4Bia (Pagsisisi)

296 1 0
                                    

Andrea's POV

"Andrea" bungad sakin ni Lance habang ako'y naglalakad sa Mall.
"Oh Lance ginulat mo naman ako, ano bang meron at bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan" painis kong sabi.
"Sorry namiss lang siguro kita hahaha anyway gusto mo bang sumama?
"Huh saan at sinong mga kasama?
"Ang buong tropa at kasama syempre si Zander, uy kinikilig hehehe"
"Bakla ka bat naman ako kikiligin eh hindi at walang naging kami"
pero halatang namula ako sa sinabi ni Lance...

*Flashback*
Dahil malapit nang matapos ang school year bibigyan ko kayo ng pagkakataong lapitan at bigyan ng letter ang taong gusto niyong makilala pa ng lubusan. Sabi ng Adviser namin.
"Uy Lance sino ang pagbibigyan mo ng letter?" sabi ko.
"Sis kilala mo naman siya diba, yung lalaking nagpatibok sa Section natin" kinikilig na sabi ni Lance
"Huh you mean si Zander?
"Gaga sayo na yun.. si Gerard po ateng" at lumapit na nga siya kay Gerard para ibigay yung letter.
Maya-maya pa'y may nagbigay ng letter sakin at nagulat ako nang malaman ko kung sino yun.. si ZANDER?
"Salamat sa letter" nakangiti na ako ngayon at medyo kinikilig..
"Basahin mo na lang kapag nasa bahay ka na ayokong maglumpasay ka dyan sa kilig HAHAHA" at ngumiti siya ng sobrang yabang pero in all fairness mas lalo siyang Gumwapo.
"Hahaha ang hangin masyado kuya, how to be you po? kunwaring naasar na sabi ko.
Umuwi na ako at dali dali kong binuksan ang letter na bigay ni Zander. Kinakabahan na kinikilig.
"Hi Andrea, nais ko lang sanang sabihin sayo na Salamat dahil nakilala kita at naging kaibigan kita for the whole school year at hinding hindi ko yun makakalimutan.. may sasabihin nga pala ako.......... (nasaan na ang karugtong? anong sasabihin niya? manliligaw na kaya siya? AAAYYIIIIIEEEEEE!!! Ayun nahanap rin kita)

.... May gusto akong babae at kilalang kilala mo siya.. si Mikaela.

Biglang gumuho ang mundo ko. Yung pakiramdam na parang may Sampung bagyong paparating at sa kwarto ko lang sila magsisiksikan. Ang sakit beshhhhhhhh

*end of flashback*

Andrea's POV

"Ah itext mo nalang ako bakla kung kelan para makapaghanda ako"

"Sige sis, alis na muna ako see you soon" at tuluyan na ngang nawala sa paningin ko si bakla habang kumekembot ito.

Umuwi na ako sa bahay at naabutan ko si Mama na nagluluto ng pang hapunan namin.

"Andrea anak may pumunta pala dito kanina kaklase mo daw siya noon.. Mi-kaela yata yun..."

"Ah oo mama si Mikaela nga, ano raw sabi?"

"May binigay siyang letter eh kunin mo na lang sa ibabaw ng Ref"

"Sige po mama" dali dali kong tinungo ang ref at kinuha ang letter.

Andrea sasama ka ba samin? magbabakasyon ang buong tropa sa beach resort nila Tricia at sagot na niya ang accommodation. I hope to see you. itext mo nalang ako dito sa number na to #09074849116.

"Hayyy bakit pa kasi kasama tong babaeng to.. magreyreyna reynahan na naman to doon panigurado."
Inis kong sabi. Alam kong may bitterness pa rin akong nararamdaman sa kanya dahil inagaw niya lahat, kasikatan at ang atensyon ng lalaking pinakamamahal ko.

Nagtext na nga si Lance at sa Sabado na raw ang outing namin.

Nagkita kita ang lahat sa harap ng dati naming school. At naalala kong muli ang mga nakaraan.

4BIA (PHOBIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon