Chapter 10- Special Chapter

188 8 0
                                    

Chapter 10- Special Chapter

Tiffany's POV

Makalipas ng ilang araw, mas lalo akong naeexcite. Bakit? Kasi malapit ko na maisagawa ang plano ko. Lalo na't mas lalo pang lumalaki ang kasalanan nila sakin. 

*FLASHBACK*

"Tiffany, ikaw na lang muna bumili ng pagkain." sabi ni Jessica. May LBM kasi siya eh. Parang tanga, pumasok pa. 

"Oo na sige na. Diyan ka lang." sabi ko habang naglalakad papunta sa bilihan ng pagkain. At dahil naka chin up at pang miss universe ang lakad ko. Di ko namalayan na may isang babaeng haliparot na hinarang ang kanyang isang paa dahilan para matapilok ako. Buti na lang tapilok lang kundi papatulan ko toh.

"Oops. Sorry. Di ko sinasadya." sabi niya sabay tawang mahina with matching kapit kapit pa sa braso ni Nathan. Utang na loob, ang landi nitong babaeng toh. Di ko na lang pinatulan. Bakit? Kasi masyadong mababa ang level niya at di ako pumapatol sa mga ganun.

"Okay lang. Pasalamat ka na lang at tapilok lang ng nangyari sakin." sabi ko sabay ngiting nakakaloko. Nagulat naman siya sa reaksyon ko kaya hinayaan ko na lang siya dun.

*FLASHBACK ENDS*

So ayun nga. Mas lalo pa nila dinadagdagan atraso nila sakin kaya mas bongga din ang ganti ko sakanila. Anyway, Ayaw ko sana pumasok kaso wala naman akong gagawin sa bahay. Ayaw ko rin naman mag mall dahil halos araw araw akong nandun. Kaya eto ako ngayon, nasa classroom naghihintay sa sobrang kupad naming prof.

“Goodmorning class.” Speaking of prof. Wala nanaman bumati sakanya kaya pinagpatuloy na niya. Medyo pahiya.

“Okay class since mabilis naman natin natapos ang lahat ng lesson. Mag dedebate na lang tayo ngayon. Lahat ng girls dito sa side na toh at sa kabila naman ang boys.” Sabi ng prof namin. Lumipat naman kami kung saan naka assign ang mga girls. Nabobored ako. Ay nako. Kaazar.

“Okay girls. Sino ang pambato ninyo?” tanong ng prof namin. Walang nagtataas ng kamay pero nagulat ako ng biglang nagtaas ng kamay si Jessica. Tsss di naman marunong makipag debate yan eh.

“Okay Jessica.”

“No Sir. Hindi po ako. Si Tiffany po since magaling siya sa mga ganyan.” Sabi niya sabay turo sakin.

“WTF?! Jessica, bakit ako?!” asar kong tanong.

“Okay Ms. Rivera. Ikaw na ang pambato sa girls."

“But sir-“

“No buts Ms. Rivera. Walang gustong mag volunteer kaya ikaw na lang. Okay sa boys naman tayo. Sino ang pambato niyo?” Binigyan ko si Jessica ng patay-ka-sakin-mamaya-look then nag peace sign na lang siya. Azar ah. Wala pa naman ako sa mood makipag debate.

“Sir. Ako na lang po.” Sabi ni Nathan with matching wagayway ng kamay. Oh great. Siya pa ang makakalaban ko.

“Okay. Ms. Rivera and Mr. Villafuerte stand up.” Sabi niya. Tumayo naman kaming dalawa.

“So our topic for our debate is all about Jealousy. Ladies first. So Ms. Rivera you may start the debate now.” Sabi niya. Oh well madali lang naman pala eh.

“Jealous? One of the main reason why relationship don’t last forever.” Tamad kong sagot.

“I know. Pero alam naman nating lahat na mas mabilis mag selos ang babae kaya kayo minsan ang dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang isang relasyon.” Sagot niya.

“So sinisisi mo kaming mga babae dahil sa pagiging selosa namin? Sa tingin niyo bakit kami nag seselos?” tanong ko

“Hindi ko alam.” Tipid niyang sagot.

The Maldita Queen meets the Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon