Elementary pa lang addict na talaga ako magbasa ng mga pocketbook. Kaya kong magbasa ng 3-4 na Filipino pocketbook sa isang araw. Sa dami ng nabasa ko na na pocketbook ay di ko na mabilang. Kaya naman may pagkachoosy talaga ako sa binabasa ko lalo na pag Tagalog Books. May mga names akong pinipili.
Isang araw, narinig ko ang mga pinsan ko na nag-uusap tungkol sa ebooks. Mga stories na pinagkukuwentuhan nila na maganda at nakakakilig daw. Hindi ko pinansin yun kasi sabi ko sa sarili ko na walang kwenta ang mga yan kasi di naman sila mga sikat. Baka mga kababawan lang yan.
But then, everytime talaga na napapadaan ako sa tambayan ng mga pinsan ko ay palagi na lang silang nag-uusap tungkol sa mga ebooks na yun kaya naman sinubukan kong magbasa kahit na sabi ko lang sa sarili ko na this is only because of curiousity.
At ang pinasubok nila sa akin ang legendary ever na:
DIARY NG PANGET ni HaveYouSeenThisGirl
Isang upuan lang talaga ay natapus ko kahit na medyo di pa ako kumbensido sa binabasa ko kasi Teen Fiction ang Genre niya. Di naman kasi ako masyado makarelate kasi nga out na ako sa ganyang genre... Hindi ko rin maintindihan ang mga emoticons pero basa pa din ako ng basa.
And the next thing I know, nabasa ko na ang lahat ng mga works ni HaveYouSeenThisGirl at ang iba pang ebooks.
BINABASA MO ANG
Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIES
RandomThis is not a love story... Ito ay kwento ng aking mga kabaliwan sa wattpad... Ito ay kwento ng mga di ko makakalimutang mga ginawa ko para makabasa ng isang story... Ito ay kwento ng mga kwentong tumatak sa aking isipan na naging bahagi na ng akin...