Alas 9 na ng gabi..Ya pwede niyo po kayang ma check si jade kung ok lang po ba siya or nakatulog na? Sabi ni althea
Ay ya pati po pala pakibigay nitong gatas pero wag niyo na po sabihing ako gumawa ha baka hindi inumin eh..dagdag nito
Ok sige.. Sabi ni yaya at tumungo na sa kwarto ni jade
Jade, iha gising ka pa ba? Sabi ni yaya
Ya pasok ka... Sabi ni jade
Ito dinalhan kita ng gatas mo..sabi ulit ni yaya
Salamat ya.. Sabay kuha ng baso
Ok ka lang ba dito jade? Sabi ni yaya
Namimiss ko si althea kaso hindi ko talaga maatim maamoy yung cologne niya ya at kapag nakikta ko siya parang nakakairita eh.. Sabi nito
Sige lang.. Baka makalipas ang ilang araw mawawala din yan.. Sabi ni yaya
Siya po ba nagpapunta sa inyo dito? Tanong ni jade
Kapag sinabi ko ba na oo ok lang sayo? Tanong din ng yaya niya
Opo ya.. Kahit hindi niyo po sabihin alam ko naman po.. At alam ko din nandyan yan sa labas ng pinto.. At siya din nagtimpla nito..sabi ni jade
Ngumiti na lang si yaya..
Kapag buntis nga naman.. Tawang sabi ni yaya
Ya ang sama ko na ba sa asawa ko?tanong ni jade
Jade hindi mo naman macocontrol yan eh.. Natural na nangyayari sa buntis yan.. Tsaka sigurado ako naiintindihan ka ng asawa mo.. Sabi ni yaya
Sana ya hindi siya magtampo or baka iwan ako.. Bigla na lang ito umiyak
Jade bakit ka naman umiiyak.. Masama sayong umiyak..natataranta na si yaya
Biglang bumukas ang pinto
Hindi ako aalis o iiwan ka.. Hindi man ako lumalapit sayo promise ko sayo asawa mo pa rin ako forever.. Naiintindihan ko yang sitwasyon mo lab.. Sige na inom na ng gatas at matulog ka na.. Sabi ni althea at tumalikod at akmang aalis na..
Teka nga! Bakit ka pumasok! Diba sabi ko sa labas ka! Inis na sabi ni jade
Ito na nga eh lalabas na.. Sabi lang ni althea na napapaiiling na lang
Kanina iiyak iyak tapos ngayon dragon na naman..
Kinuha ni jade ang unan niya at itinapon kay althea..
Aray! Sabi lang ni althea
May sinasabi ka pa dyan.. Alis! Sabi ni jade
Nako hindi ka lang buntis talaga.. Sabi nito ng mahina
Boom!! Basag na baso
Jade! Napasigaw si yaya sa gulat
Pati si jade nagulat din sa nagawa
Ya sorry po.. Sabi ni jade na nataranta din
Wag ka aalis dyan sa kama.. Dyan ka lang at wawalisan ko ito.. Sabi ni yaya
Tinawag ni yaya ang katulong
Flor dahan dahan at may mga bubog sa may pinto..
Maam althea ok lang po ba kayo? Tanong ni flor
Medyo bukas ang pinto kaya narinig yun ni jade
Sige na kuha ka na ng walis at mop pakilinis na yung mga bubog dyan ingat ka at baka makatapak ka..Maam may dugo po kayo sa braso.. Sabi ni flor ng tumalikod si althea dito
Hayaan mo na maliit lang naman..