Nasan ako? Sobrang kapal ng usok. Nasa langit na ba ako?! PATAY! Wag naman sana! Hindi ko pa nasisingil yung utang ng kaklase ko! Sayang! 50 pesos din yun! pambili ng ulam...
Teka...
Parang may nakikita akong isang tao. Nakaupo sa may burol. Huh? Kelan pa nagkaburol dun?
Di bale na nga! At least may kasama na ako dito! Haha.
Malapitan nga...
Pagka-akyat ko sa burol, oh diba ang bilis ko? Tinalo ko pa si Flash ng Justice League?! Yung tao sa burol ay isang lalaki o kaya bading. Haha malay natin. Puti ang kanyang damit at pantalon. Yung brief kaya nya? Puti din kaya?
Waaaah!!! Ang landi ng utak ko!!!
"Oi! Kuya anong ginagawa mo dito? Nasan ba tayo?" tinanong ko sya.
Unti unti siyang humarap...
Makikita ko na ang mukha nya...
Ng...
"Hoy! Babaita! Gumising ka na! Aba! First day of school mo ngayon! Nakakaloka ka! Nasisira beauty ko sayo!“ ano ba naman yan?! agang aga kung makasigaw parang may sunog! Dahil sa sigaw din na yan kaya nasira ang panaginip ko at nahulog ako sa kama.
"Aray! Tito nam-" sabi ko pero di ko pa natatapos kasi sumigaw nanaman sya. Ano to? Bastusan?
"Anong sabi mo?! VICTORINA SALBASYON?!“ tanong ng tito kong bakla with panlilisik ng mata. Ewan ko ba dyan kung bakit allergic sa word ni TITO.
"Sorry naman TITA! Nagkamali lang! Ikaw naman. Masyado kang highblood!“ sabi ko sa kanya. Medyo maamo na ang mukha nya ngayon di tulad kanina na parang mangangain ng askal na tuta.
"O'sya humayo ka na! Maligo at lumayas na! Nai-stress ako sayong bata ka! May pasok ka pa! Male-late ka na!“ at umalis na sya sa aking napalaking kwarto.
Bago ang lahat. Ako si Victorina Salbasyon. 16 years of age. Haha ang korni ng pangalan ko noh? Rina ang tawag nila sa akin. Masyadong pang sinauna ang pangalan ko eh. Namatay ang aking ina noong isang taon at ang aking ama?! Aba malay ko sa kanya. Namamakla ata. LOLZ. Nasa sinapupunan palang ang inyong lingkod at lumayas na yung hayop na yun. Oh diba?! Sobrang mahal ko ang ama ko?
Yung kaninang nanggambala sa aking pagtulog ay ang tito este tita ko na pala. Sya na ang nag-aalaga sa akin nang mamatay ang aking ina. Malay ko na dun kung kelan tumanda tsaka naisipang magladlad. Uso ba yun ngayon?!
Naligo na ako at nagbihis ng maganda. Syempre first day of school! Dapat maganda ka sa paningin ng iba! Wag kayong malito hah! Maganda talaga ako! *Woooosh* Mahangin ata sa labas?
Pagkatapos ko nang MAS magpaganda ay lumabas na ako.
"Tita! Alis na po ako!“ sigaw ko.
"O'sige! Mag-ingat ka! Wag muna magbo-boyfriend! Di pa ako ready na maging Lola! Ayusin din ang pag-aaral mahal ang tuition.“ sabi nya.
"Tita talaga! Kung anu anong iniisip! Syempre aral muna at hello! First day of school palang boyfriend na agad?! O'sya tita baka malate pa ako! Baboo!“ at umalis na ako sa aming mansyon.
Hoy! Wag kayong mag-isip ng kung ano hah! Sa isang apartment lang kami nakatira! Ilusyonada lang talaga ako. Hahaha.
♪♪♪
Habang ako'y naglalakad papunta sa aking pinakamamahal na paaralan, bilang may dumamba sa aking DAMBUHALA!
"Ay kabayong narape ng daga!“ napasigaw ako sa sobrang gulat at sa sobrang bigat! Nagdagasa ako at napalupagi na kalsada.
"Bwahahahahaahahahahaha!!!" kung makatawa naman ito parang kakatayin na mamaya.
"Sige! Pagtawanan mo pa ako! Mawawalan ka ng taga-tulong gumawa ng assignments mo!“ sabi ko sa kanya.
"Haha ikaw naman di na mabiro! Namiss ko lang naman kasi ang 'BESTFRIEND' ko!" sabi nya.
"Ewan ko sayo Sam! Pauso ka! Para namang napakagaan mo!“
"Grabe hah! Nakakahurt ka ng feelings! Alam mi bang nagsimula na akong magdiet! Masyado kang judgemental! Hmp!" at nagdrama na ang biik.
"At kelan ka naman nagsimulang magdiet aber?!" tanong ko.
"Kahapon lang!“ taas noo nyang sabi sa akin kaya napatawa ako ng wala sa oras.
"Bwahahahahahahahahahahaha nakakatawa ka talaga! Hahahaha!“ hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko.
"Ah ganon?! Humanda ka sa akin kapag nahuli kita! Iipitin kita!" bigla siya tumakbo papalapit sa akin kaya napatakbo na din ako! Haha seryoso nga ata ito na iipitin ako! Waaahh!!!
Yung dambuhala nga palang dumamba sa akin kanina at ngayon ay humahabol sa akin ay si Samantha Fortuz. Sam for short. Bestfriend ko since elementary. Hindi na kami naghiwalay simula noong magkakilala kami. Kung gusto nyo malaman kung paano kami nagkakilala, sa next chapter nalang. Haha tinatamad ako ngayong magkwento eh!
Sa Mykkoliling International Highschool kami nag-aaral. [Pronounced as May- ko- liling. Okay?] Sa pangalan palang ng school, ay hindi pala... Sa pagiging international highschool nalang, masasabi nang mahal ang tuition fee. Kung tatanungin nyo kami kung paano kami nakakapasok dito ay dahil sina Sam ay may ari ng pinakamalaking meat shop dito sa lugar namin kaya afford nila at alam na kung bakit yun ang business nila. Haha ang sama kong kaibigan! Ako naman partial scholar ako doon kaya kalahati lang ang binabayaran kong tuition fee. Anong tingin nyo sa akin?! Sobrang talino para maging full scholar?! Naku! Kung di lang dahil kay Sam, wala ako dito. Kaya todo ang sunog ko ng kilay ko para lang hindi mawala ang pagiging partial scholar ko.
--
HEY! Ayos lang ba? comment naman kayo kung anong tingin nyo dito? haha Follow nyo na din ako! Bye~
BINABASA MO ANG
Loving a MONSTER
RomanceA typical girl who was unnoticable, fell inlove with a human with an aura similar to a monster... can she survive the whole school year knowing that the said monster noticed her existance in this world?!