Flashback
After Alumni Homecoming
December 27,2015
Mr.and Ms.SanMira ProgramDana's POV:
After two days bumalik na kami ni Jay sa town namin kasi kailangan naming umatend ng program.
Kami kasi ang huling kinorinahan as Mr. And Ms.San Mira.
Mag seven thirty na ng gabi noong makarating kami doon.
Magpapalit palang sana kami ng damit dahil naka twinnie outfit kami ng I LOVE LA UNION
nang biglang tinawag na ang pangalan namin.
"May we request Ms.Dana Enriquez and Mr.Jay Sandoval former Sanmira King and Queen 2007 to give the crown to Mr. and Ms. Sanmira 2015" Announce ng former teacher namin.
Bigla kaming nagtinginan ni Jay.
"Magpapalit pa ba Tayo?" Tanong ko.
"Wag na! Tara" Sagot niya at nagmadali kaming pumunta doon.
Napatingin silang lahat sa amin at nagbiro pa ang former teacher namin.
"Here comes the former King and Queen of San mira with their couple outfit"
Nagpalakpakan at Naghiyawan ang mga alumni at kami na ang naging center of attraction.
Habang inilalagay namin ang Corona sa bagong king and queen nag iisip na ako ng alibi ko sa barkada ko.
Pagbaba ko dumeretso ako agad sa table ng barkada ko at si Jay nagtungo din sa barkada niya.
Pagka-upo ko ay tumingin ang barkada ko sa akin.
"Ok ka lang ba?"Tanong ni Veron na parang may nangyaring hindi maganda sa aura ng mukha niya.
"Oo ,bakit Naman Hindi" Sagot ko at inayos ko ang upo ko at hinahanda ko na ang sarili ko sa mga tanong nila kasi like the old times di nila ako tatantanan hanggat hindi nila malaman ang totoo bakit kami magkasama ni Jay and all.
Pero mas hindi ako prepared sa sumunod na narinig ko.
"Now may we request the handsome Mr. Mike Rodriguez fresh from the California USA to give the sash to Mr.SanMira 2015" announce ng former teacher namin.
Nang marinig ko ang pangalan niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napalunok ako at lumalakas ang hininga ko.
Nag uumpisa naring umakyat ang dugo papunta sa aking ulo.
Nararamdaman ko ang nagliliyab na init mula sa loob ng katawan ko papalabas sa aking mata,ilong at tainga.
Namumuo nadin ang luha ko na pilit kong pinipigil sa pagpatak.
Napakatalim ang tingin ko kay Mike hanggang sa maka akyat siya at ibinigay ang sash.
BINABASA MO ANG
Five years After BREAK UP (Editing)
RomantizmBREAK UP *Isa sa pinaka masakit na pangyayari sa buhay ng mga magkarelasyon. *Ito ay karaniwang pangyayari kapag ang magkasintahan ay umabot na sa puntong hindi na nila kayang ilaban ang relasyon nila at humahantong na sa paghihiwalay ng landas at p...