Suho, Baekhyun and Tao

12 0 0
                                    

Nabalitaan sa buong mundo ang naganap kina Chanyeol at D.O. iniimbistigahan ng mga kinauukulan ang nangyari sa dalawa. Hindi pa nila alam ang motibo ng kriminal. Wala namang ninakaw ang mga ito at hindi naman nakalkal ang mga gamit ng dalawa. Tinanong din si Chanyeol at D.O. sa kung ano ang nangyari nun. Nakita nga ni Chanyeol ang kriminal pero nakabalot ito at akala niya fan lang ito ni D.O. dahiil hinihipo ang mukha ni D.O. Pinauwi na din muna ang dalawa para makapagpahinga at makapagpagaling.

Usap-usapan na babae yun at baka isang hater ng grupong EXO kaya nagdoble ingat na ang mga bantay . Kahit nangyari ang ganong trahedya hindi papayag ang buong EXO na basta icancel ang concert nila sa lugar na iyon.

Sumunod na pumunta si Suho, Baekhyun at Tao. Ganun din ang salubong ng mga fans nila. Mas dumoble nga lang ang mga guard at pati mga fan ay nagbabantay na din sa paligid baka kasi makapasok ang hater nila.

Hindi pumunta si Ashley sa pagsalubong sa tatlo. “Pagbibigyan ko kayo ngayon. Sige magpakasasa kayo sa kanila dahil mamayang gabi. Akin sila. Mabubuo na si Ideal man ko. Ano kayang ipapangalan ko sa kanya? Hmm. Excited na ako. Labi, ngipin, mata at kidney. Hmm naamoy ko na ang dugo nila.”

Nagsolo ng kwarto si Baekhyun dahil aabangan niya ang tinatawag na hater nila. Matapang siya kesa sa dalawa at gusto niyang ipaghigante ang kaibigan niya. Naisip niyang baka siya ang puntahan dahil mag-isa lang siya sa kwarto at nagpost din siya sa lahat ng social sites “I’m all alone. See you soon. Hater”

Nabasa ito ni Ashley. “Hater? May hater si Baekhyun ko at magkikita sila. Hindi pwede ‘to. Papatayin ko yang hater na yan” Hindi alam ni Ashley na siya ang tinutukoy nito dahil indenial siya sa mga negatibong balita tungkol sa EXO.

 Kinagabihan pumuntang muli si Ashley sa Hotel ng tatlo. Pero dahil naiinis siya kay Baekhyun na inaantay ang hater niya kaya hindi niya ito pinuntahan bagkus ang pinuntahan niya ay si Tao at Suho. Mahimbing na natutulog ang dalawa.

“Ang cute talaga ng dalawang ‘to” Kinikilig ito habang dahan-dahang lumalapit kay Suho. “Ikaw ang magiging ngiti ng ideal man ko. May dala akong Cutter hindi siya masyadong matalas pero masakit ‘to” Nilabas niya na ang talim ng cutter. Sinukat-sukat niya muna ito atsaka sinaksak sa labi. Nagising bigla si Suho “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah” napasigaw ito ng napakalakas pero imbes na lumayo si Ashley diniin niya ang saksak dito. Tinulak siya ni Suho palayo pero ang cutter nakasaksak pa din sa labi nito at nagdurugo na. Umiiyak na si Suho sa sakit. Nagising din si Tao sa sigaw ni Suho at tinawagan niya ang security ng palihim pati si Baekhyun.

“Suho, calm. I will help you” Sambit ni Tao dahil nakikita na niyang naiiyak si Suho.

“Tss. Kaya gustong-gusto kong tanggalin yang labi mo.” Galit na sambit ni Ashley sabay talon sa bintana.

Saka naman ang pagdating ng mga security. Dinala na din agad-agad sa ospital si Suho. Sobrang natakot si Tao at suho sa nangyari nung gabing yun gusto na nilang umuwi agad pero hindi sila pinapayagan dahil sa kundisyon ni Suho na sobrang natrauma at ayaw kumilos. Sobra rin ang pagsisisi ni Baekhyun kung bat pa siya humiwalay ng kwarto at nagmatapang.

My Ideal man (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon