4BIA (PAGSISISI) CHAPTER 3

101 1 0
                                    


Narating na namin ang Isla Consola
Naalala ko Resort pala to nila Ma. Tricia Mae Consola.. ang ganda ng view para itong Mini Boracay dahil sa white sand. Perfect for me para makapag muni-muni

Mikaela's POV

Narating na nga namin ang isla at masasabi kong pinaganda at inalagaan ito ng Pamilya ni Tricia.
Humawak ako sa kamay ng Boyfie kong si Zander at ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ngayon ang forever ko.. pero bakit parang may mali.. nahihiya ba siyang kasama ako? Nahihiya ba siya kay Andrea? Alam ko namang meron sila dati ni Andrea pero matagal na yun at ako na ang mahal niya sabi niya ay hindi sabi pala ni Andrea.

*Flashback*

Umiiyak si Andrea nang puntahan niya ako sa bahay namin. hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko ang lahat ng mag confess siya at sinabi niyang alagaan at mahalin ko si Zander.. Mahal niya daw ako at gusto niyang maging KAMI

Kaya pinuntahan ko si Zander para alamin kung ano nga ba talaga kami. OO matagal ko ng gusto si Zander at alam kong hindi pwedeng maging kami dahil nakikita kong masaya siya kay Andrea. Akala ko ngang sila na eh.

"Zander, totoo ba talaga ang feelings mo sakin?"

"Ahh ehhh Mikae..."

"Oo mahal din kita Zander at salamat dahil nagpakatotoo ka sa feelings mo so Tayo na?"

Oo nga pala ako pala ang nanligaw!!! haist

*end of flashback"

Zander's POV

"Uhm Andrea ako na magdadala ng gamit niyo ni Mikaela total kayong tatlo naman ni Lance ang magkakasama sa room." paanyaya ko

"Ah wag na kaya ko naman na.. kung noon nga nakaya ko, ngayon pa ba? hello Hahaha" alam kong nasaktan ko siya at ang tanga tanga ko, ang duwag duwag ko.

"Sige sorry"

"No you don't have to, sorry is not enough to heal this pain" at nakita kong nangingilid na ang mga luha niya sa mata.

"Ok Sige I have to go. Kung alam mo lang ang totoo" at umalis na nga ako.

Andrea's POV

"No you don't have to. Sorry is not enough to heal this pain" yan ang nasabi ko sa kanya dahil ang sakit pa rin kasi lalo na kasama niya ang kaibigan kong malandi.haist makaalis na nga.

Kinuha ko ang gamit ko at sabay na kami ni Lance pumasok sa room 0001

Ang ganda talaga ng lugar na to mahahalatang pinaggastusan ng pamilya Consola.

Teka may nakita akong anino sa loob ng kusina. Ah baka katiwala lang ng Pamilya Consola ang nakita ko.

"Lance ano bang magandang gawin mamayang gabi? Mukhang masaya maglaro dito" excited kong sabi kay Lance.

"Naku sis ayan ka na naman ang hilig hilig mo sa laro kaya ikaw din napaglaruan hahaha"

"Ay grabe siya, oo na ako na nasaktan ako na ang umasa ako na lahat. Masaya kana?" Irap ko sa kanya

"Gaga biro lang tara na nga sa labas"

lumabas na nga kami ni Lance at naabutan naming naghaharutan ang iba naming mga tropa at syempre di nawawala ang Mikaela-Zander Loveteam. Para akong nanonood ng malabong TV, ang sakit sa mata besh.

Nagtungo kami ng Isla ni Lance total hindi pa naman kami kakain ng pananghalian.

"Bakla ang ganda talaga dito, ang sarap ng hangin parang adobo HAHAHA" kwelang sabi ni Lance.

Habang nagtatawanan kami ni Lance may napansin ako sa likod ng malaking bato! Dugo! Ano to Dugo???
medyo napasigaw ako na ikinagulat naman ni Lance.

"Bakla ka ginulat moko ano bang nakita mo?"

"Dugo Lance tara puntahan natin"

Nakita nga namin ang Dugo mukhang presko pa ito. Kanino at saan galing to?

"Tara na Lance at ipakita natin to sa iba pa nating kasama"

Bumalik na kami sa bahay at ibinalita namin sa iba ang nakita namin.

"Totoo ba yang sinasabi mo, baka naman dugo lang yun ng mga ligaw na hayop. Malay mo nasugatan dun sa mga naglalakihang bato" natatawang sabi ni  Cyrus.

"Napapraning ka na naman Andrea, mag enjoy lang tayo sinisira mo ang bakasyon eh" at sinang ayunan naman ng iba.

"Ok fine pero sana naman walang mananakot dito mamayang gabi. I hate Ghost!" sabi ko naman.

Kinagabihan masarap ang naging hapunan namin dahil sa nilutong adobo ng katiwala nila Tricia.

"Guys gusto niyo bang mag bone fire tayo sa labas doon malapit sa dagat" paanyaya ni Tricia

"Mukhang masaya nga yun guys tara na!" nagagalak na sabi ni Berto.

4BIA (PHOBIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon