FYI lang po bago kayo magsimula na magbasa:
Ang lahat ng character,lokasyon,sitwasyon ay pawang imahinasyon lamang at hindi tumutukoy sa particular na tao,lugar at pangyayari.
Ang ibang chapters din po ay SPG na hindi naayon sa may edad 18 pababa.
Salamat po.
😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍
Flashback
December 25,2015
Alumni homecomingDana's Pov:
Matapos akong mag flashback kung paano nabuo ang barkadahan namin noong high school ay umupo na kami ni freya sa table na naka assign sa amin.
Tinitigan ko isa isa ang aking mga kaibigan.Ang laki laki na ng pinagbago namin at napangiti ako habang pinagmamasdan ko silang nag aasaran at nag kukulitan gaya ng dati.
Naalala ko parang noong first day lang ng high school,recess time sa canteen.
Doon nag umpisa ang aming pagkaka ibigan at hindi ko inakala na kaibigan ko parin sila hanggang ngayon at pumupuwang ng malaking parte sa buhay at pagkatao ko.
Si Mike lang ang wala dahil hindi namin alam kung nasaan siya.
Wala na kaming komunikasyon at wala na rin masyadong nababalita tungkol sa kanya dahil nag deactivate siya ng Facebook at ibang social media account."Yan,kumpleto na tayo" Wika ni Greg na tuwang tuwa at puno ng excitement.
"Ui hindi ahh,wala si Mike remember?" Sambit ni Vince at napatingin silang lahat sa akin.
" Oh bakit kayo nakatingin sa akin hinahanap ko pa rin hanggang ngayon diba?" Denpensa ko sakanila at unti unting nawala ang ngiti sa aking mga labi.
"Great Love mo ehh" kantyaw ni Jordan
"Noon!"Sagot ko at nag flashback sa akin how he became my great love.
😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍
Flashback
How Mike became my Great Love
SY 2005-2007 (first year-second year high school)Dana's Pov:
Nabuo ang barkadahan namin sa unang araw palang ng high school .
At obvious naman na nung first day palang halata na sa kwento ko na natamaan talaga ako kay Mike.
Pinilit kong pinigilan ito dahil naging barkada ko siya at halata ko din na ang type niya ay si Freya na best friend ko.
Ngunit isang araw bigla nalang akong nahimasmasan sa katotohanan.
Habang naghihintay ako sa coffee shop sa mga kasama kong papuntang leadership training sa Baguio biglang tumabi sa akin si Mike.
"Dana,please help me" Paki usap niya habang hawak ang kamay ko.
"Yes,anything for you" Sagot ko sakanya.
"Ilakad mo naman ako kay Freya, I really like her and i want her to be my girlfriend" paki usap niya at kitang kita ko sa kanyang mga mata na sincere siya sa sinasabi niya.
That moment parang dinurog ang puso ko.Patulo na ang mga luha ko pero pinilit ko itong pinigilan.
Ang tagal kong hindi umimik,at inulit ulit niya,saka ako sumagot.
" O sure,pero bago kita umpisahang tulungan, pwede ihi muna ako?" Sagot ko at nagmadali akong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo ako papuntang Comfort Room.
BINABASA MO ANG
Five years After BREAK UP (Editing)
RomanceBREAK UP *Isa sa pinaka masakit na pangyayari sa buhay ng mga magkarelasyon. *Ito ay karaniwang pangyayari kapag ang magkasintahan ay umabot na sa puntong hindi na nila kayang ilaban ang relasyon nila at humahantong na sa paghihiwalay ng landas at p...