Ding Dong....Ding Dong...
Nasa tapat kami ng Malaking Bahay parang mas malaki yung bahay nila kesa samin. May Garden sa Kanan at may Maraming Kotse sa Kaliwa.
Tinignan ko yung Phone ko kung anong oras na. Madilim na kasi Masyado nang tinignan ko yung Orasan 5:33 p.m na.
Nang ibinalik ko yung tingin ko sa Malaking bahay may lumabas na Babae at papunta saamin.
"Ay Ma'am Buti po bumalik kayo. Pasok po."binuksan ni Ate yung Gate at tumawag siya ng dalawang body guard para dalhin yung mga gamit na dala namin.
Pumasok kami sa Loob ng Bahay. Maganda at malinis ito at halatang halata na araw araw nag lilinis para akong nakaramdam ng Hiya na tumira dito.
Nagulat ako dahil may nakita akong Babae na pababa sa Hagdanan at naka ngiti pa.
Si Tita,"Bess! I miss you!"Sabi ni Tita.
Niyakap ni Tita si Mama.
"HAHA. Ikaw talaga. I miss you too, oo nga pala nasan asawa mo tsaka yung anak mo?"Huh? May anak si Tita? Kala ko ba Wala silang anak ni Tito?
Hndi ko pa kasi nakikita sila tita nung bata pa ako. Mag Bestfriend daw si Mama at si Tita ang sabi ni Mama sakin.
"Nasa Kwarto. Nag bibihis pa."Sagot ni Tita.
"Eh nasaan yung anak mo?"tanong ni mama.
"Hays! Kabataan nga naman ngayon bess! Ayun nasa Bar kasama yung mga Kabarkada nya kaya Lagi ko nalang sinasabihan na PWEDE BA ANAK TUMINO KA NAMAN."Tawang Kwento ni Tita.
"Bess This is my Daughter
Athena."pag papakilala sakin ni Mama."Hays Sorry anak ha? Hndi ako nakaka attend sa Birthday mo nasa ibang bansa kasi kami eh hndi ako pwede umuwi basta basta baka kasi Malugi yung kompanya wala kasing nag babantay."pag papaliwanag ni Tita.
"Okay lang po yun. Ang mahalaga po Nakita ko kayo."Ngiti kong sabi sakanya.
"Oh tara dun muna tayo sa Sala. Halatang pagod na pagod kayo."sabi samin ni Tita
BINABASA MO ANG
Because of You (ON-GOING) #Wattys2017
Подростковая литератураYung Feeling na ang Sakit pero kailangan mo talagang mag kunwaring masaya para sakanya.