Chapter 7 Introducing "Kent" himself

1 0 0
                                    



Kent's Pov

Eto ako ngayon nasa gitna ng traffic pero malapit na sa university, nakikinig ng mga nakakarelax na kanta, By the way, ako nga pala si Kent Esguerra, but you can call me KL . Medyo may pagkagulo ang buhay ko, kaya sa sobrang gulo, nagsawa na akong maging maingay nung nasa states ako. Dati akong palaaway, marami na akong napagdaanan kaya parang mas masarap na lang din siguro kung gagawin kong simple muna ang buhay ko. Hahahahaha. Wala namang masama siguro, pero baka manibago ang pamilya ko . AHAHAHAHAHA. Dahil laki akong states di ko gaano kapa ang pamumuhay dito sa pilipinas. Pero nagbabakasyon ako dito dati, highschool ako noon umuuwi kami dito it's either Halloween o Holy week pero after nun bumabalik na kami sa states, may mga kakilala ko dito, halos eh mga pinsan ko kaso di ko alam kung kilala pa nila ko. Hehehehehehe!! Sabi Malaya mo namang magagawa ang gusto mo. So rak na diba? Hahaha de joke! Maninibago talaga din ako ngayon syempre diba ang laki din ng pinagkaiba ng pinas sa states so adjust adjust muna tayo. Matagal akong maninirahan dito eh.

Night life kasi ako sa states, alam mo yun? Party dito, party jan. Alak lang naman ang bisyo ko, nagyoyosi ako pero siguro isa o dalawang beses lang sa isang taon. Gusto ko naman kasi mabuhay pa ng matagal na matagal, pano ko makikilala yung forever ko? HAHAHAHA. But speaking of, kamusta na kaya siya? Yung ex ko na pinagpalit ako sa bago nya? Eh mukha namang yung bago niya eh paluma na. Mas dry pa yata balat nun sa balat ng lola ko -_- . Haay nako hayaan na nga lang sya, bahala siya dun. Magsawaan sila kakatitig sa isa't isa.

" Haaaaaaay sa wakas! Nakarating na din! " – sabi ko sa sarili ko habang papasok ng gate ng school .

"Goodmorning ser Eguerra! " – bati ng guard sa parking. Kahit bago ako dito eh talagang kilala na ako, dahil yung tito ko ang owner nitong university. Gusto ko talaga sa ibang university pumasok para Malaya naman ako , eh no choice eh, takot ako sa mama ko. Mama's boy ako e ^_^

"Goodmorning din manong! ^_^ " – bati ko dito , saka naghanap ng parking.

Pagkababa ko ng sasakyan eh naglakad na ako papunta sa building kung saan dun ang una kong schedule. Dito na ako nag 2nd semester dahil gusto ko dito na din magpasko, di ko alam kung hanggang kalian ang itatagal ko dito, ako naman daw may hawak ng desisyon ko kung tatapusin ko ba dito pagaaral ko oh babalik ako states.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa pupuntahan ko. Haaaay! Bagong ambiance, bagong buhayyy! Whooo! Kailangan maaga ako makapunta sa room ko, dahil mangingilala pa ako ng mga bagong kaklase. Ay oo nga pala! Masscommunication ang kinuha ko, wala lang gusto ko lang ! HAHAHAHA Biro lang, dahil na din siguro sa mga bar na napupuntahan ko dun sa states gusto ko maging DJ ng isang station at dahil na din sa mga gagawin ko sa future, basta abangan niyo nalang :D hehehehe!

Pero lahat ng iyan ay nakatago sa ordinaryong kong mukha , dahil napaka disente talaga ng itsura ko. Nakareading Glasses . Naka undercut pero simple lang, walang wax, hawi hawi lang ganon. HAHAHAHA. Di tulad ng dati kong itsura sa states, mukha talaga akong adik , (Hindi naman yung adik na nagsshabu) Yun bang itsura ng mga pala gala ang mukha, yung mga mukha na makikita mo sa club/ bar .

Aminado din ako na pogi ako, (Self proclaimed) HAHAHA. Di naman kasi ako magkakaroon ng sandamukal na babae dun sa states kung di ako pogi diba, nakadagdag din sa appeal ko yung tangkad at tangos ng ilong ko. May katawan din naman ako, kasi lahat naman ng tao may katawan. Hehehe. Mas built lang talaga yung akin, nagiging hobby ko din kasi ang mag gym nung nasa states ako kaya ayun daily routine ko tuwing umaga. Mag jogging tapos gym na.

Ngayon naglalakad ako habang patingin tingin sa paligid, maganda tong university dahil presko at nagpaganda pa ang mga pine tree. Natatanaw ko na ang pintuan ng building kaya walang ano anu'y nagdiretso nako.............. pero sa sobra yatang pagmamadali ko ay papuntang pintuan ayyyyyyy!!!!!!!

.

.

.

(BLAAAAAAAAAGGGGGG!!!)

Not just your ordinary Boyfriend. (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon