Lahat ng mga works ni jonaxx ay sinubaybayan at nabasa ko na. Binasa ko ang mga stories niya sa blog niya sa kasagsagan ng pagkahumaling ko sa kanyang mga kwento. Ang nagpatindi ng pagkahumaling ko sa kanyang mga gawa ay ang MAPAPANSIN KAYA.
Hindi ito ang unang kwento na nabasa kong gawa niya. Tulad nga ng sinabi ko sa pangsiyam na kwento sa kwentong ito ay Baka Sakali ang unang gawa niya ang nabasa ko na naging simula ng pagsubaybay ko sa iba pa. Subalit, ang Mapapansin Kaya talaga ang pinakagusto ko sa lahat ng works niya. Sigurado akong hindi lang ako ang may pinakafavorite ito sa lahat ng mga gawa niya kasi hindi ito mapa-publish kung hindi ganun din ang karamihan.
Ito ang nagpasikat sa kanya ng husto sa balat ng wattpad. Tanda ko pa noong nakikita ko sa mga comment boxes at walls ng ilang mga sikat na authors dito kung paano nila pagkaguluhan ang kwentong ito. Dito talaga ang simula kung bakit ako natuto mag-ingay masyado sa mga comment box. Natatandaan ko pa kung paano ako makipag-unahan sa comment box sa bawat ud na ni minsan ay hindi nangyari. Dito ako nagsimulang magcomment ng madami.
Ito ang kwento na gustong-gusto ko ang bawat development ng mga events sa bawat chapters. Kung paano ang isang heiress ay di niya pinangalandakan ang anumang tinatamasa niyang karangyaan. Karangyaan at katanyagan ng kanyang pamilya na naging dahilan kung bakit siya nasaktan ng husto at hinayaan ang sakit ng puso ang mangibabaw para bumangon.
Ang pinakagusto ko sa kwentong ito ay ginamit ng mga leading characters ang sakit na kanilang naramdaman para mas magpursigi sa kanilang pangarap upang maging mas lalong karapat-dapat sa isa't-isa.
Nauubusan ako ng sasabihin sa dami ng pwedeng idiscribe sa ganda ng kwentong ito. Ang masasabi ko lang ay lame ang salitang maganda sa kwentong ito. Hindi mo mapipigilan na mapansin ang bawat pangyayari.
Mabuhay ang Wade at Reina couple!!!
BINABASA MO ANG
Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIES
AléatoireThis is not a love story... Ito ay kwento ng aking mga kabaliwan sa wattpad... Ito ay kwento ng mga di ko makakalimutang mga ginawa ko para makabasa ng isang story... Ito ay kwento ng mga kwentong tumatak sa aking isipan na naging bahagi na ng akin...