Chapter 5- Payback

207 7 0
                                    

Chapter 4

Tiffany's POV

Matapos ng ginawa ko sakanya, ayun di niya na ako gaanong kinukilit. Pero di pa rin mawawala ang mga masasama niyang tingin sakin. Di pa rin nadala. Ayun iba't ibang babae pa ang kinakana. Halatang di nag seseryoso sa lovelife eh. Ewan ko ba kung bakit hindi man lang siya nasasaktan o naiiyak kapag hinihiwalayan siya ng mga babae niya. Sabagay kaya nga siya tinaguriang 'Cassanova King' eh.

"Uyy Tiffany." kalabit sakin ni Jessica.

"Problema mo?"

"Wala akong problema. Tignan mo kasi si Nathan palapit siya sayo tas ang sama ng tingin." sabi niya sabay turo kay Nathan. Nakita ko ngang masama ang tingin niya sakin.

"So what brings you here? May kailangan ka?" tanong ko habang nakangiti ng nakakaloko.

"Tiffany Rivera. It's payback time." sabi niya sabay hila sakin.

WTF?!

Nathan's POV

"Ano ba bitawan mo nga ako." sabi niya habang nagpupumiglas.

"Di kita bibitawan hangga't di pa ako nakakaganti sa ginawa mo." sabi ko habang hinihigpitan ko ang hawak sakanya.

"Fvck you asshole." sabi niya sabay sampal sakin. Fuck ang lutong nun aa. Tanga ko naman kasi. Bakit kasi isang kamay lang hinawakan ko.

"Umayos ka Tiffany. Magbabayad ka lang." sabi ko habang hawak ko na ang dalawa niyang kamay.

"Di ko alam na mahirap ka pala. Magkano ba kailangan mo ha? Oh sandali kukunin ko lang yung tseke sa bag ko. Punyeta. Bitawan mo na ako."

"Di ako mahirap. At lalong di ko kailangan ng pera mo."

"Ano kailangan mo?" tanong niya. Tumigil na siya sa paggalaw. Napagod din siguro.

"Ikaw." simple kong sagot.

"You mean ako? As in ako?"

"Yep. Ikaw."

"WALANGHIYA KA! PATI PAGKABABAE KO KUKUNIN MO PA. BASTOS KA. MANYAK. KADIRI KA. BITAWAN MO AKO. WHAAAAAAA. BITAW. PUNYETA. HEEEEELP TULONG. RAPE. RARAPE-IN AKO NITO. HELP-amhpppppppp." bago pa siya sumigaw ng sumigaw tinakpan ko na yung bibig niya.

"Hoy tumigil ka nga. Baka sugurin ako ng mga tao dito. Hindi kita rarape-in okay. Di kita pagsasamantalahan. Kapal din pala ng mukha mo." sabi ko. Ang gara talaga netong babaeng to. Rape daw ba?! Tsss.

"Ah ganun ba?! Pakawalan mo na kasi ako, halimaw ka talaga." sabi niya sabay irap. HAHA Cuteee. Shit what am I saying?! Hay Pasalamat na lang talaga at pinag titiyagaan ko siya. Lahat ata ng babae nagkakandarapa sakin pero nauso ang salitang "EXCEPTION" at siya yun. Kakaiba tong babaeng toh.

"Tiffany, kapag nag bayad ka ng sobra sa isang tindahan, diba may sukli? Ganun din ang gagawin natin. Sa ginawa mong sobra sobra sakin susuklian ko yun." sabi ko sabay ngiting nakakaloko.

"Mr. Villafuerte. Alam mo bang mayaman ako at kahit gaano pa kalaki yan hindi ko na kukunin ang sukli. So keep the change." sabi niya. Shit naman. Bakit ba ang hirap kalabin nitong babaeng toh. Nung umulan ng kamalditahan, malamang inakit at sinalo niya lahat.

"Aish. Bahala ka Tiffany. I'll make sure na you'll get my sweet revenge." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

*PAK*

"Fvck you, assh*le. BASTOS." sabi niya sabay walkout. Shit lutong nun ah.

Tiffany's POV

Bwiset. Nakakainis. Bakit kailangan may halik? Bwiset yun ah. Buti hindi sa lips kundi hindi lang sampal gagawin ko sakanya.

"Tiffany, what's with the face?" tanong ni Jessica.

"Wag mo akong kausapin. Badtrip ako." sabi ko sabay irap.

"Okay."

Isang matinding silence ang namagitan samin and I'm loving it but suddenly a wild shrimp appears.

*PAK*

"What the fvck is that for?" sabi ko. Sino ba tong hipon na to at bakit bigla biglang nananampal? Shit badtrip ako, wag ng badtripin pa.

"That is for landi landi to my boyfriend." sabi niya. Eh di lang pala mukhang hipon toh ee, bobo din pala.

"Landi landi to your boyfriend? Sinong boyfriend? Yung janitor diyan sa labas? Sa pagkakaalam ko wala akong kinakanang janitor ee."

"Hindi janitor ang boyfriend ko. Si Nathan Villafuerte ang tinutukoy ko." sabi niya sabay irap.

"Ah boyfriend mo pala yun." sabi ko. Ang panget netong babaeng toh, no wonder kung bakit siya pinatulan ni Nathan.

"Oo siya nga. Hindi ka lang pala maldita, malandi ka pa. Pati boyfriend ko aagawin mo pa." sabi niya.

"What the fvck. What did you just say? Flirt? For pete's sake. I will never flirt your boyfriend over my dead and gorgeous sexy body."

"Eh ano yung nakita kong hinalikan ka niya kanina? ha? Ano tawag mo dun?"

"Tanga ka? Nakita mo naman na siya ang nanghalik diba? Hindi ako ang malandi kundi yang boyfriend mo. Para sabihin ko sayo di ka mahal nun, tignan mo nga nagawa pa akong halikan kahit may aso siya este girlfriend pala. Ganun na ba ako kaganda para magcheat sayo si Nathan." sabi ko sabay ngiting nakakaloko.

"Humanda ka Tiffany Rivera. Di pa tayo tapos. Sulutera." sabi niya sabay walk out.

Pero bago pa siya maka alis. Hinila ko ang buhok niya at sinampal ko siya.

"Why did you slap me?" mangiyak ngiyak niyang tanong. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Sorry I just gave you a high five in the face." sabi ko sabay walkout. Akala niya ha. She's messing with the wrong girl.

-Zammyyy

The Maldita Queen meets the Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon