Chapter 4

5 0 0
                                    

Sam's POV

"Oi bestfriend, punta na ko sa classroom natin hah! Baka kasi hanapin tayo. Ipagpapaalam nalang kita na nasa clinic ka at may binabantayan." sabi ko kay Rina. Hindi ko gustong iwan syang mag-isa dito kasi baka mabugbog sya, pero siguro kakayanin naman nya, malakas din naman yan kahit papano.

"Oh sige. Tanungin mo narin yung mga kaklase natin kung merong pinapagawa sa atin nubg wala pa tayo." sagot nya.

"Maingat ka hah! Kita nalang tayo sa Cafeteria."

"Sige. Bye."

Lumabas na ako sa clinic at dumeretso na sa classroom namin. Medyo kinakabahan talaga ako para kay Rina.

♪♪♪

Start na ng klase namin. Napagpaalam ko na si Rina sa teachers namin. Wala pa naman saming pinapagawa kasi first day of school palang.

Kahit na wala pang lesson, nandito parin ang mga subject teachers namin para mag- explain ng kung anu- ano. Hindi ko na sila pinakikinggan kasi mas iniisip ko si Rina. Baka kung mapano na yun dun sa clinic! Waaaahh kung anu- anong katanungan ang lumalabas sa isipan ko! Kung nabugbog ba sya? Kung tama lang ba na iniwan ko sya dun? Kung ligtas talaga sya? Kung kasama na nya yung nurse dun? o b-baka na-n-narape na sya!!! Waaahh sana hindi naman!

*Riiiing* yes! Lunch time na! makikita ko na at machecheck ang bestfriend ko kung may kulang ba sa kanyang katawan o wala! Baka naman madagdagan pa?! Lolz kung anu-ano ang naiisip ko! Di pa ako ready na maging ninang! Wala pa akong ipon!

Lumabas na ako ng classroom at dumeretso na sa Cafeteria. Baka kasi naghihintay na dun si Rina. Habang naglalakad na ako sa hallway, nakita ko si Rina na papubta palang sa Cafeteria kaya tinawag ko sya para sabay na kami.

"Rina wait lang inatayin mo ako.“ tawag ko habang tumatakbo papunta sa direksyon nya. Lumingon sya at napatigil ako. Bakit sya umiiyak? "Rina?! Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko na din ang buong katawan nya kung may galos pero wala. Ano kaya ang nangyari dito?

Mukha syang nabigla sa sinabi ko at kinapa ang pisngi nya. "Ah... Eh... napuwing lang ako. Hehe." sabi nya pero hindi ako naniniwala. Kilala ko na sya matagal na. Siguro may pinagdadaanan ito.

"Sigurado ka? Kung may problema ka, nandito lang ako." Sabi ko sa sa kanya. Medyo nag- aalala na ako sa kanya.

"Tara na sa Cafeteria? Gutom na ako eh!" pag-iiba nya ng usapan. Sigurado na ako. May problema nga itong bestfriend ko at ayaw nya itong pagusapan. Oh well bahala sya kung may balak syang sabihin sa akin oh hindi. Malaki nanaman sya eh.

Naglakad na kami papuntang Cafeteria pero tahimik parin sya. Nakabili na kami ng pagkain pero tahimik parin sya. Nasa classroom na kami pero tahimik parin sya. Bakit kasi sya tahimik?! Panis na ang laway ko ah!

♪♪♪

 Rina's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Ang tahimik ko ngayon at wala kibo. Sinasapian ba ako ng tahimik na ispiritu?! Ang saklap naman.

Wala akong ganang makinig sa mga gurang na guro namin at iniisip ko nalang ay yung nangyari kanina sa clinic. Bakit ba sobrang affected ako na sinabi nung girlfriend ni Kuyang Duguan sa Locker na Sobrang Gwapo na Crush ko? Ang haba ah! Si Kuya Locker nalang. Hahaha.

Back to the topic. Bakit nga ba? Ito ba yung dahilan kung bakit tahimik ako ngayon? Siguro dapat lagi akong kinakausap nung gf ni Kuya Locker para naman tumaas grade ko sa conduct. Ang baba ko dun eh.

Hayaan na nga yun. Hindi nanaman yata kami magkikita nun eh.

Pero kelangan ko na nga yatang bumalik sa normal. Kinakabahan ako sa bestfriend ko. Nanlilisik ang mga mata. Baka kung anong gawin nito sa akin. Baka dalhin ako sa albularyo o kaya sa mental. Haha sayang beauty ko.

Uwian na... haha bilis no? Nag-ayos muna ako ng gamit bago umuwi. Inintay ko din si Sam na may kinuha lang sa classroom.

Habang nag- iintay ako, parang may dapat akong gawin ngayong uwian di ko lang maalala.

"Rina!!!" tawag sa akin ni Sam. Haha tumatakbo sya ngayon, talbog abg lahat bg dapat tumalbog eh!

"Oh tara na? Uwi na tayo?"

"Huh?!" sabi nya na parang natataka. "Kala ko ba sasamahan kitang mag- apply dun sa part time job na nakita nating nakapaskil dun sa poste kaninang umaga?"

"Waaaaaah!!! Oo nga pala! Kaya pala kanina pa akong nag- iisip na parang may gagawin ako ngayon!!!" sigaw ko kaya yung mga naglalakad sa hallway at mga nakatambay sa locker nila ay tumingin sa amin. Hinila ko nalang kaagad si Sam palabas kasi nakakahiya.Lol.

♪♪♪

Nakauwi na kami ni Sam galing sa pinag- applyan ko ng trabaho at kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari, ulul kayo! Tinatamad akong ikwento. Basta natanggap ako at magsisimula na ako bukas. Hindi ko na to ipinaalam kay tito na tita ko na ngayon kasi alam kong magagalit sya at hindi ako nito papayagan.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nagbihis na ako at natulog. Wala nang ligo ligo. Maliligo din naman ako bukas eh! Hindi naman nila ako aamuyin ngayong gabi at tsaka sayang pa sa sabon, shampoo, tubig, at ilaw. Tipid kami ngayon.

--

Ei! Pasensya na tagal ng UD. Tinamad eh. lol. Dami ko lang ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving a MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon