Chapter 4 "Fixing a broken heart"

41 2 0
                                    

Flashback
SY 2005-2007
Fixing a broken heart

Dana's POV:

Makaraan ang ilang linggo ng pag momove on ko biglang may isang taong pumasok sa buhay ko.

Nasa labas ako ng SSG office noon.

Kami ni Veron ang nakaduty pero,dahil wala ako sa mood gumawa ng report, iniwan ko si Veron at hinyaang mag isa niyang gumawa ng report at nag cellphone lang ako.

Biglang may nagtext sa akin na unknown number.

"Hi"

Dinedma ko lang ito at patuloy lang ako sa pagbabasa ng quotes sa cellphone ko.Ngunit nag text ulit siya.

"Busy?"

Napakunot noo at suminghay ako at tinuloy ko ulit ang pagbabasa ng quotes.

At nagtext ulit siya ng dalawang magkasunod.

"Walang load?"
"Pasahan kita?"

Napatayo ako sa kina uupuan ko at inikot ang paningin para hanapin ang nang ti-trip sa akin.

Tinignan ko si Veron pero busy siyang gumagawa ng report at hindi rin niya hawak ang phone niya.

Sumilip din ako sa room namin busy din nagjajaming ng gitara at kantahan ang barkada ko.Kahit sino sakanila walang nakahawak ng phone.

Nang bumalik ako sa upuan ko bigla siyang nag text ulit.

"Oops.. hinahanap mo ako?Kinikilig ako"

At napatayo ulit ako at hinanap ko sa paligid ngunit wala akong makita kayat pumunta ako sa loob ng SSG office at nagsara ng pinto at bintana.

Nagulat at the same time na-wirduhan si Veron sa akin at natigil siya sa ginagawa niya.

" Ano ba?" Suway niya sa akin.

Maya maya ay tatlong magkasunod na text ang pumasok sa cellphone ko na nilapag ko sa table kung saan siya gumagawa ng report at tinitigan ko lang ang phone na parang takot na takot akomg nakarinig ng tunog ng text na pumapasok sa cellphone ko.

Nairita si Veron at in-open ang text. Nung una binabasa lang niya sa lips na nakakunot noo.

Maya maya ay napangiti siya kayat inagaw ko ang cellphone at binasa ko ang text.

"Bakit ka nagkulong sa SSG office?"
"Wala na tuloy akong inspiration:-("
"Labas ka na please,para masilayan ko ulit ang kagandahan mo"

At nairita ako sa nabasa ko at inilapag ko ulit ang phone ko at hindi ako mapakali.Iniisip ko kung sino ang nang tri-trip sa akin.

Maya maya ay nag text ulit siya at inunahan ako ni Veron na basahin at binasa niya ng malakas.

"I like you since the first day of SY 2004-2005.You've been so busy liking someone but I think you ended it so I want to take the chance to reveal my identity.
I am the donut giver since 2004.I am the stealer of your picture at the organizational chart.Don't be afraid,i will do no harm to you.I just like you that much.Please meet me at the coffee shop table 14 on friday.I want to show you something.I hope you will give me a chance.:-)"

Five years After BREAK UP (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon