Chapter 21

12.9K 427 57
                                    


Chapter 21

Nagyaya manood ng sine si Mira.

Tumatawa silang lahat pero ako wala, poker face lang.

Mabuti hindi napapansin ng kasama ko na halos mamatay-matay na sa pag tawa na ang katabi n'ya parang tanga lang na nakatingin sa wide screen pero lipad naman ang isip.

Makakatawa ba ako sa lagay na 'to?

'Yong nililigawan ko harap-harapan na sumama sa isa n'yang manliligaw.

Gusto ko mag emote pero romantic comedy naman ang movie na pinapanood namin.

Humalukipkip ako.

Ba't ba s'ya sumama sa mokong na iyon.

Nang-iinis ata s'ya dahil nalaman n'ya na may lakad pala kami ni Mira.

O, baka naman trip n'ya talaga ang pinsan ko.

Argh!

Na-isubo ko tuloy ang nadakot kong popcorn na hawak ng kasama ko.

Napatingin naman sa akin si Mira at ngumiti.

Nagulat marahil kaya ngumiti na lang din, ako habang ngumunguya.

Siguro iniisip nya ang siba ko pala.

Nakakahiya naman.

__________________________

Bahagya akong napapitlag ng hawakan ni Mira ang braso ko.

Nasa loob kmi ng isang boutique.

"May bracelet kana pala? Ngayon ko lang napansin 'yan." Napasimangot na sabi n'ya.

Ang tinutukoy nito ang wooden rosary bracelet, na ibinigay sa akin ni Jaira.

"Bakit?" Takang wika ko.

"Bibilhan sana kita kaya lang mayroon kanang suot at rosary pa."

"Hmm, hindi mo naman na ako kailangan bilhan pa ng bracelet o ano pang accessories. Mabuti pa ilibre mo na lang ako ng ice cream kung gusto mo makita ang big smile ko." Biro ko at bahagyang ginulo ang buhok n'ya.

Saglit muna itong nag-isip at maingat na ibinalik ang isusukat sana sa akin na bracelet.

Isang white gold bracelet.

"Hmp! Sige na nga!" Naka pout pa rin na sabi nito.

_________________________

"Coffee Crumbled ice cream." Ang tamis ng pagkakangiti ni Mira habang inaabot sa akin ang paborito kong flavored Ice cream.

"Thanks!" Napangiti ako ng malaki hindi pa rin n'ya nakakalimutan ang paboritong flavor ng ice cream ko.

Sana makasama ko rin na kumain ng ice cream si Jaira, kaya lang hindi naman s'ya p'wede sa sobrang matamis.

"Namiss ko ang ganito natin no'ng highschool bago umuwi.." Aniya na 'di nakatingin sa akin.

"Oo nga! Naalala ko na kapag ganito rin tayo noon, lumalapit ang mga manliligaw mo at sa akin nag papaalam kung p'wede ka nilang ligawan kasi akala nila kapatid kita." Natatawa kong kwento.

"Oo nga pala. Siguro kasi palagi ka  nagpupunta noon sa room ko, para mang hiram ng crayons."

"Eh, kasi naman 'yong teacher namin sa chemistry bigla-bigla na lang nagpapadrawing sa work book." Medyo napasimangot pa ako nang maalala ko ang subject ko na 'yon.

"Nakakahiya nga sayo, medyo sira na ang box ng mga crayons ko tapos putol-putol pa! " Natatawa nitong pag alala.

Napatawa rin ako.

Ang Tanga-Hanga Ni JairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon