Graduation day na ni Ashley. Magtatapos na si Ashley bilang Valedictorian sa buong paaralan nila. Masaya si Ashley sa araw na iyon dahil pinangakuan siya ng mga magulang niya na bibigyan siya ng laptop bilang regalo dahil nakapagtapos siya bilang Valedictorian kahit ang layo ng mga magulang niya sa kanya dahil magkahiwalay na ito. Ang tanging kasama niya sa bahay ay ang personal maid si Ate Dina na.
Kahit hindi masayadong malapit sa magulang si Ashley pero hindi naman siya nalulungkot o nagdadrama tungkol dito dahil sa simpleng pakikinig niya lang sa kanta ng EXO nawawala na ang lumbay niya at mas nabubuhay pa ang kagustuhan niyang maging masaya. Marami din naman siyang kaibigan dahil bukod sa matalino siya, maganda, sexy, mabait at tunay na maaasahan siya ng mga tao sa paligid niya. Marami ding nagkakagusto sa kanya pero hindi niya ito pinapansin.
Excited na siyang gumising ang magsasabit ng medalya sa kanya ay si Ate Dina niya. Hindi siya excited sa mga kukuha niyang medalya kundi sa kanyang sariling laptop. Gusto na nga niyang matapos ang graduation niya para mahawakan na niya ang regalo ng kanyang mga magulang.
Nagsimula na ang seremonya. Lahat ay puno ng excitement. Naging masaya naman ang lahat.
“Ashley? Ano handa ng Valedictorian ng taon?” Tanong ni Lucy na kaklse niya.
“Wala, Alam mo naman di ako mahilig sa handaan.” Paliwanag ni Ashley.
“OO alam ko yun dahil ang hilig mo ay EXO” Nakangiting sambit ni Lucy.
“Tama. Sige una na akong umuwi. Bye” Nagmamadaling umalis si Ashley at hinila na din ang Ate Dina niya.
Sobrang trapik. Kaya mas lalong napupuno ng excitement si Ashley. Sobrang hindi na siya mapakali sa loob ng taxi.
“Oh malapit na tayo” Pakalma ni Ate Dina dito.
Bumaba na sila ng taxi at mabilis na tumakbo si Ashley para buksan ang pinto ng bahay nila. Pagkabukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang mga katulad niyang fan din ng EXO “Happy Graduation Day Ashley” Sambit ng mga ito. May hawak din silang malaking banner na may design na mukha ng mga EXO at may nakasulat na Congrats Ashley. Punong puno din ang paligid na puro pictures ng mga EXO members. Pakiramdam ni Ashley na sa langit na siya na puno ng mga anghel.
“Happy birthday Ashley” Sambit ni Cana na may kalakihan ang katawan at isa sa mga unang miyembro ng EXO FAN. May bitbit itong cake na may mga nakatayong miniature ng mga EXO members. Yun na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ni Ashley.
“Ashley, pumasok ka na sa kwarto mo” Utos ni Ate Dina.
Pagpasok niya ay napakadilim at may nag-iisang nagliliwanag sa kama niya. Ang laptop na pangako ng kanyang magulang. Ang wallpaper nito ay si. “My Baekhyuuuun!!” Napasigaw sa sobrang tuwa si Ashley tinakbo niya ito at niyakap niya ito ng mahigpit. Binuksan ni Ate Dina ang ilaw at tumambad naman kay Ashley 12 posters sa paligid niya na mukha nina Kim Joon Myun aka Suho, Byun Baekhyun also known as Baekhyun, Park Chanyeol simply as Chanyeol, Do Kyung Soo as D.O., Kim Jong In also known as Kai, Oh Sehun simply as Sehun, Kris Wu Yifan credited as Kris, Kim Min-seok simply as Xiumin, Lu Han, Zhang Yixing known as Lay, Kim Jong-dae simply as Chen and last Huang Zitao as Tao. Umikot-ikot sa tuwa si ashley hindi na langit ang pakiramdam niya kundi paraiso. Paraiso kasama ang kanyang labing dalawang prinsipe.
Sobrang saya ang araw na iyon para kay Ashley. Hindi man niya kasama ang mga magulang niya sa pagcelebrate ng graduation niya nakasama naman niya ang mga katulad niyang EXO Fan at higit sa lahat kasama niyang mag celebrate ang kanyang labindalawang prinsipe.
