Pagkagising na pagkagising ni Ashley. Binuksan niya agad ang computer niya at chineck ang instagram, twitter, facebook, official website at iba pa kung saan makakakita ng updates sa EXO. At may nabasa siyang isang post na alam niyang imposible pero umasa pa din siyang maging posible ang makapunta ang EXO sa kanilang lugar. “SEE YOU THERE.. AT YOUR PLACE” At nabanggit dun ang lugar nila Ashley. Parang biglang tumibok ng mabilis ang puso niya, di niya maigalaw ang buong katawan niya at nanlalaki ang mga mata niya. “To…totoo ba ‘to?” Nauutal na sambit ni Ashley. Pumunta siya sa Group page ng mga fan ng EXO at doon na confirm niya na 1 week na lang at pupunta na ang EXO sa lugar niya.
Gustong sumigaw ni Ashley pero walang nalabas sa bibig niya. Tumayo siya ng dahan-dahan nilibot ang tingin at napasigaw siya ng ubod na lakas na puno ng excitement. “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh sa wakas my my 12 prince ay mapapasakin na.”
“ASHLEY” sigaw ni Ate Dina. “Mag almusal ka na dito”
Bumaba na si Ashley na may abot-langit na ngiti. “Ate Dina sa wakas makapupunta na ang EXO dito sa atin. Dapat maihanda ko na agad ang kasal namin.”
“Labingdalawa pakakasalan mo ng sabay sira ka ba. Tsaka ano bang nagustuhan mo sa mga yun. Tsk hindi mo naman sila maintindihan. Tsaka parang tanga yung pormahan at isa pa…” Napahinto si Ate Dina sa pagsasalita dahil binato ni Ashley ang basong puno ng gatas.
“Huwag nyo ng ituloy at uulitin yan. Nawalan na ako ng gana” Tumayo si Ashley at naglakad papasok sa kwarto niya pero pinigilan ni Ate Dina. “Ashley, Sorry na.” Pero di siya kinibo ng alaga niya. “Ganito na lang tutulungan na lang kita sa balak mo na pakasalan ang labindalawang prinsipe mo” Alam niyang kalokohan lang yun pero alam niya din na para kay Ashley hindi biro yun. “Ashley?” Nilingon siyang muli ni Ashley pero wala na ang maitim na aura at niyakap niya na si Ate Dina “Pangako yan Ate Dina ah”
Alam na ni Ate Dina ang ugali ni Ashley lalo na sa pagiging avid fan nito pero yung kaninang eksena ay hindi niya kinaya. Mahal na mahal niya si Ashley kaya hanggat maaari ayaw niyang magtampo ito sa kanya.
“May 1 week pa ako para maghanda sa pagdating ng mga mahal ko. Hmm Ate Dina ano kayang magandang tema ng kasal?” Kinikilig na tanong ni Ashley dito.
“Princess Ashley of the 12 Prince. Pwede ba? Tapos iba’t-ibang gown susuotin mo. Parang nakakapagod nga lang.Dapat kasi magdidkit-dikit na lang sila para di ka mahirapan” Suhestiyon ni Ate Dina.
“Magdikit-dikit? Tama magandang idea yan. Maiwan muna kita dito ate Digna ah, pasok na lang ako sa kwarto” Nagmamadaling pumasok si ashley sa kwqarto niya binuksan ang computer at naghanap ng mga pictures ng EXO at tinitigang mabuti kumuha siya ng papel at nagsulat:
Suho: Labi at ngipin
Baekhyun: Mata
Chanyeol: Ilong
D. O.: Ears
Kai: Body
Sehun: Right Arm
Kris: Left Arm
Xiumin: Right Leg
Lay: Left Leg
Luhan: Head and heart
Chen: Lungs
Tao: Kidney
Pumikit si Ashley at nag-imagine ng itsura ng kombinasyon ng labindalawa. Parang kakaibang excitement ang nadarama ni Ashley ng mga sandaling yun. Gusto na niyang pabilisin ang oras pero kailangan niya pa ng oras para maghanda sa kasalanang gusto niya. Tumingin siyang muli sa FB newsfeed at may nabasa na naman siyang ikatutuwa ng puso at kalamnan niya “Si.. Si… Chanyeol at D.O. pupunta na bukas? Ang ilong at tenga ng Ideal man ko? Mauuna na.. Kyaaaaah” Lumundag na naman sa tuwa si Ashley. Kunti na lang lilipad na siya sa sobrang tuwa.
“Bukas sila pupunta. Kailangan maging handa ako.”