Akala ko nakilala ko na lahat ng pinakastig na bidang babae pero hindi pa pala. May mas higit pa sa kanila. Higit siya kasi walang kapantay ang kanyang pagmamahal sa pamilya dahil kahit trabaho ng lalaki ay pinasuk na niya para lamang sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Higit siya kasi biniyayaan na siya ng pinakamalakas na katawan na hindi na ata natutulog sa dami ng trabaho. Nilagpasan pa ata si Annie Batumbakal sa dami ng raket.
Ito ay isa sa mga story na kinahumalingan ko ng todo dahil nakakagaan ng loob. Nagbibigay ng inspiration sa mga taong may matitinding pinapasan sa buhay. Gumagaan ang bigat ng dinadala kapag nabasa mo ang kanyang kwento dahil matindi man ang kanyang pasanin sa buhay ay mawiwili ka pa din sa kanyang mga paraan ng pakikipaglaban.
You will be curious kung anu ba ang hindi kayang gawin ng isang ALL TIME GIRL ni SaveAndPublish.
BINABASA MO ANG
Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIES
De TodoThis is not a love story... Ito ay kwento ng aking mga kabaliwan sa wattpad... Ito ay kwento ng mga di ko makakalimutang mga ginawa ko para makabasa ng isang story... Ito ay kwento ng mga kwentong tumatak sa aking isipan na naging bahagi na ng akin...