3 - Pink Daisy

23.6K 619 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 – Pink Daisy

"ANG ganda naman ng bagong arrangement na iyan ate Pam at ang pretty ng ceramics vase." Napangiti siya sa sinabi ni April, tiningnan niya ang bagong gawa niyang flower arrangement. Gumamit lang siya ng pink daisy at inayos niya iyon sa isang parisukat na puting ceramics na flower pot. "Anong pangalan niyan?"

"This is..." nag-isip siya ng pwede niyang ipangalan sa bagong arrangement niya. "Innocence."

"Bakit innocence?"

"Ang meaning kasi ng daisy ay innocence, new beginning, purity and true love."

"Talaga? Hindi ko alam iyan pero ngayon alam ko na." tiningnan niya ang ceramics na vase na may tatak na Bloom Station na pangalan ng kanyang flowershop.

"Kailangang malaman din ng mga tao ito kaya pakikuha ng cellphone ko." agad itong tumalima sa utos niya habang pinupunas ang palad sa suot niyang working apron. Inipit niya sa likod ng kanyang teynga ang ilang hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakaipit niya. She had a bob cut hairstyle, matagal na siyang hindi nagpapahaba ng buhok dahil nabibigatan siya and besides sa edad niyang bente siete ay nagpapa-urong ng edad ang hairstyle na iyon. Kaya lang pahirapan kapag naiinitan siya dahil nahihirapan siyang ipitin iyon.

"Heto ate." Tinanggal niya ang kanyang gloves at kinuha ang phone niya. Isinet niya iyon sa camera mode at hinanapan ng magandang angle ang flower arrangement niya at kinuhanan ng larawan. She immediately logged in to her blog account and uploaded the picture with some short caption.

"True love is pure and innocent." Basa ni April sa post niya. She rarely post long boring notes sa blog niya, she always posted her new flower arrangement and the short yet precise meaning of the flowers for everyone to see. "Ang cute naman ng caption ate Pam, sana magkaroon din ako ng true love na pure and innocent."

"Mag-aral ka muna at kapag tapos ka ng mag-aral, mag-ipon ka ng paunti-unti at kapag nakaipon ka na saka muna hanapin si Mr. True Love mo."

Lumabi ito. "Parang wala naman."

"Don't say that, may mga taong nakalaan sa iyo kailangan mo lang maghintay." Aniyang ipinasok sa loob ng apron ang phone at iniligpit ang kalat.

"Sa tingin mo ate magkakaboyfriend ka uli?"

Tumawa siya sa tanong nito. "Siguro, hindi ko rin alam."

"Ang mga lalaki ngayon ate ay tumitingin sa panlabas na anyo bago tumingin sa panloob na anyo."

"Hindi naman siguro lahat."

"Pero karamihan sa kanila ganoon. Iilan nalang ang hindi." Napakibit-balikat ito. "Pati ang mga feeling gwapo sobrang mapili na rin."

"Huwag mo nalang isipin ang mga iyan basta kung sino ang dumating at mamahalin ka ng tama at mahal mo rin naman bakit hindi mo bibigyan ng chance? Hindi kailangang gwapo at mayaman, huwag kang magset ng standards dahil masasaktan ka lang at mahihirapan kang tanggapin siya sa buhay mo dahil ayaw mong mapahiya sa sarili mo at sa ibang tao dahil iisipin nila, may standards ka pero sa hindi mo standard ka bumagsak."

"Ang hirap naman niyan ate lahat naman siguro may standard."

"Sabagay." Dinala niya sa display rack ang bagong design niya. "Just be discrete about it nalang."

"Ikaw ate ano ba ang standard mo?"

"Sa edad kong ito may standard pa ba dapat ako?" bigla siyang napaisip sa kanyang sariling tanong. "Para kasing applicable lang iyon sa mga bata."

"Hindi ka pa kaya matanda, bata pa ang twenty-seven."

"Pero hindi na ako teenager na naaadik sa mga hero sa mga books na nababasa ko o kaya naman ang bida sa palabas na kinahuhumalingan ko. But since you asked, simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko iyong lalaking matiyaga. Iyong marunong manligaw at kahit na ilang beses kong bastedin ay sisige pa rin."

"Nge, mas madali yatang maghanap ng lalaking gwapo at matangkad keysa ganyang klaseng lalaki ate."

Ngumiti lang siya dito. "Kaya nga single pa rin ako hanggang ngayon." Makahulugang wika niya. "Puntahan ko muna si Vanessa." Tukoy niya sa isa sa mga kaibigan niyang nasa isang pet store nagtatrabaho. Kasama nito doon ang veterinarian nitong pinsan na si Margareth na palaging out of town dahil nagvovolunteer ito sa isang NGO.

Pinuntahan niya ang kaibigan pero sa kasamaang palad ay wala ito sa pet shop, may linakad ito at hindi alam kung kailan babalik kaya bumalik nalang siya sa Bloom Station.

"Ang aga mong bumalik 'te Pam."

"Wala doon si Vanessa." Sinulyapan niya ang display rack. "Nasaan ang Innocence?"

"May bumili na."

"Talaga? Nawala lang ako saglit may bumili na. Sino ang bumili?"

"Si loverboy." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Iyong gwapong bagong suki natin na nanliligaw kay ate Yumi."

"Ah, si Nicolo."

"Mukhang iyon nga."

"Hinanap niya ako?" Kunot-noong tiningnan siya nito na tila ba may mali sa kanyang sinabi.

"Bumili lang siya ng bulaklak."

Tumango lang siya. "Good. He's good for the business kaya huwag mong kalimutan ang extra tax niya okay?"

Hindi siya nito nilulubayan ng tingin.

"Bakit ba?" takang tanong niya dito.

"Iyong pink na daisy ate, may naalala akongs sinabi mong meaning."

"And?"

"New beginning." May halong panunukso sa boses nito at hindi siya tanga para hindi mabasa ang ibig sabihin ng tono ng boses nito.

"Bagong simula talaga sa panliligaw niya kay Yumi."

"Mukhang wala naman siyang babalikan 'te Pam, may bumabakod na kay ate Yumi."

"Sino naman? Hindi ko alam iyan."

"Matagal na no, si Sir Howard." Kilala niya si Howard dahil madalas itong suki niya sa flowershop, mukha naman itong mabait at disente pero hindi ito palaimik.

"Mukhang torpe iyon hindi trip ni Yumi ang ganoong lalaki."

"Torpe nga pero kung makabakod wagas kaya hindi na ako magtataka kung hindi magsusucceed ang manok mo 'te. Maraming kakampi si Sir Howard dito dahil turf niya ito." Ganoon na ba siya ka secluded at hindi na niya alam na may ganoong ganap pala sa lugar nila? Ang swerte ng kaibigan niya kung ganoon, ang haba ng hair daig pa si Rapunzel.



TBC

BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon