20- Aster
ALAM ni Pamela na naiilang sa kanyang mga titig ang dating kasintahan, karga ni Dominic ang sanggol na anak nito habang pinapatahan. Well, she just found it really amusing dahil sa pagkakatanda niya ay hindi ganito ang lalaki. Ayaw nga nitong madumihan at masyadong OC sa lahat ng bagay pero heto at kulang nalang ang masabihan itong binagyo sa ayos.
"Pasensya ka na Pamela, nakita mo naman masyadong busy ang pagiging tatay. Kahit na sa day off ko ay nag-aalaga pa rin." Kimeng ngumiti siya dito.
"Nasaan si Patricia?" ang asawa nito at pinsan niya ang tinutukoy niya. Wala ito sa bahay pagdating niya.
"Nag-grocery lang babalik rin iyon anumang oras mula ngayon."
"Mukhang enjoy ka sa pagiging ama mo, ah. Worth it ba na gamitin ako para mapalapit sa pinsan ko?" nakatikwas ang isang kilay niya at halata din ang sarkasmo sa kanyang boses. She can't deny the fact that she still a little bit offended when Dominic told her that he really likes her cousin.
"About that Pamela, I am really sorry."
She waved her hands on the air to make him stop. "Joke lang Dominic, kahit papaano ay nakapagmove-on naman ako." Gusto niyang suntukin ang sarili sa kanyang sinabi dahil kung nakapagmove on na nga siya wala sana siya dito sa harapan ng dating kasintahan. "Well, not really. Feeling ko kasi wala akong proper closure noong magkahiwalay tayo parang ikaw lang ang nagka-closure." Bawi niya sa unang sinabi.
"Pam, I am really sorry."sincere na hingi nito ng paumanhin.
"Tell me Dominic, noong tayong dalawa pa. Naramdaman mo ba na minahal kita?" kumunot ang noo ng lalaki sa kanyang tanong. "Wala akong ibang basis dahil ikaw lang naman ang naging kasintahan ko."
Nawala ang mabigat na hangin na nakapalibot sa kanilang dalawa ng ngumiti ang lalaki na para bang naiintindihan ang kanyang sitwasyon kahit wala pa siyang sinasabi. Who wouldn't? Dominic is a psychiatrist by profession, sanay itong makasalamuha ang mga tulad niyang baliw at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Huwag mo lang akong titigan dahil hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig."
"Are you in love?"
Yes! Kay daling isigaw ang isang salitang iyon pero hindi niya magawa dahil may kung anong pumipigil sa kanya. Doubt? Probably.
"I have someone I like."
"Like? Lang?"
"Fine." Tuluyan na siyang na-relaxed sa presensya nito. "More than like to the point na ako na mismo ang nagtapat sa kanya ng feelings."
BINABASA MO ANG
BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)
KurzgeschichtenTeaser: Paano kung isang araw ay may magbalik mula sa nakaraan ang twist lang ay hindi nakaraan mo kundi nakaraan nang kaibigan mo? At bago mo pala nakalimutan, wala na nga pala siyang babalikan kaya ikaw ang kanyang napagtrip-an. Ano na ngayon? Pap...