4BIA (Pagisisi) Chapter 4

90 1 0
                                    


Narito na ang buong tropa sa labas malapit sa dagat, at inihanda na nila ang paggawa ng Bonefire.

"Guys, habang hinihintay natin magliyab ang ginagawa nila Gerard. Kumuha muna tayo ng makakain sa loob. Para masaya ang kwentuhan mamaya." sabi ni Mikaela.
At nagsitakbuhan ang lahat na akala mo'y may nakitang multo.

Bumalik na ang lahat. May kanya kanyang dala. Mukhang masaya 'to.
Napasindi na rin nila Gerard ang ginagawa nilang bonefire.

"Good evening Guys. Hello Philippines and Hello World" pagaala Toni G ng PBB ni Tricia.

"Now I want everybody to enjoy this night by an Open Forum. Let's start with Mr. Gerard Camposano. Your time starts now."

"Woh biglaan naman yun, sige sige ahm paano ko ba sisimulan 'to hahaha.. Siguro kung may sasabihin lang akong hindi maganda ay yung past moment namin ni Chellesea. Sorry kasi hindi ko agad nalaman na mahal mo ako at nagpakaduwag ako para tanggapin ang lahat ng pagkakataon na sana ay naging tayo. Salamat kasi kahit matagal na tayong di nagkita heto't tinatanggap mo ako ulit bilang ako. Kaya Chellesea, pwede na ba kitang ligawan?" at nagtungo si Gerard sa harap ni Chellesea, kinilig ang lahat at tinanggap naman yun ni Chelle.

"Grabeng revelation ito guys, so next is Zander. What is your hinanakit Zander hahaha" At naghintay ang lahat sa sasabihin ni Zander, sila din kasi nagulat noon nung malaman nilang si Mikaela ang naging gf niya at hindi si Andrea.

"Uhm Salamat sa inyo guys kasi nakilala ko kayo at sana pagkatapos ng outing na 'to magtuloy-tuloy pa rin ang friendship natin kahit na marami tayong pinagdaanan still naging matatag tayo. At sa Babaeng pinakamamahal ko, sorry kung naging duwag ako......" Medyo napatigil ang lahat sa sinabi ni Zander dahil nakatitig ito kay Andrea.

"Ok lang yun babe, atleast nagmamahalan tayo..." kinikilig habang niyayakap niya si Zander.

"Okay ang init naman dito.. sige ganito na lang, may kwentong kababalaghan na lang akong sasabihin sa inyo..." napapangising wika ni Tricia.

"Tricia naman eh sabi kong walang takutan eh" gulat na sabi ni Andrea. Siya lang naman kasi ang matatakutin sa grupo. Pero tinuloy pa rin ni Tricia ang kwento at excited ang lahat marinig yun.

"Alam niyo bang bago pa namin nabili ang resort na ito eh may nangyari ng hindi maganda dito.. dyan sa bahay na yan. Actually wala naman kaming ginawang bago sa bahay na yan kasi ang sabi kapag pinabago namin ang structures ng bahay na yan eh magagalit daw ang totoong may-ari.. nagpakamatay daw ang totoong may-ari dahil sa kalapastangang ginawa ng asawa nito. Kaya simula nung namatay si Señor Franko marami ng kababalaghan ang naganap dito, nandyan yung may nawawalang bakasyunista at matatagpuan patay sa loob mismo kung saan din nagpakamatay si Señor Franko.." napatigil ang lahat sa sigaw ni Andrea.

"Ayoko nang marinig yan, ayokong makita ang simula ayokong makita ka Señor FRAAAANNNNKKKKOOOOO!!!!" medyo natakot ang lahat dahil sa inasal ni Andrea dahil nagsisigaw ito at parang may nakikitang tao di kalayuan.

"Pssttt Andrea para ka namang baliw dyan. Tinatakot mo kami.." sigaw ni Fiona pero halatang takot na takot na din ito.

"Guys nakita ko siya... hindi ko alam pero nakatingin siya dito sa pwesto natin." mangiyak-ngiyak na sabi ni Andrea.

Naalala ng lahat na may Third-eye itong si Andrea kaya ayaw nitong may manakot dahil ayaw niya nang makakita ng mga kaluluwang naligaw.

"Guys pumasok na nga tayo sa loob, bukas na lang natin ulit ituloy 'to'' halatang basag ang boses ni Tricia na tila natatakot na rin.

at nagsipasukan na nga ang lahat nang biglang....

"Sino ang nagkalat ng mga gamit namin ni Andrea??" sigaw ni Lance. Kaya nagulat ang lahat pero may halong pagtataka.

"Baka naman nakalimutan niyong ayusin ang mga gamit niyo bago kayo lumabas kanina" pabirong sabi ni Mike.

"Hindi may mali eh. kanina kasi nakita ko yung lalaking yan.. Oo siya nga" takot na takot habang tinuturo yung Malaking Frame na nakasabit sa sala nila Tricia.

"Huwag ka namang ganyan Andrea, huwag mo kaming takutin..." takot na sabi ni Tricia habang niyayakap si Fiona.

"Bakit sino ba siya Tricia? Don't tell me siya si... " Sabat naman ni Berto.

"Oo siya nga si Señor Franko" nanlalaking matang sabi ni Tricia.

at nagimbal ang lahat dahil na rin siguro sa takot..


"Guys matulog na tayo, let's just pray para hindi tayo gambalain ni Señor Franko" at nagsipasukan na ang lahat sa kani-kanilang kwarto.

"Sis totoo ba yun? nakita mo talaga yun?" sabi ni Lance habang hawak niya ang kamay ni Andrea.

"Oo at parang galit siya. Gusto niya akong kunin kanina kaya sumigaw ako" natatakot pa ring mungkahi ni Andrea.

"Sis tabi na tayo ayokong matulog dun sa kama ko. Okay ka lang ba dyan Mikaela?" tanong ni lance.

"Oo ayos lang tara na't matulog maaga pa tayo bukas." nakangiting sabi ni Mikaela.

4BIA (PHOBIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon