Sa mundo natin, walang tama at mali pagdating sa kasarian, dahil lahat may tamang ipinaglalaban meron din naming mali pero pilit na ipinaglalaban dahil isa din naming karapatan. Pero wala naman akong pakelam jan. Kasi di naman talaga yan ang gusto kong maging intro nito ahahahahaha.
Minsan ba may dumaan na sa buhay mo na isang tao na pinaniwala ka sa salitang di ka iiwan? Na akala mo siya na talaga? Ang taong sa pagaakala mong siya na ang tunay na kukumpleto sa pagkatao mo. Siya na ang magiging dahilan ng ngiti mo sa araw araw , na imumulat ang iyong mga mata at gigising na para bang nananaginip ka lang dahil katabi mo ang isang taong ni minsan di nagkulang sa pagmamahal sayo?! Shunga walang ganun! Forever nga hirap paniwalaan eh.
Ako si Kyle Garcia, simple lang ang buhay,gigising sa umaga, papasok, uuwi, magbibihis, gagala, tutulog. Ganyan ang routine ko sa buhay,depende pa din kung san ako abutan ng katamaran. Sabi nila kung magigingstaright man daw ako baka siguro maging gustuhin din ako. Sa puti ko ba namangtoh, at medyo marosas rosas kong cheeks :3 Sa ilong lang talaga nagkatalo e-_-di matangos, di rin pango yung semi sargo lang. Yung mata ko na medyo kiratdahil na din siguro sa kakanood ko ng nakakaiyak at kakabasa ko ng nakakaiyakdin kaya palagi nalang ako naiiyak ahahahaha. At pag kinikilig ako, ay jusko! Hinding hindi ko maitatago kasi pulangpula talaga yung pisnge at tenga ko hahahaha at Oo bakla ako pero di ako yungbaklang makikita mo sa iba't ibang lugar na crossdresser. Ako yung tipo ngtaong tshirt na white tapos tokong lang masaya na J . Minsan nga mas lalake pa daw ako pumorma lalona pag nakaitim na damit. Sabi lang ah. Ayoko magassume, baka umasa na namanako. Hehehehe . Masayahin akong tao,gusto ko lang naman kasi maging maligaya ako. Wala namang may ayaw diba?Maliban nalang sa mga bitter kong kaibigan. Akala nga ng mga kaibigan ko marami na akongnaging karelasyon noon dahil sa sobrang lalim ko minsan magadvice, pero satotoo lang, isa palang talaga ahahahaha! 17 years old na ako ngayon 1styear college sa isang university (Somewhere in manila) pero 2nd yearhighschool ako noon nung una at baka siguro maging huli kong karelasyon saisang LALAKE. Ganon ako kalandi dati, kung babae nga lang ako baka pwede na akong true to life na role ni erichsa palabas niya dating KATORSE. Pero thank God, di ko naisuko ang bataan ko sakanya sa loob ng 6 na buwan niyang pangloloko. Kkwento ko pa ba yung dahilan ng pagbbreak namin? Wag na?! Tuturing konalang na isang aral ang walang kwentang nakaraan na yan, kasi diba ikaw kayalokohin ka ng boyfriend mo, yung akala mo ikaw lang, pero kung sino pa yung bestfriend ko siya pa yung itinago niyang karelasyon niya habang nakikipaghayupan saken diba?! May sangkahayupan kasi talaga yung bestfriend ko noon di na nga maganda puro pa panga HAHAHA! Eh ang tipo ko lang naman, matangkad, matangos ilong, yung mukhang maamo yung mukha, (dapat talaga aso na lang jinowa ko eh maamo naman yun ahahaha!) ,mabait, study ang priority, matiisin, marunong maghintay ganon! J Demanding eh noh. Hayaan mo na, di naman din ako maganda ahahahahaha kaya imposible magkaroon ako ng ganyang tipo ng boyfriend ahahahaha!
Haaaaay!!! Unang araw ng pasukan ko ngayon sa 2nd semester, ganito palagi ako sa tuwing papasok magisa, nagkakalikot ng phone habang ikunukwento ang biography ko sa utak ko, habang nakaheadset at nakikinig ng mga malalalim na advice ni JUAN MIGUEL SEVERO. Oo nga pala! Isa akong Masscommunication student kaya siguro ganito ang mga uri na pinapakinggan ko, gusto ko kasi maging DJ or author ng isang nakakaiyak na libro someday.
At Eto na papasok na ko ng building,
"Haaaay! Namiss ko yung school ko ;) " - Sabi ko sa sarili ko.
Naglalakad na ako papasok ng building ko pero iccheck ko muna ang schedule ko but wait.
.
.
.
.
.
"Asan yung schedule paper ko?"
Pakapa kapa ako sa bulsa ko, sa bulsa ng bag ko at di ko namalayang nahulog na pala yung sched copy ko.
Tatayo na sana ako, peroo akmang tatayo na ako,
.
.
.
.
(BLAGGGGGGGGGGG!!!)

BINABASA MO ANG
Not just your ordinary Boyfriend. (BoyxBoy)
RomanceNoong nagpaulan ng sama ng loob, malamang babad ang dalawa sa di matigil na away bati ngunit saan nga ba hahantong ang di matapos tapos na aso't pusang away ng dalawa? Sabi nga nila, the more you hate the more you love.