Chapter 1

8.3K 146 4
                                    


May mga parts sa series ng trmd na hindi ko sinali..like yung last part na nagkita sila ni althea sa rally and may kiss pa..
************************

Masakit man kay jade naintindihan niya ang rason kung bakit naka move on na si althea from her.

Naging matatag siya sa mga sitwasyon. Buong buo na din siyang tinanggap ng pamilya niya at nanghihinayang nga ang dada niya na hindi na sila nagkabalikan ni althea. Nag sorry ito sa kanya. Tinanggap niya naman ang paghingi ng tawad ng dada niya. Sabay nun ay tinanggap niya na din ang alok ng dada niya na posisyon sa company nila. Siya ang vice president ng company nila habang si ahya gab niya ang presidente.

Inuukol lagi ni jade ang kanyang panahon sa trabaho. Its been a year since huli silang nagkita ni althea, yun yung sa park kung saan nagpaalam na si althea sa kanya.

Paminsan kung hindi niya na talaga kaya ang pangungulila kay althea pumupunta siya sa may school ni miggy at pinagmamasdan niya lang ito sa malayo. Sa ganoong bagay naaalala niya ang mga masasayang alaala nila ni althea kasama si miggy.

Ipinaubaya niya na din muna kay sally ang foundation nila pero dumadalaw naman siya dito.

Laging busy si jade sa company. Meeting dito meeting doon. Presentation dito presentation doon.. Mas nagiging busy siya kaysa sa kuya gab niya dahil priority din ni ahya gab niya ang anak nito at buntis naman na si pearl. Kaya ok lang din sa kanya na kunin muna ang mga responsibilities ng kuya niya.

***************

Sa kabilang banda naman hindi akalain ni althea na magiging impyerno ang buhay niya kay cathleen. Nung una kasi maayos naman silang nagsasama. Sweet at maalaga ito sa kanila ni miggy. Pagkatapos lang doon sa encounter nila kay jade sa park unti unting nag iba na ito. Nung una selos lang ang ginagawa nito. Naayos pa nila. Hindi nagtagal pati ang trabaho na ang nagiging issue nila.pinipilit naman laging ayusin ni althea dahil naniniwala siya na mabait naman si cathleen. Paminsan ay bigla na lang siyang susunduin nito sa opisina at iuuwi na dahil nagseselos na ito sa hindi alam na dahilan. Nagiging strict na din ito sobra kay miggy. Hindi na din siya nito pinapayagan na makipagkita kila batchi na hindi siya kasama at paminsan hindi na talaga sila sumasama kila batchi at wila. Hanggang dumating ang araw na talagang pinagsisihan niya kung bakit siya nakipag relasyon dito.

Althea: cath bakit ka ba galit?

Cathleen: bakit ka na naman nakatulala diyan iniisip mo na naman ba si jade?hah?!

Althea: teka bakit napasok si jade sa usapan. Cath its been what? A year na nung huli kame nagkita.

Cathleen: hindi ka na pupunta sa opisina mo. Walang aalis ng bahay.

Althea: teka cath ano?! Hindi mo pwedeng gawin to.

Cathleen: kayang kaya ko althea para masigurado ko na hindi nga kayo nagkikita ni jade!

Althea: no! Hindi pwede cath may mga responsibilities ako sa office na kailangan ko gawin.

Bigla siyang hinila ni cath papunta sa kama at inangat ang tingin niya para tignan ito.

Cathleen: wag na wag mo akong suwayin kung ayaw mo na saktan ko si miggy. Pagsinabi ko dito ka lang dito ka lang! (Sabay tulak nito sa kanya sa kama)

Nagulat si althea sa ginawa ni cathleen. Hindi niya akalain yun na ang araw na pagsisisisihan niya ang relasyon nilang yun. Naging ganoon lagi ang sitwasyon nila. Sasaktan siya ni cath at ipapaalam ni cath kay batchi na hindi muna papasok si althea dahil may importante silang lakad. May time pa na sabi nito na mag out of the country sila pero bugbog na bugbog niya na si althea at nakakulong lang ito sa kwarto. Si miggy naman takot na sa tita cathleen niya. Tinakot siya na kung magsusumbong siya ay papatayin nito si mama althea niya. Malaki na si miggy nasa grade 6 na ito at paminsan nakakpag isip ito ng pagganti kay cathleen pero natatakot siya na baka nga patayin ni tita cathleen niya si mama althea niya. Sina batchi naman paminsan gustong pumunta sa bahay nila pero dahil si cathleen ang may hawak ng cellphone niya nagagawan niya ng paraan para hindi na ito matutuloy. Pinalabas din ni cathleen na pinauubaya muna ni althea ang company niya kay batchi dahil gusto niya munang mag concentrate sa anak niya at kay cathleen kaya naman hinayaan na din muna siya nila batchi.. Sa text na lang sila nagkakaroon ng communication ni tawag wala.

Trmd 2 (My Own Version)Where stories live. Discover now