Chapter 3 "First Hearbreak"

44 1 0
                                    

Flashback
SY 2005-2006
First Heartbreak

Dana's POV:

Makaraan ang tatlong linggo mula ng mag usap usap kami sa ssg office napapansin kong medyo umiiwas si Mike sa akin.

Hanggang sa isang araw hindi ko na matiis na hindi niya ako kinakausap kaya ako na ang gumawa ng first move.Dalawa kaming naka duty noon,habang gumagawa siya ng report ay kinausap ko siya.

"Mike,may problema ba,bakit lately hindi mo ako kinakausap,hindi mo ako pinapansin."Malumanay kong tanong.

Tumingin siya sa akin na parang sobrang laki ng kasalanan ko sakanya.Ngunit pagpapakumbabang tingin ang ginanti ko at yumuko siya ulit at tinuloy ang ginagawa na para bang wala siyang kasama.

Dahil hindi niya ako kinibo,inulit ko ulit ang tanung pero mas mataas na ang tono ko.

"Mike,may problema ba?" Tanong ko.

At nagulat ako dahil tumayo siya at dinabog ang Lamesa at sumigaw siya.

"Ikaw! IKaw ang problema ko,dahil sayo yung pinapangarap kong babae umiiwas sa akin,Ikaw ang problema ko dahil panira ka!!" sagot niya at kita ko mula sa kanyang mga mata ang galit niya,kapansin-pansin din ito sa balat niya, mula sa pagiging maputi ay naging mapula siya at nagliliyab ang mga mata sa galit.

Pero mas nag init ang ulo ko dahil naalala ko lahat ng tulong ko para mapalapit siya kay Freya kahit nasasaktan ako noon kinakaya ko para lang maging masaya siya.

Kayat nasampal ko siya ng sobrang lakas at napa iyak ako sa sakit ng naramdam ko.Para akong sasabog at halos paputok ang mga ugat sa aking lalamunan sa pagsigaw ko.Hinugot ko ang buong lakas ko.

"Ang kapal ng pagkumukha mo,(Dinuro ko siya saka huminga ako ng malalim at pinigilan ko ang iyak at mas pinakita ko ang galit ko),matapos kitang tulungan,mismo ako na nga ang gumastos ng panliligaw mo sa bestfriend ko ganyan ka pa sa akin,putang inang puso ito bakit ikaw pa ang minahal,eh saksakan ka ng ka torpehan at kawalan ng diskarte,iniiwasan ka ni Freya hindi dahil gusto kita,KUNDI HINDI KA talaga NIYA GUSTO,at kung tuturuan lang itong pusong ito hindi ikaw ang pipilihin ko!!!"
W

ika ko at hindi ko napigilang pakawalan ang mga pinigil kong mga luha at napaluhod ako sa sobrang panghihina at inalalayan niya ako at pareho kaming napa upo sa sahig.

Naiyak na din siya at yinakap niya ako,nagpupumiglas ako at sinusuntok suntok ko ang kanyang dibdib pero mas malakas siya kaya nayakap niya ako ng mahigpit at umiiyak na siya.

"I am sorry Dana,sorry,i know you dont deserve anything that i said and i know i deserve all that you've said,sorry i just cant accept that I was dump,sorry for hurting you,sorry,please forgive me" at mas lalo pa niya akong yinakap ng mahigpit.

Maya maya ay lumapit si Greg narinig pala nila ang away namin at pinaghiwalay niya kami.

Yakap niya ako sa kabilang braso niya at ang isang kamay niya ay nakatulak kay mike palayo sa aming dalawa.

"Pare,pasalamat ka kaibigan kita kung hindi nanghiram ka na ng mukha sa aso,kung hindi mo siya kayang mahalin,wala kang karapatan na saktan siya,lumayo layo ka muna,baka makalimutan kong kaibigan kita" Banta ni Greg kay Mike at hinila niya ako palayo sa ssg office at dinala niya ako H.E. Room kung saan naroon na ang buong barkada,si Mike lang ang wala.

Patuloy pa rin ako sa pag iyak pero sunod sunod na sermon nila.

Simula nung araw na yun nag desisyon akong tumigil na sa katangahan ko.

Nagbago ako,itinigil ko na ang pagdadala ng food kay Mike,paggawa ng assignments and projects niya,ang pag papahiram ng pera kapag need niya manligaw kay Freya,at paggawa lahat ng request niya.

Bumalik na din ako sa pagiging tunay na ako.

Dati kasi nagpaka simple at pormal ako noong nalaman kong ganun ang type niya.

Naging open na din ako sa mga manliligaw pero wala talaga sakanila ang gusto ko hanggang sa isang araw may isang taong nakakuha ng attention ko.

😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍

Ending question for this chapter:

May makakapalit kaya kay Mike sa puso ni Dana?

Abangan sa susunod na chapter.😊

Five years After BREAK UP (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon