Chapter 1- The Maldita meets the Cassanova

462 10 0
                                    

Chapter 1

Tiffany's POV

"Hoy Jessica. Bilisan mo nga mag bihis. Bwiset ka. Gusto mong sunugin ko yang damit mo ng hindi ka na makapagbihis at para di ako naghihintay dito. Napaka bagal mo mag bihis." sabi ko habang nandito ako sa loob ng kwarto ni Jessica at naghihintay sakanya.

"Tiffany naman. Bakit ba kasi ang aga mo? Parang 3 minutes ka palang nag hihintay inip na inip ka na diyan." sabi niya na parang kalmado. Aba bwiset to aa. Ayoko sa lahat pinag hihintay ako. Bakit? Bawas beauty yun. Kainis!

"Kasalanan kong mabagal ka kumilos? Aba abuso ka. 3 minuto na ako naghihintay dito. Alam mong ayokong pinag hihintay ako. Kaya bilisan mo bago ako kumuha ng gas at lighter para sunugin yang damit mo." sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Ito naman. Anong gusto mo? Mag bihis ako sa loob ng sampung segundo. Jusko Tiffany. Ikaw na. Ikaw na ang pinaka mainipin."

"I'll take that as a compliment. Kaya bilisan mo na." sabi ko. Jusko nag iinit ako. Lumalabas nanaman pagkamaldita ko. Bagal kasi nitong babaeng to.

"Oh eto na po. Tara na alis na tayo." sabi niya habang naka simangot.

"Gurang este Jessica. Anong nangyari sayo?" tanong ko. Parang tanga. Gulo gulo pa buhok tapos di pa naka ayos yung uniform niya.

"Kasalanan mo toh. Di na ako nakapag suklay. Di na ako nakapag lotion. Di na ako nakapag pulbos. Di na ako nakapag pabango dahil sa pagiging mainipin mo." sabi niya habang bumababa kami gamit tong escalator nila. Oo escalator nila. Mayaman sila ee pero MAS mayaman ako. Bakit? Kasi kung sakanila escalator samin Elevator. Well, iba na talaga kapag mayaman.

"Tssss. Oh!" sabi ko sabay bato sakanya nung suklay nang makasakay na kami sa kotse ko.

"Ano toh?" takang tanong niya habang nakatitig sa suklay.

"Bulag ka o sadyang tanga ka lang? Anong tawag mo diyan? Toothbrush?"

"Alam kong suklay to what I mean is anong gagawin ko dito."

"Ipang sipilyo mo nang bumango naman hininga mo."

"Nako naman Tiffany. Kay aga aga kamalditahan mo full charge na full charge. Easy ka lang. Parang pinag hintay ka lang ng 5 minuto ee." sabi niya habang nag susuklay. Good. Akala ko ipang sisipilyo niya talaga ee.

"5 Minuto? For pete's sake Jessica. Alam mong ayaw na ayaw kong pinag hihintay ako. Kainis ka. Pasalamat ka nakapagpigil ako kundi sunog na sana mga damit mo. Hindi lang damit kundi pati bahay nyo." sabi ko habang nag dadrive.

"Oo na. Sorry na. Di na mauulit." sabi niya. Kahit naka tuon ako sa pag ddrive. Nakita kong naka pout siya. Paano ko nakita? Well kasi maganda ako. Iconnect niyo na lang yun sa pagiging maganda ko.

Buong biyahe tahimik lang kami. Ewan ko. Di ako sanay. Kasi itong kaibigan kong si Jessica maingay. Nasanay na ako sa bunganga nitong parang naka lunok ng megaphone. Himala at tahimik.

"Oh baba na." sabi ko habang pinapark tong kotse ko sa parking lot. Malamang alangan naman sa faculty ko ipark diba?

Bumaba naman siya.

Nandito nga pala kami sa school na papasukan namin.

East High University. Oh diba pang hampaslupa lang. Pangalan pa lang ang cheap na. Hay nako.

Well wala pa ring nag babago dito. Ang pangit pa rin. Mga pang hampaslupa lang toh. Ewan ko ba kung bakit dito ako ipinasok ng mga magulang ko samantalang di naman bagay sa beauty ko ang standards ng school na toh. Kainis.

The Maldita Queen meets the Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon