15- Pink Carnation
MABIBIGAT ang mga dalang halaman ni Pamela at sa kasawiang palad kahit kanina pa siya naghahanap ng pwedeng maghatid sa Blooms ay parang pinagkaisahan siya ng mga tao at walang dumadaang sasakyan.
"Kasalanan mo kasi iyan Pamela sana ay pumayag ka ng ihatid ng mga kasama mo sa simbahan." Pangaral niya sa kanyang sarili. Galing siya sa isang kasalan para magdesign sa simbahan at sa reception. Pagkatapos na maiayos ang lahat ay nagpasya na siyang umuwi wala siyang balak na mag-stay doon at manood ng mga madramang kasal.
Narinig niya ang masayang sigawan ng mapadaan sa may basketball court kaya bahagya siyang napasulyap doon. Mukhang may liga na naman na nangyayari, sa isang tabi ay mga ilang teenagers na babae na nakasuot ng volleyball uniform habang sa gitna ay ang mga kalalakihang masayang naglalaro ng basketball. Kusang tumalon ang puso niya ng makita ang lalaking ilang araw na rin na hindi nagpapakita sa kanya. Kusa din siyang nalungkot sa ideyang mukhang nakalimutan na talaga nito ang existence niya.
"Go!" wala sa sariling bulong niya ng makuha ni Nicolo ang bola at magthree points it, kinabahan pa siya ng tumama muna iyon sa gilid ng ring bago na-shoot. Bigla itong lumingon sa gawin niya at nagtama ang kanilang mga mata pero wala pa ni isang Segundo ay agad naman itong nagbawi ng tingin na para bang hindi siya nakita. "Aw." Mahinang bulong niya kasabay ng pagbilis ng kanyang lakad. "Medyo masakit friend." Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. "Go lang." she tried pushing herself up, hindi pwedeng magpadala siya sa nararamdaman niya.
Too much feeling is dangerous for her health.
"Ate Pam! Bakit ang dami mong dala?" bulalas ni April ng makita siyang papasok ng Blooms dinaluhan naman siya ng kanyang assistant. "Wala bang nakakita sa iyo sa labas at tinulungan ka? Gosh, saan na ang mga gentleman sa mundo?"
"Pagmamay-ari na ng iba." Biro niya. Kunot-noong tumingin ito sa kanya. "What?"
"Umiyak ka ba ate?"
"No."
"Akala ko umiyak ka."
"Pinagpapawisan ako ng sobra, hanggang sa may gate papunta dito ako naglakad. Ang hapdi ng pawis kapag pumapasok sa mata." Kinusot pa niya ang namumulang mga mata. "May naghanap ba sa akin?"
"Si ate Vanessa, huwag mo daw kalimutan ang birthday niya."
"Birthday?!" tumaas ng ilang decibels ang tono ng boses niya sa sinabi ni April. "My gosh! Muntik ko ng makalimutan." Ngumisi naman si April sa kanyang naging reaksyon.
"Mabuti nalang talaga at mabait ako, ate Pam. Dapat bigyan mo ako ng increase." Mayabang na ani nito.
"Kapag nagkalovelife ako dadagdagan ko ang increase mo." Nagningning ang mga mata ng kausap sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
BLACK MAGIC: Bloom (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Paano kung isang araw ay may magbalik mula sa nakaraan ang twist lang ay hindi nakaraan mo kundi nakaraan nang kaibigan mo? At bago mo pala nakalimutan, wala na nga pala siyang babalikan kaya ikaw ang kanyang napagtrip-an. Ano na ngayon? Pap...