Chapter 4- Try me

241 5 0
                                    

Chapter 3

Tiffany's POV

Makalipas ang ilang araw nalaman kong tuma-timer pala itong kupal na katabi ko ngayon sa classroom. Binreakan nga daw siya ng sabay ng dalawa niyang mga haliparot.  Nakakatawa siya. Kapal ng mukha para mang-timer eh wala naman sa mukha niya para gawin niya yun. Mukha siyang tanga sa pang titimer niya ee. Ano akala niya sa sarili niya, ubod ng kagwapuhan para mang timer? Ubod kamo ng kayabangan.

"Iniisip mo nanaman ako." sabi ni Nathan with matching sundot sa tagiliran ko.

"Gago. Asa ka pa. Nakikita pa nga lang kita nasusuka na ako what if kapag iniisip pa kita."

"Ang taray mo talaga. Akala mo maganda ka? Asa ka pa."

"Akala mo gwapo ka? Gago ka ba?" 

"Hay. Ang sungit mo at ang taray mo. Paano ka magkakaboyfriend niyan? Sayang naman ganda mo."

"Edi inamin mo rin na maganda ako." sabi ko with matching flip ng hair.

"Maganda ka naman talaga ee."

"Thankyou."

"Syempre joke lang yun. Mukha ka ngang tinapa ee." aba. Pakyu to aa. Ang kapal ng mukha.

"Excuse me? Ako Tinapa? Eh ano pang tawag sayo? Dugong? Hoy para sabihin ko sayo maraming nagkakandarapa sakin para sabihan mo akong tinapa. Di na ako magugulat  kung isang araw nililigawan mo na ako at hinihingi mo na ang matamis kong OO."

"Eh ang lakas pala ng-"

"Sasagot pa ee." sabi ko sabay tapat sakanya ng kamao ko. 

"Sabi ko nga." sabi niya sabay roll eyes. He is so annoying.

***

Natapos ang klase na walang ginawa itong hayop na katabi ko kundi ang inisin ako. Punyeta. Buong sem ba ako titira sa impyerno kasama tong lalaking toh? Nakakapanggigil ang mukha ee. Ang sarap bangasan.

"San ka nakatira? Sabay na tayo." sabi niya

"Ako sasabay sayo? NO WAY! Alam kong gusto mo lang ako solohin." sabi ko. Joke lang yun pero...

"Paano mo nalaman?" Aba. Binatukan ko nga.

"ARAY! Para saan yun ha? Para ka talagang amazona ee." sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan." sabi ko at aalis na sana kaso aalis pa lang ako ng may narinig akong sigaw.

"HONEYBUNCH~" tili ng isang babae. Punyeta ang sakit sa tenga. Sino ba yan at baka masapak ko pa.

"Honeybunch, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nathan dun sa babae. HAHAHA Honeybunch? Seriously uso pa ba mga ganyan. Infierness ang chaka nung babae bagay sila ni Nathan.

"Namimiss na kasi kita." sabi niya sabay pulupot sa leeg ni Nathan. Ahas ba toh? Aba sa harap ko pa naglandian. Aalis na sana ako kaso biglang nag salita yung babae.

"Honeybunch, sino siya? OMG Don't tell me kabit mo siya?!" sabi nung babae sabay turo sakin. Aba badtrip to aa.

"Ako kabit?" sabi ko sabay turo sa sarili ko. Narinig ko namang nagmura si Nathan. Alam niya na siguro gagawin ko.

"AKO KABIT?" ulit ko sakanya ng pasigaw na siya namang ikinagulat niya.

*TING*

OMG! I'm so smart talaga. May naisip ako. BWAHAHAHAHA Get ready for my sweet revenge Nathan Villafuerte. Sisiguraduhin kong uusok ang tenga mo sa galit sakin. Sakin parin ang huling halakhak. BWAHAHAHAHA.

"Oo kab-" di ko na siya pinatapos dahil pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Nathan.

"Excuse me. Pero hindi ako ang kabit. Baka ikaw. Di mo ba alam na matagal na kami ng Sweetheart ko. Diba sweetheart?" sabi ko sabay pinanlakihan si Nathan ng mata. Yung itsura niya gulat pa din. Tsss ang panget.

"Di ako naniniwala. Ikaw ang kabit satin. Di hamak na mas maganda ako sayo para ipagpalit ka niya sakin. Tska ako ang mahal niya." sabi niya sabay hila kay Nathan. Wala na akong magagawa, ayoko ng makipag agawan pa.

"Kapal ng mukha mo. Hindi ako kabit okay. Osya sige sayo na yan. Di naman niya ako mahal ee. Mas mahal ka niya. Araw araw niya nga sinasabi yan ee. Alam mo naman kasi yang si Nathan. Animal Lover kaya ayan mahal na mahal ka. Di hamak na mas maganda pa pwet ng aso namin kesa sayo. Angkinin mo na yan ha? Ituring mong amo." sabi ko sabay walk out. Pero wait may nakalimutan ako.

"Btw' girl, I'm telling you hiwalayan mo na yan dahil ako na nag sasabi sayo madami yang kabit. Better luck next time. Sa susunod yung seryoso ang piliin mo hindi yung sa mukha lang seryoso pero sa loob manloloko." sabi ko. Nakita kong naka tingin ng masama sakin si Nathan. Yes. Yan ang gusto ko. Huh. Sabi ko naman kasi sayo babawi ako. Mag wawalk out na sana talaga ako kaso nakarinig ako ng isang matinding sampal.

"Walanghiya ka. Sinasabi ko na nga ba at may mga babae ka. Bwisit.  Break na tayo." sabi nung girl na sumampal kay Nathan. Umalis na yung babaeng luhaan at nakatayo si Nathan dun habang nag iinit ang mukha at nagiigting ang mga mata sa akin. Owyeah gusto ko yan.

"WALANGHIYA KA-" mag sasalita pa sana siya kaso pinutol ko na.

"That's what you get for being a playboy, Mr. Villafuerte. Try me, Nathan." sabi ko sabay kindat at walkout. I told you sakin ang huling halakhak. BWAHAHAHAHAHAHA Teka sakin nga ba?

-Zammyyy 

The Maldita Queen meets the Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon