1st Fate: I encountered a goddess

835 35 49
                                    

“Hindi mo ito pwedeng gawin! Isa itong malaking insulto!”. Narinig ko ang isang boses ng babae mula sa isang malaking kwarto.

Tumingin ako sa paligid, isang hindi pamilyar na lugar. May mga naglalakihang mga pinto na lahat ay nakasarado. Ang paligid ay napakadilim maliban na lang sa ilaw na nanggagaling sa isang malaking kwarto na nasa dulo ng pasilyo na nanatiling nakabukas at siya ring kwarto na pinanggalingan ng boses na narinig ko.

Ang mga dingding ay may mga larawan ng mga pamilyar na mukha na parang nabasa ko na sa mga libro. At nakita ko ito dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa bukas na pinto.

Nakakita ako ng isang lalaki na may mahabang balbas at may hawak na malaking tinidor.

May roon ding babae na napakaganda at may hawak na sinaunang bakal na helmet. Helmet na lang kasi hindi ko alam kung anong tawag dun.

Meron ding isang lalaki na may kalakihan ang katawan at may mahabang puting balbas na may hawak ng isang stick na may nakapalibot na kuryente. Buti at hindi natusta ang kanyang balbas.

Ngunit ang umagaw sa atensyon ko ay ang isang babae na napakaganda at may hawak na scepter at may kalapati sa kanyang balikat. Napapalibutan din siya ng mga lalaki na mukhang may gusto sa kanya.

Pero ang nasa tabi niya ay isang lalaki na may malaking pangangatawan at sabihin na nating may kapangitan. “Aphrodite”. Hindi ko namalayan na bigla kong nasabi ang kanyang pangalan. Bigla kong tinakpan ang aking bibig.

Sa pagkaka-alala ko, siya ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. At ang katabi niya ay ang kanyang asawa na si Hephaestus. Napakaswerte naman ng pangit na ito at nakatagpo ng diyosa ng kagandahan. Kaiinggit. Tss.

“Insulto? Hindi ba’t mas malaking insulto at kahihiyan ang ginawa mo?”.  

May nagsalita na naman. Isang napakalaking boses ng lalaki. Mukhang nag-aaway silang dalawa. Nagsimula akong maglakad papunta sa kwartong yun. Sa tuwing lumalagpas ako sa isang pinto, may nararamdaman akong may mga matang nagmamatyag sa akin. Sinubukan kong hindi gumawa ng ingay habang ako’y naglalakad.

At nang marating ko na ang kwarto, sumilip ako sa loob pero nagtatago pa rin ako sa likod ng nakabukas na pinto. Ang kwarto ay napupuno ng liwanag. Ang mga poste ay kulay ginto pati na rin ang kisame at sahig. Ang mga dingding ay may mga nakatayong mga estatwa na kamukha ng mga nakita ko kanina sa mga larawan sa pasilyo.

May isang napakalaking trono na gawa sa ginto at may mga nakaukit na mga larawan. Ang nakaupo rito ay isa ring napakalaking lalaki na may hawak na stick na may kidlat. Siya yung nakita ko kanina sa hallway. May babaeng nakatayo sa harapan niya at nakatalikod sa akin. Pareho rin nung may balbas na lalaki na naglalakihan. Siguro kasing laki nila ang mga giants sa Jack the Giant Slayer. Ahehehe.

“Pero hindi ko na uulitin. Pangako. Wag mo lang akong parusahan, ama.”. sabi ng babae na nagmamakaawa at hinawakan nya ang kamay ng kanyang ama pero hinawi niya ito at sinabing,“Buo na ang pasya ko, kailangan mong mapagpares ang mga tao sa kanilang mga iniibig at ako ang masusunod kung hanggang kailan at ilan. At kailangan mong gawin ito para malaman mo ang mga dinanas ng mga kapwa mo diyos . Tandaan mo, hindi ka maaaring umibig hanggang sa matutunan mo ang iyong leksyon.”, sabi ni boy balbas in his fierce voice.

“Pero--.”. Pinutol na ni boy balbas ang sinabi ng babae, “Wala nang pero pero. Mabuti pang simulan mo na ang misyon mo. Maaari kang gumamit ng mortal basta’t wag ka nang gagawa ng kalokohan. Naway magtagumpay ka. Paalam.!” At yun na ang huling sinabi ni boy balbas at sa isang iglap, naglaho siya nang may lumabas na kidlat mula sa hawak niya.

Ang babae naman na kausap niya ay humarap sa pintuan habang umiiyak. Tapos himalang lumiit siya na gaya ng normal size na tao. “Si Aphrodite.”Bigla kong nasabi 'yon at tumingin agad ang diyosa sa kinatatayuan ko dahil sa mukhang narinig niya ito.

“Sino ka?!” Biglang sumigaw si Aphrodite.

Tatakbo na sana ako pero may kalapating humarang sa dadaanan ko, bigla akong napahinto at biglang sumulpot si Aphrodite.

“Isang mortal”, sabi niya nang nakangiti at malumanay ang kanyang boses. Walang bakas ng luha ang nasa kanyang mukha.

Ang ganda niya, as in sobrang ganda na parang may anong force field ang naguuddyok sa akin na lumapit sa kanya. 

Parang may bumabalot sa kanya na kung ano, hindi ko maiintindihan. At inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko na parang ang ipinapahiwatig ay sumama ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit parang napasunod niya ang kamay ko kasi kusa itong humawak sa kamay ng dyosa at bigla siyang naglaho at nagliparan ang mga balahibo ng kalapati.

***

Dinilat ko ang aking mga mata. Umaga na pala. So it’s just a dream. Pero parang totoo ang lahat. Napabuntong hininga ako.

Pagtayo ko sa kama, nagulat ako nang nakita ko ang isang balahibo ng  kalapati na nasa kamay ko na ngayon ko lang napansin.

Hindi to pwede.

I encountered a goddess.

I’ve made such a mess in my life!!!

A/N: mga readers! second story na to.. sana mag.iwan kayo ng comment diyan sa baba para malaman ko kung ipagpapatuloy ko ba o hindi?? ahaha.. ito ay purong produkto ng kaboringan ngayong summer.  ahahaha!! :D

Heart's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon