4BIA (PAGSISISI) CHAPTER 6

116 0 0
                                    


Andrea's POV

Ano nga bang pwedeng maging laro mamaya? Hmm alam ko na.. ang Regrets Game, iisa-isahin ko silang tatanungin kung ano ang mga kamaliang nagawa nila sa buhay na pinagsisisihan na nila ngayon. at Kung sino ang hindi magsasabi ng totoo ay mamamatay!!! Teka ako ba nagsabi nun???? Hindiii...

Kinagabihan nagkumpulan ang lahat sa sala. Tawanan at kantyawan.

"Guys gusto niyo bang maglaro tayo? Masaya 'to promise" nakangiti kong sabi sa kanila.

Na-excite ang lahat at sumang-ayon sila sa gagawin kong laro.

"Tatawagin ko itong Regrets Game, iko-confess niyo ang mga nagawa niyong mali na pinagsisisihan niyo na ngayon.. at ang di magsasabi ng totoo at alam niya sa sarili niya na hindi pa niya ito pinagsisisihan ay may kaukulang Parusa.."

"eh paano mo malalamang nagsasabi siya ng totoo?" sabat ni Grassy.

"Madali lang... magpapakita sa inyo si Señor Franko Hahahaha" at tumawa ako ng nakakalokong tawa.

"Huwag mo naman kaming takutin Andrea.." natatakot na sabi ni Lance

"Biro lang hahaha, syempre nasa kanya na yun kung magsisinungaling siya..at para may Thrill ang game natin, tanging liwanag lang ng kandila ang magiging ilaw natin." sumang-ayon ang lahat pero halatang kinakabahan.

Gumawa kami ng isang Circle.. at nagsindi ng kandila. Pinatay namin ang ilaw. Parang horror effect ang eksena ngayon.

"Paiikutin ko na ang Bottle of Regrets at kung sino ang matatapatan nito ay ang siyang magcoconfess.."

"Game!!" sambit ng lahat!

Pinaikot ko na ang Bottle of regrets at tumapat ito kay Berto..

"So Berto.. mag-confess kana"

"Ok sige, ang kamaliang nagawa ko noon ay ang nangupit ako sa nanay ko at nalaman niya ito kaya dahil sa galit hinabol niya ako hanggang sa nasagasaan siya ng rumaragasang motor. Buti na lang hindi gaanong napuruhan si nanay. Kaya simula noon never na akong nangungupit at pinagsisisihan ko na ang nagawa kong yun." Pinaikot niyang muli ang bote at tumapat ito kay Fiona.

"Ah eh siguro nung naging kami ng Tito ko" nagulat ang lahat sa confession na iyon ni Fiona..

"Talaga ba Fiona? ang hilig mo pala sa matatanda hahaha" pang-aasar ni Gerard.

"Hindi mo naman kasi alam ang kwento, naging kami kasi hindi namin alam na magkamag-anak pala kami, huli na ng malaman ko nang may nangyayari na sa amin. Opo, may nangyari na sa amin ng tito ko at sa nalaman kong yun ay hiniwalayan ko siya at pinagsisisihan ko na yun." naluluhang sabi niya.

"Pero hindi mo ba alam na nagpakamatay ang tito mo dahil sa ginawa mo?" Nagulat ang lahat sa sinabi ko.. Oo nakita ko ang Tito niya sa likuran niya at pinapasabi niyang tinatanggap niya na ang nagawa niyang mali.

"Bakit? Kanino mo nalaman? Andrea nakikita mo ba ang tito ko ngayon?"

"Oo at nasa tabi mo siya ngayon.. sorry daw dahil nasaktan lang siya nang bigla mo siyang iwan sa ere." nakangiti kong sabi. Totoo ba 'to nakikipag-ugnayan na ako sa mga kaluluwa.

Nagsitayuan ang lahat. Natakot yata sa sinabi ko hahaha

"Oh maupo na po ang lahat hindi naman kayo inaano ng mga kaluluwang nakikita ko" paanyaya ko sa kanila.

"Ano bang laro ito Andrea akala ko ba masaya ito, bakit mo kami tinatakot?" inis na wika ni Grassy.

"Guys kaya nga tinawag na Regrets Game kasi kasama din natin ang mga nagawan natin ng kasalanan. Kaya nga sinabi ko sa inyong malalaman ko kung nagsisinungaling kayo o hindi." at pinaikot ko na ang bote, tumapat naman ito kay Grassy...

"Ahh ehhh, ayoko...." at tumakbo ito palabas..

"So guys wala na si Grassy, sinong gustong humabol?" nakangiti kong sabi. Walang umimik kaya pinaikot ko na muli ang bote.

"Grassyyyyyy...." narinig naming sigaw ni Dion. At nagsitakbuhan kaming lahat sa labas. Nakita naming wala ng buhay ito, nakalabas ang dila at nanlaki ang mga mata, tila sinakal ito. Sinong gumawa nito?

"Andrea, ikaw bang may gawa nito?" Galit na sabi ni Mikaela.

"NO!!!" hindi ako pwedeng magkamali, si Señor Franko? hawak niya si Grassy sa leeg habang palayo sila sa katawan ni Grassy, hindi ito maaari. Pinatay niya ang kaibigan namin.

Kaya mas minabuti nalang naming tapusin ang laro at ipinasok na namin ang bangkay ni Grassy.

"Guys, may nakita na naman ako kanina. Si Señor Franko hawak niya si Grassy, alam kong hindi pa patay si Grassy kinuha lang ang kaluluwa niya." nabigla ang lahat sa sinabi ko.

"Yan, dyan ka magaling. Ang sabihin mo dahil sa laro mo, pinatay mo si Grassy. Ano Andrea sinong isusunod mo samin huh?" galit na sabi ni Mikaela.

"Alam kong galit ka sakin Mika pero please paniwalaan niyo ako this time. Tricia alam ko na ang buong istorya kay Señor Franko, nagpakamatay ito dahil sa pagsisisi, pinatay niya ang asawa niya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4BIA (PHOBIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon