Rina's POV
*flashback*
Lunch time na namin ngayon...
Grade 2 na ako ngayon at nag- aaral sa pinakamababang paaralan ng Mykkoto Public Elementary School.
Grabe gutom na ako!
Bubuksan ko na sana yung lunchbox ko ng...
"huhuhu." may naiyak?! Ah hindi monggoloyd yun na tumatawa! Huehuehue...
Sinundan ko kung saan nanggagaling yung pag-iyak...
Dahil sa paghahanap ko kung saan nanggagaling ang paiyak, napapunta ako sa isang booth.
May isang chubby na babae... Ah wait lang! Mataba pala! As in mataba talaga!
Nilapitan ko sya...
"Oi tab- ah bata pala... Bakit ka umiiyak?!“ tanong ko sa kanya.
"Eh kasi *huk* kulang *huk* yung pakain *huk* ko! Gutom *huk* pa ako! Waaaaaah" at umiyak na uli sya ng todo. Grabe naman tong batang to! Siguro sya ang dahilan ng kakulang sa pagkain ng ating bansa.
"Gusto mo ba hati tayo sa lunch ko?“ alok ko sa kanya.
"Talaga?!“ tanong nya habang kumikislap kislap pa ang mga mata.
"Oo!" nakangiti ko sabi.
Bigla nalang nyang hinaklit yung tinapay ko at kinain lahat.
Sinubo nya ng buo!
Yung... yung... tinapay ko!!!
Inubos nya yung tinapay ko!
Hindi sya nagtira!
"Thank you hah! Ako nga pala si Samantha! Sam nalang! Ikaw anong pangalan mo?“ sya yan... mabait naman yata sya. Matakaw lang! Inubos nya yung tinapay ko!
"A- ako si Victorina... Rina nalang! Hehe!" ngumiti ako ng pilit. Hindi ko nakakalimutan na kinain nya lahat yung tinapay ko! sabi ko share! Share!
Hindi ko parin sya napapatawad sa pagh ubos ng tinapay ko!
"Waah Rina! Simula ngayon bestfriends na tayo!“ napangiti naman ako dun. May bestfriend na ako!
Okay pinapatawad ko na sya. Haha masamang magtanim ng galit sa kapwa at tsaka unang kaibigan ko to! Medyo loner ako eh.
"Sige ba! Basta wag mo nang uubusin yung tinapay ko hah! Hihi." sabi ko sa kanya.
"Ayyy oo nga pala! Sorry! Nadala lang sa bugso ng katakawan. Haha.“
"Okay na yun! Wag mo nang alalahanin! Diet din naman ako eh! Hehe!" kelan pa ako nagdiet?
Simula noon naging magbestfriend na kami at hindi na nagkahiwalay.
*End of Flashback*
♪♪♪
"Ri- Rina... w- wait lang! Pa- pagod n- na ako!“ hingal na sabi sa akin ni Sam.
"Ano ba naman yan Sam! Hindi pa tayo nangangalahati papunta sa school hingal ka na?! Akala ko ba ako yung hinahabol? Parang ikaw ang kinawawa ah! Tara na! Maglakad nalang tayo at late na tayo!“ sabi ko sa kanya. Grabe late na talaga kami! Buti nalang at first day of school palang. Wala pang gawain pero baka mapatawag kami sa Guidance Office kapag nalate kami.
"Oo sige! Ayos na ako! Lakad nalang tayo!“
Habang nalalakad kami, nagmamasid masid ako sa paligid nang may nakita akong nakapost sa poste kaya napatigil ako sa paglalakad na dahil sa pagkabangga sa akin ni Sam at napangudngod ako sa lupa.
"Sorry bestfriend! Bakit ka kasi tumigil?! Nabundol tuloy kita! Tulungan na nga kitang tumayo!“ sabi nya sa akin.
Hindi parin maalis ang tingin ko sa poste at napangiti ng bongga.
Wanted...
Saleslady for Mykkolangot Mall... Also open for students from16 years old and above.
Work starts at 4:30- 9:30.
If you're interested, please add Tristan Brian Ciceron or Mykko Manongsong on Facebook or Follow and Tweet @Tao_Ka_Joke on twitter.
[haha plug!]
"Hoy! Rina! Ano bang tinitingnan mo dyan?!" tanong ni Sam.
"Sam! May mapapasukan na akong part time job! Matutulungan ko na si tita sa mga gastusin namin!" sabi ko na kanya habang patalon talon pa!
"Eh pano ang school?!" tanong nya na mukhang nag- aalala sa akin.
"Okay lang yan! Tingnan mo oh! 4:30 ang simula at 9:30 ang tapos! Kaya ko na yun!" sabi ko sa kanya para hindi na sya mag- alala.
"O'sige basta mapapaalam ka muna sa Tita mong bading bago ka pumunta dyan at sasamahan kita! Okay ba?" sabi nya sa akin. Haayy bestfriend ko talaga masyadong maalalahanin sa akin. Kaya mahal ko to eh!
"Opo INAY! Haha ano tara na sa school?!" sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad patungong eskwelahan.
♪♪♪
Pagkapasok namin sa school, tumpukan ang mga tao sa hallway.
*boogsh*
Tunog yan ng may nag-crash. May nag- aaway ba?
*Riiiiing* tunog yan ng school bell namin. hahaha puro tunog nalang ah. Bigla nalang nawala ang mga tao na nagtumpukan para pumasok na sa sarili nilang classroom.
May nakita kami ni Sam na isang lalaking nakahiga sa sahig. Duguan ang mukha.
"Oh my--“
--
Oh! Ayos lang ba? Malapit na lumabas ang Monster... haha lolz... hindi sya ganoong nakakatakot... slight lang... hahaha Follow nyo ko hah! Comment na din kayo kung may maling grammar, spelling at kung anu ano pa. Mobile lang kasi gamit ko sa pag- aupdate eh. Bye~
BINABASA MO ANG
Loving a MONSTER
RomanceA typical girl who was unnoticable, fell inlove with a human with an aura similar to a monster... can she survive the whole school year knowing that the said monster noticed her existance in this world?!