Tumayo na ako at natanaw ko siya na parang di mapakali at may kung anong ginagawa sa bag niya. Lalakad na sana ako papunta sa kanya para ibigay tong ballpen sa kanya nang bigla akong mapansin ni maam at. ...
"You Mr. Garcia! Where are you going?" - sabi ni Ms Mendoza. " Alam mo bang isa yan sa rules ko dito room. I really hate that kind of act?! " – dagdag pa niya.
"Maam I'm sorry! Itatanong ko lang po kasi sana kung kaninong ballpen ito?" – sagot ko naman sa kanya.
"Okay! Bilisan mo, teka, may pangalan naman ah. Ano ba nakalagay?" – sabi niya naman sakin.
Oo nga! Naalala ko may pangalan toh. Jaja ang nakalagay sa ballpen kaya, "Maam KL po yung pangalan eh" – sabi ko.
Bigla namang napalingon si Kent at kitang kita mukha niya ang gulat na may halong pagtataka, kaya nagtaas siya ng kamay at agad napatayo para kunin ito sakin........ Habang pinagmamasdan ko siya papalapit sakin , may napansin din naman ako,
.
.
.
.
.
.
.
Pogi nga talaga siya J , matangkad, matangos ilong , maputi at sobrang disente.
.
.
.
.
.
.
.
"Huh?! Kyle ano ba? Siraulo kaba? Wag kang magpapadala sa kanya. Yung mga ganyang lalake may itinatagong kulo sa loob yan -____- Napanuod ko na sa palabas yan, kunyari mukhang mabait, pero lolokohin ka lang :3 Haaaaay! "
–KONSENSYA
Nang makalapit na siya, akmang kukunin niya na ang ballpen sakin nang...................Nagtama ang aming mga kamay,
.
.
.
.
biglang may kung anong kuryenteng naglaro sa mga palad ko,
.
.
.
di ko ito maigalaw, di ko alam anong gagawin ko nung mga oras na iyon, at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang tibok na nanggagaling sa dibdib ko.
"Hey! Kyle? Are you okay? " - narinig kong nagsalita si Kent pero di ako makaimik, parang may pumipigil sakin na matapos ang sandaling yun.
"Hey! KYLE! Namumula ka? Okay ka lang ba?" - dagdag niya pa at
...
...
...
..
Ha?! Namumula ako?! Waittt teka teka! Di pwede tohhh!!!!
"Ah! Oo, okay lang ako! Sige na, yung ano, ayan na yung ano mo, yung...g ....... ballpen mo @_@ " - Nauutal utal kong sabi saka lumingon sa harap ng nakayuko , grabeeee! Di ko kinaya, parang ang tagal naming nakatayo, di ko alam pero di ko maintindihan yung nararamdaman ko nung mga sandaling yun. Akmang uupo na ako nang bigla niya muli akong tawagin,

BINABASA MO ANG
Not just your ordinary Boyfriend. (BoyxBoy)
RomanceNoong nagpaulan ng sama ng loob, malamang babad ang dalawa sa di matigil na away bati ngunit saan nga ba hahantong ang di matapos tapos na aso't pusang away ng dalawa? Sabi nga nila, the more you hate the more you love.