4BIA (Pagsisisi) Chapter 2

110 1 0
                                    


Andrea's POV

Nakita kong muli ang mga kaklase ko at mga kaibigan ko syempre andun din yung mga plastik kong kaibigan. Ayun bati dito bati doon, beso dito beso doon. ang paplastik ano po?
teka si Zander ba tong nakikita ko? Hindi ko naman akalain na nagmukha pa lalo itong artista dahil sa new look nito ngayon. At kasama niya si Mikaela na masasabi kong maganda nga. Oo siya na nga ang maganda. Ayun lahat ng kaklase namin nagkumpulan dun sa kanila na animo'y mga sikat na artista. TSEEEEEE!!!!

Kaya tumalikod na lang ako sa kanila habang abala naman si Lance sa mga gamit niya.

"Bakla ang dami mo namang dala, ano to pang forever na bakasyon?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Bakla syempre kailangan sulitin ang bakasyon at baka dun ko na din mahanap si forever ko.. baka ikaw din anyway ang cute nung dalawang couple hahaha sorry po" pang iinis na sabi ni Lance sakin. Ano bang magagawa ko eh di naman naging kami at walang kami kaya wala dapat akong pagselosan.

"Tara na nga mukhang yan na ang sasakyan natin"

Dalawang Van ang sumundo samin.

Sa Pulang Van nandoon sina Vivian, Berto, Chelle, Grassy, Carlo, Nadia, Thania, Sophia, Mike at Dion. at sa Puting Van naman sina Lance, Christy, Mikaela, Zander, Gerard, Tricia, Fiona, Whens, Cyrus st Ako.

Medyo awkward sa loob ng Van dahil magkatabi kami ni Zander habang nakasandal naman si Mikaela sa kanya kaya hindi tuloy ako makakilos ng maayos. Pinagdadasal ko na lang na makarating kami agad ng maaga para mawala na tong awkwardness feeling that I feel you know. Now you know ala pacman. haistt

Di ko namalayang nakatulog na pala ako.. sa BALIKAT ni Zander WHAATTTTTT!!!!???????

Zander's POV

Nakita ko na naman siya, bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko si Andrea? Nasasaktan ako.. bakit ba naging torpe ako? bakit kinailangan ko pang dayain ang puso ko at shinota ko ang taong di ko naman talaga gusto. bakit? teka lumuluha na ba ako?

"Babe umiiyak kaba? tanong sakin ni Mikaela

"Ah wala to babe, may naalala lang siguro dahil magkakasamang muli ang tropa" pagsisinungaling ko..

"Oo nga eh tara na babe mukhang nariyan na ang sasakyan natin"

Ngayong nasa Van na kami at katabi ko siya ang pinakamamahal kong babae... si Andrea. Teka totoo ba to nakasandal siya sa balikat ko? Ang sarap ng feeling. At biglang tumugtog yung kantang "Can't stop the feeling I get dance dance" natawa na lang ako sumasabay talaga ang tugtog sa nararamdaman ko ngayon.

Andrea's POV

Nagising ako at napansin kong nakasandal ako sa balikat ni Zander kaya nagulat ako.

"Ah sorry po di ko sinasadyang makatulog"

"Ayos lang ok lang naman sige tulog ka ulit" at nakita ko na naman ang mga ngiting nagpaibig sakin.

"Hindi na ok na ako. salamat" medyo nag blush ako nun. hay bakit pa kasi si Mikaela ang minahal mo? bakit hindi na lang ako? at tumugtog ang awiting "Kung ako na lang sana ang yong minahal di ka na muling mag-iisa, kung ako na lang sana ang yong minahal di ka na muling luluha pa" Putcha naman, talagang sinasaktan ako ng kantang to.. di ko namalayang lumuluha na rin pala ako.

4BIA (PHOBIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon