Chapter 11

16.2K 454 100
                                    

Chapter 11

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napaangat ako ng tingin mula sa pagbu-budbod ng sabon sa washing machine namin.

Si Ron.

"Malamang naglalaba?!" sagot ko sabay banlaw sa nadampot kong damit sa palanggana.

"Alam ko naglalaba ka. Ang ibig ko sabihin, bakit ikaw ang gumagawa n'yan? Bakit hindi pa kay aling Celing?" Iyong labandera din nila.

"Kaysa naman magpagulong-gulong lang ako sa kama at manood ng mga paulit ulit na palabas sa T.V., eh paglalaba na lang aatupagin ko."

"Tsk! Sa macho mo na 'yan?! Sinasayang mo lang ang mga muscles na binuno mo no'ng college sa training! Ang sabihin mo nagkukuripot ka lang!" naiiling na sabi nito.

"Sus! Eh, ikaw? bakit karga mo yang pamangkin mo na ginagawa pang kampana ang ulo mo?"

Hinihila-hila kasi nito ang nakalawit na buhok ni Ron sa likuran.

Anak ng kuya nito ang kargang one year old na si Monty.

"Nag-volunteer."

"Volunteer 'yang mukha mo, 250 pesos ang katumbas ng pagkarga mo d'yan."

"Alam mo naman pala, nagtatanong kapa, pang-nood din ng sine 'to no'!?"

"Ano pa nga ba! Nagbreak lang kayo ni Michelle naging business minded kana."

"Pati ba naman 'yon binabanggit pa? hindi 'yon ang i-pinunta ko dito."

"Eh, ano pala?"

"Nagkita kami ni..." nananadya na putol nito sa sasabihin.

"Nino?"

Pabitin pa ang kumag, ayaw pa diretsahin.

"...ni Claire"

Napatitig ako kay Ron.

Wala ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Gusto ka niyang makita, nakasulat dito kung ano oras at kung saan" Inilapag nito ang isang papel sa mesa na naroon.

"Alam namin na matagal mo na s'yang hinahanap kahit di mo aminin, Alam rin namin na isa rin s'ya sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ayaw mo magcommit. Ito na ang hininhintay mong pagkakataon dude." aniya at lumabas na ng gate.

Kinuha ko ang papel sa mesa at matamang pinagmasdan ang nakapaloob na letra at numero.

Napabuntong-hininga ako.

Matagal na panahon na rin no'ng huli ko nakita ang sulat kamay ni Claire na hindi parin nagbabago.

---------------------------

"Never waste an opportunity to say I Love You to someone you really love, because its not so easy to meet a person who has the magic to let you fall in love..."

Napabuga ako sa hangin sa nabasa kong note sa message board ng coffee shop kung saan kami magkikita ni Claire.

Mas maaga ako ng 20 minutes sa binigay n'yang oras.

Malaki at Relaxing ang ambiance ng coffee shop. May piano na p'wede tugtugin ng mga customer at may mga libro sa estante na p'wede rin basahin.

Kumuha ako ng blankong papel na nakalagay sa ilalim ng message board at nagsulat.

"I never knew how badly it could hurt to lose someone who has never been really mine.."

At idinikit ko sa board gamit ang push pin.

Ang Tanga-Hanga Ni JairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon