.. I love you.." sabi niya.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya.
Naghilamos muna ako ng mukha bago ako lumabas. Ayokong makita niya kong nasasaktan. Gusto kong makita niya ang matapang na Francesca..
Lumabas ako ng CR..
"Frenchie!" sabi niya sabay niyakap ako ng mahigpit.
"Excuse me. I can't breathe"
Kaya mo yan france. Kaya mo yan..
"Frenchie.. Are you mad at me? Frenchie.. Look.. I am very sorry for what happened five years ag---"
"D.O please! That was just a stupid part of the past! Haha! Move on D.O! Hahaha!" sabi ko kasabay ng pag-arte na parang hindi ako apektado sa mga nangyayari.
Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero hinding-hindi na ko kailanman magpapadala sa mga arte niya. Nadala na ko.
"You've changed." bulong niya habang nakatungo.
"Let me correct that. YOU'VE.CHANGED.ME. Hahahaha!" sabi ko.
"Sorry Frenchie.." sabi niya.
"Francesca." pag-tatama ko sa kanya. Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko. At pakiramdam ko, nasasaktan siya sa mga sinasabi ko..
-------------------------------------------
BINABASA MO ANG
24 into 12
RomanceThis story is all about a girl who chose to escape to the reality of being a PERFECT DAUGHTER to a life of being a commoner. She was born next to the wishes of her parents as a girl who always need to be on number 1. She was born handling all the pa...