First Day w/ Enemies

53 4 1
                                    

(Alayssa's POV)

Syangaps! My name is Alayssa Tan. Isang scholar dito sa Monarcy High School. Paaralan ng prinsipe't prinsesa. Muwahahah... 1st year na ako... Alam kong wala kayong pake kaya itigil na natin ang pagpapakilala...

Oops! Lumampas na ako. Section 1 ako ngayon. Kailangan galingan kasi posibleng mawala yung scholarship ko... T^T

Umupo na ako sa pinakadulong upuan sa may likod(isle) at humarap sa armchair.

Sa likod ako umupo kasi alam ko na kung sino yung uupo sa harapan. Alam nyo na... yung mga taong sabihin na nating 'May commercial araw-araw'.

"Oh! Hi, Sis! How's your new bag from Paris?" Sabi nung kararating lang na babaeng mukhang bangkay na sa sobrang puti ng mukha.

"Yes... (yezzzz)" beso muna left and right... "Here, oh..." sabay lapag sa table nung bag nya.

"Wow... I like it but, I love my NEW bag... Nanggaling pa yan sa NYC. Pinasadya ni Mommy just for me." damang-dama nya talaga yung 'm' sa 'me' nya eh.

Haaaay...

"Oh my gosh! Andito na si Jhune Cedrick Gonzales!" -girl na hingal na hingal.

Yes. Di na ako magtataka na ganyan ang magiging eksena sa mga classroom kapag may dadaan or may kaklase kaming guwapo. Napapanood ko sa t.v..

"OMG! Asaan na yung make-up ko galing Paris?!"

"Diba sya yung transferee? Balita ko galing pa syang America."

Transferee? America?
I-transfer ulit natin sa America para masaya... Busit! =_=

"Hi Girls..." sabay kindat sa mga babae sa harapan.

Wait! O.O <--- ako

Diba sya yung nampatid sa akin kanina?! -_-+++

"Jhune Cedrick, sit here!"

"No! Sit here..."

"Ahmm... Sorry pero mas gusto ko sa likod."

"What?!" sabi nung mga girls sa harapan...

Teka nga! Bakit ko ba sila pinagkakaabalahan? >.<

Makapunta na nga lang sa Pluto! Hehe.. Magbabasa muna ako. Di ko pa tapos yung A Love Story of an Enemies eh! [wala akong maisip na iba eh...]

"Hoy, Panget!" -boses ng lalaki

Sino kaya tinatawag nung lalaking yun? Wala kayang ginawa ang Diyos na panget!

Tuloy lang ako sa pagbabasa...
Makalipas ang isang iglap, nakapag-magic ako nang hindi inaasahan!
Nawala yung phone ko?!

Asan na ba yun?
Tingin sa ilalim ng upuan... ( . _ . )
Tingin sa kanan... ( . . _ )Tingin sa kaliwa... ( _ . . )
Pataas... ( , " )

Yung lalaking 'to na naman...
 ( ^ . _ . ^ )~  <--- sya

"Oh? Anong problema mo?!" sabi ko. Ewan ko ba kung bakit parang naka-shocked mode ang mga tao sa paligid ko...

"Di mo ba ako narinig?!"

Tinaasan ako ng boses?! >( > . < )<

Tumayo ako.

"Magtatanong ba ako kung narinig kita?!" -taray ko! ^_^v

Lumapit sya sa akin.

"Sabi ko... BAKIT.KA.NANDITO??????!!!!" -dama nyo?

"Syempre, WALA.AKO.DOON!!! Atsaka teka nga... Ano bang pake mo?" Umupo ulit ako at hinanap yung phone ko. "Di naman kita friend... pati sa facebook, tweeter, friendster at lalong hindi kita follower sa wattpad kaya umalis-alis ka na nga at may hinahanap ako!"

"Ang *anga mo naman! Tinapon ko dun sa harapan!" sabay turo sa harapan.

Sinundan ko ng mata yung tinuturo nya at nakita ko ang phone ko na nagpira-piraso na.

"Uy! Andyan ka pala!" at wave ng kamay ko sa way ng phone ko.
Tumayo ako at hinarap yung lalaking nagtapon ng cp ko.
"Hey... Don't say bad words AT bakit mo tinapon yung phone ko? Ano ba talagang problema mo? May galit sa mundo? Heartbroken? Pwede ba... WAG ako! Kaya mo bang pa---"

Kinuha nya mula sa lalaking nasa likod (P.A. nya ata) ang isang phone na touch screen. Mas maganda yun kesa sa phone ko... Mura lang kasi yung akin eh.. MC. xD (Made in China)

"Oh!" sabay abot sa akin nung phone. "Ngayon... ALIS!"

"FYI... Wala kang karapatan na paalisin ako sa paaralang ito... Ikaw ba may-ari ng school na 'to?!" hehehe... for sure, HINDI!

"Oo. So, get out of my face... NOW!"

"Hoy! Di ako tigyawat para paalisin sa mukha mo! Scholar ako dito. Pag-aralin mo ako sa ibang school para mawala talaga ako dito." Oha! -_-+++

"Okay. Deal." at umalis na sya.

Hmp! Kayabangan...

"Hey, Ugly girl" -sabi nung babaeng mukhang Paris.

"Paano mo ako natawag na 'Ugly Girl'? Tumingin ka na ba sa salamin pagkagising mo kaninang umaga?" -_-" pang-aasar ko.

"Hey! How did you say that to my Friend?" -sabi ni 'Girl Bangkay'

"How? Binuka ko yung bibig ko..." ^_^

"Ouch... Di ka ba tinuruan ng magulang mo na gumalang sa ibang tao??!"

"Kayo ba, tinuruan?" (-._.^)?

"You'll pay for this." Ang O.A.??! Kakapanood siguro ng teleserye... :D

"Asteeg... Nag-salita lang ako, nagkautang na... BOOM! Panees..."

Hahahahaha... xD

Pumunta na lang ako sa harapan at lininis na lang yung nagkalat na piraso ng cp ko. T^T

"WOW! Hi Miss... Bihira lang ako makakita na may naglilinis dito sa Monarcy na student. Scholar?" comment ng kararating lang na teacher.

"Yes, Mam!" ^_^ proud ako na scholar ako sa pribadong paaralan. Maraming kabataang pinoy kaya ang nagsisikap makapag-aral lang. Naks!

Mukhang wala na syang itatanong kaya umalis na ako sa gilid nya at nagpakalayu-layo na naman. Bumalik sa upuan ko kanina sa likod.

A Love Story of an EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon