18- Daffodil
"HANGGANG kailan ka magtatago diyan, Pamela? Babalik na ako sa trabaho ko, inuurat na ako ng boss ko." Ilang beses na ba siyang tinawagan ni Kc para pauwiin? Halos araw-araw ay tumatawag ito minsan naman ay nakikipag-video call na hindi niya ina-accept.
"Sa isang linggo matatapos ko na ang short course na kinuha ko dito kaya makakahinga ka na ng maayos." Balita niya dito.
"Really? Talaga?"
"Oo na po."
"Nakamove on ka na rin ba sa wakas?" kumunot ang kanyang noo sa tanong nito. Ang pinsan niya ang unang naglakas ng loob na itanong sa kanya ang bagay na iyon. Anim na buwan mula noong umalis siya sa Pilipinas, anim na buwan noong napagdesisyunan niyang magmove-on. Bakit kailangan pa niyang lunurin ang sarili niya sa kasawian kung wala naman siyang kakapitan?
"Bakit ko naman kailangang magmove-on?" lumabi siya.
"Nabasted ka kaya ni Nicolo." Napatayo siya sa kanyang kinauupuan sa sinabi nito. Wala siyang sinabihan kahit na isa sa nangyari sa kanya kaya paano nitong nalaman iyon?
"Says who?"
"Says me. Huwag ka ng magdeny pinsan kabisado na kaya kita. Huwag kang mag-aalala kaunti lang naman kaming may alam sa nangyari sa iyo."
"Kaunti? May alam pa na iba?" malakas na tumawa si Kc na para bang sinasabi na nahulog siya sa patibong nito.
"Malalaman na nila. Binibiro lang naman kita dear cousin hindi ko naman alam na sasakay ka pero huwag kang mag-worry hindi ko naman talaga sasabihin sa madla ang nangyari sa iyo. And since six months ka diyan kaya sure akong naka-move on ka na kay Nico."
"Kc sasabunutan kita pag-uwi ko diyan. Saka na tayo mag-usap, magsisimula na ang klase ko." Paalam niya sa pinsan. Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa nakalimutan niya kung anong klaseng tao ang pinsan niya.
Nakapagmove-on na ba siya? Iyon ang pinakamahirap na tanong sa lahat dahil sa tingin niya ay wala na siyang nararamdaman kay Nicolo pero nagda-doubt pa rin siya sa kanyang sarili dahil baka nasanay lang siya sa nararamdaman niya. Ika nga nila baka na-immune lang siya sa pain.
Marami siyang natutunan sa kanyang naranasan. Kulang ang gulat na depenisyon sa kanyang naramdaman noong tanggihan nito ang nararamdaman niya. Umasa kasi siya, iyong pag-asa niya ay abot langit kaya ang nangyari hindi niya na-warningan ang sarili na hindi lang 'oo' ang pwedeng isagot sa isang tanong, meron din palang 'hindi' at 'I am sorry'.
Natuto siyang maging mas open-minded at hindi bigyan ng mas malalim pa na kahulugan ang mga magagandang ipinapakita ng tao sa kanya. Hindi dahil malambing sila ay may gusto na sila sa iyo, pwede namang ganoon lang talaga sila. Gusto niyang sisihin si Nico dahil pakiramdam niya ay pinaasa siya nito pero hindi niya magawa. Una, sa simula pa lang ay alam niya na si Yumi ang gusto nito. Mabait lang talaga ito sa mga tao at nagkataon na naging magkaibigan sila kaya mabait ito sa kanya. At siya naman itong tanga, akala niya ay more than friends lang kaya ang nangyari 'I am sorry' lang ang narinig niya dito.
BINABASA MO ANG
BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Paano kung isang araw ay may magbalik mula sa nakaraan ang twist lang ay hindi nakaraan mo kundi nakaraan nang kaibigan mo? At bago mo pala nakalimutan, wala na nga pala siyang babalikan kaya ikaw ang kanyang napagtrip-an. Ano na ngayon? Pap...