Chapter 16

13.3K 440 52
                                    

Chapter 16

Feeling ko kaya ko nang makapaghalf cook sa sobrang init ng nararamdaman ko. Ewan ko ba tinalo ko pa ang init ng panahon sa taas ng lagnat ko.

Kung anu-ano ba naman kasi pinaggagawa ko sa loob ng dalawang linggo.

Tapos ngayon..

Ang aga-aga may nakialam pa sa nananahimik kong lap top na naiwan kong bukas magdamag.

May nagpapatugtog sa isa sa mga nakasave kong kanta.

OLD SONG.

To lead a better life
I need my love to be here

Here, making each day of the year
Changing my life with a wave of her hand
Nobody can deny that there's something there
There, running my hands through her hair
Both of us thinking how good it can be
Someone is speaking, but she doesn't know he's there

I want her everywhere
And if she's beside me I know I need never care
But to love her is to need her everywhere
Knowing that love is to share
Each one believing that love never dies
Watching her eyes and hoping I'm always there

I will be there
And everywhere
Here, there and everywhere

Pinilit ko mag mulat pero parang may nakatutok na flashlight sa mga mata ko.

Sino ba naghawi ng kurtina.

Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa labas.

Inikot ko ang paningin ko.

Hanggang sa tumambad sa paningin ko ang isang tao na nakaupo sa swivel chair ko.

Arms folded at naka -_-

What the...

Napatalukbong ako ng kumot.

Nagdedeliryo ba ako?

Malapit na ba ako ma-dedo?

Sa kung anu-ano mga naiisip ko at nakikita ko?

"Para kang batang nakakita ng multo Ram?" -_-

Si Jaira.

"Paano ka nakapasok dito?!" gulat na gulat kong tanong dahil totoo nga talagang nasa harapan ko s'ya.

"Kung paano ka rin nakapasok sa taniman at pinakialaman ang mga tanim ko" -_-

Tsss!

Buti nga binuhay ko ang mga tuyot na n'yang tanim. Kahit naaasar ako sa kanya.

Mag-thank you na lang kaya s'ya?

"Kailan ka pa dumating?" pag iiba ko na lang.

"Kagabi lang, kumain kana?" aniya.

"Wala akong gana.." sabay talukbong ko ulit.

"So, kung gano'n. Iuuwi ko na lang ang niluto kong sinigang sayo." -_-

Napangiti ako sa ilalim ng kumot.

Ano iyon suhol?

S'ya mag luluto!? Hindi nga?!

"Masarap ba naman?" may himig pang-aasar ko.

"Kapag nagka amnesia ka, baka siguro masarap siya. First time ko magluto at hindi ko pa rin natitikman. So, kung hindi masarap ay pakihugasan na lang ng mangkok bago mo isoli sa amin." -_-

Hay!

Parang gusto ko na lang ma-commatose sa kanya.

Hindi ako sumagot.

Ang Tanga-Hanga Ni JairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon