Chapter 3

24 2 0
                                    

[A/N: Binabati ko nga pala si Lyco Gwapo... Oi fre! Wala lang! Hahaha... Gawa mo akong bagong cover nito...]

--

Rina's POV

"Oh my--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Sam. Tumakbo na ako papunta dun sa lalaking nakalatay sa sahig at duguan ang mukha.

"Sam! Tulungan mo akong buhatin sya papuntang clinic! Baka kung mapano pa to!" sigaw ko sa kanya. Dali- dali siyang lumapit sa akin para tulungan ako.

Dahan dahan namin syang itinayo para dalhin sa clinic. Grabe ang bigat naman nito!

♪♪♪

Nakarating na kami sa clinic at nagamot na ang lalaking dinala namin dito.

Nang malinisan na ang kanyang mukha, mas nakita na namin ang itsyura nya. Nagtataka ako kung bakit parang nanginginig sa takot sa Sam.

"Sam anyare sayo? Para kang nakakita ng mga baboy na kinakatay sa harap mo."

"E-eh b-bestfriend! D-dapat hindi na n-natin ti-tinulungan y-yan!" nangangatal nyang sabi. Huh? Bakit naman kaya?

"Kung hindi natin yan tinulungan, konsensya naman natin yan kung may mangyari pa dyan na mas malala!" bwelta ko.

"H-hindi m-mo na-naiintindihan!" sabi nya.

"Bakit ba?"

"S-sya y-yung la-lalaking sinasabing nambubugbog ng mga b-babae at n-nadadala s-sa ospital!" sigaw nya at halata sa boses nya na takot na takot sya.

"Wag kang mag- alala. Hindi tayo nyang gagalawin. Tayo kaya ang tumulong sa kanya at kung bubugbugin nya tayo, aba! Humanda yang lalaking yan sa akin!" sabi ko kay Sam sabay tingin sa lalaking nakahiga sa clinic at walang malay.

♪♪♪

Nandito parin ako sa clinic. Umalis na si Sam at pumunta na sa classroom namin para pumasok at ipagpaalam na nasa clinic ako. Hindi kasi ako pinaalis ng nurse kasi may aasikasuhin sya at walang magbabantay dito.

Pinagmamasdan ko sya habang natutulog. Hindi naman sya nakakatakot. Ang gwapo nga nya eh! Matangos ang ilong, makinis ang mukha, mahaba ang pilik at mapulang labi. Hindi sya mukhang nambubugbog ng mga babae. Mukha nga syang gentleman eh kung di lang sa mga sugat nito na mukha baka mas napagpantasyahan ko pa ang kagwapuhan nito.

"Take a picture. It last longer." huh?! Sino yung nagsalita?!

Bigla nalang gumalaw yung kama at umupo yung lalaki.

"Where am I?" tanong nya. Wow English!

"Nasa clinic ka." sagot ko.

"Who brought me here?" tanong nya uli at tinitigan ako.

"Ah... eh..." hindi ako makapagsalita ng ayos. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nakatitig sya sa akin. Waaahh crush ko na ata sya!

"Well?" sabi nya.

"Ah... eh..."

"I... O... U..." pagtutuloy nya. "Miss can you answer my question properly?"

"Ah k-kami n-nung ka-ka-kaibigan ko." sagot ko habang nakaungo. Nahihiya na kasi ako at ramdam ko na namumula ang mukha ko.

"Okay... so mind telling your nam--" hindi na natuloy yung kanyang sasabihin dahil biglang bumukas yung pinto at may babaeng sumigaw.

"Waaahh baby! Anong nangyari sayo? Bakit ka nabugbog?!“ sabi nung babaeng pumasok at niyapos yung lalaking kasama ko sa clinic.Sya siguro yung girlfriend nya. Sayang naman. Sabagay gwapo sya kaya hindi na siguro nakakabigla kung may girlfriend na sya. "At sino ka naman at bakit ka nandito?" tanong babae habang nakayapos parin dun sa lalaki. Ako ba tinatanong nya?

"Ah? Ako? Ah... eh a-ako s--"

"She's the one who helped me." sagot nung lalaki kaya naputol ang sasabihin ko.

"Ahhh..." sabi nung babae at tumingin uli sa akin. "Makakaalis ka na." sabi nya at lumabas na ako.

Pagkasara ko ng pinto, nagsimula na akong maglakad palayo sa clinic ng may tumawag sa akin.

"Hoy!“ nilingon ko yung tumawag sa akin. Sya yung babaeng girlfriend yata nung lalaking nasa clinic.

"A-ako ba ang tawag mo?" tanong ko.

"Malamang ikaw lang ang nandito eh." sagot nya habang papalapit sa akin.

"A-ano bang kelangan mo?" tanong ko ulit. Medyo naiilang na ako sa presensya nya.

"Ang gusto ko lang naman ay wag ka nang lalapit sa 'BOYFRIEND' ko at wag na wag mong balakin na ahasin sya! Kapag nakita o nalaman kong umaaligid ka sa kanya, humanda ka sa gagawin ko." sabi nya sabay talukod sa akin at pumasok uli sa clinic.

*Riiiing* tumunog na ang bell. Lunch time na pala.

Naglakad na ako papunta sa cafeteria nang may tumawag sakin.

"Rina! Wait lang inatayin mo ako." tumigil ako sa palalakad. Si Sam pala yung tumawag aa akin. Pakalapit nya, tinitigan nya ako na parang nag-aalala. Weird. "Rina?! Bakit ka umiiyak?“ huh? Kinapa ko ang pisngi ko. Oo nga may luha!

"Ah... eh... napuwing lang ako. Hehe." palusot ko. Bakit kaya tumulo nalang bigla ang luha ko? Dahil ba yun kanina? Eh crush ko lang naman sya ah! Di ko pa nga sya kilala.

"Sigurado ka? Kung may problema ka, nandito lang naman ako." sabi nya na mukha talagang nag-aalala.

"Tara na sa Cafeteria? Gutom na ako eh!“ nginitian ko sya at iniba ko na ang usapan. Ayoko na kasing isipin yun at ayoko na din syang mag-alala pa sa akin.

--

Yow~ Ayos lang ba? haha... Geh bye~ Follow nyo nalang ako!

Loving a MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon