Chapter 1: Truth or Dare

105 4 1
                                    

"Psst!!! Tulala ka ata diyan."sabi ni Jessy. "Ano bang meron?"dagdag pa nito.

"Huh."maikli kong tugon.

"May problema ba bessy?"tanong niya sabay hawi nang buhok kong bumabagsak na nagtatakip sa akin mukha.

"Wala naman, napaisip lang ako sa sinabi sa akin kanina ni Ma'am Flores."sagot ko sa kaniya sabay ngiti nung nagtama ang mga mata namin.

"Alam mo huwag mo munang isipin iyan may maganda akong naisip na magpapasaya sa'yo."aniya sabay hagod sa likod ko.

"Ano naman iyun?"tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Maya ko na lang sasabihin sa'yo para surprise. Hintayin mo na lang ako sa may bench ng Magsaysay Gym mga 3:30 p.m. Gusto ko walang labis walang kulang sa pagpunta mo sa Gym."ani niya sabay talikod patungo sa gym.

Ano nanaman kaling kabaliwan ang tumusok sa utak nung babaeng iyun at anong magpapasaya sa'kin. Hay! Naku! Mamaya ko na lang isipin iyan at makapagbasa muna ng libro sa library.

Patungo na ako sa library. Lahat ng nadadaanan ko nakatingin sa'kin ano bang masama sa katawan ko at bakit nakatingin sila sa akin lahat.

"Oh my gosh, siya ba iyung napahiya kanina ni Ma'am Flores."rinig ko sa isang sulok na may tatlong babae na nag-uusap.

"Kawawa naman siya mukhang matino pa naman siyang babae."dinig ko nang may dumaang dalawang bading sa gilid ko.

May naaawa pa rin pala sa'kin kahit na ganito itsura.

"Oo naman."napalakas ata yung pagsasalita ko.


"Huh?"ani ko habang papaalis na.

Imbes na aalis na sana ako bigla niya akong hinatak at tinakpan ang dalawang mata ko. Pakiramdam ko isang dangkal na lang ang layo ng muka niya sa muka ko. Ramdam ko na ang hininga niya na hinihinga ko na ata. Matagal na kaming magkaganon buti walang tao ang nakakapansin sa'min.


"Hoy! Kung sino ka man pwede bitawan mo na ako."sabi ko nang pasigaw.


Walang sumagot at nagpatuloy pa rin ang pagtakip niya sa dalawang mata ko. Nagpatuloy ang katahimikan.


"Aba't bingi ka ba."pagsira ko sa katahimikan."At saang lupalop mo ako dinala."dagdag ko pa.


Hindi pa rin siya nagsalita. Naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa pader.


"Luh! Ano habang bu---"naputol sasabihin ko.


Naglapat ang dalawa naming labi. Imbes na itulak siya ay nagustuhan pa rin ng labi ko ang labi niya. Naramdaman ko nang itanggal niya ang kamay niya sa mga mata ngunit magkalapat pa rin ang labi namin. Nakapikit pa rin ako at dinadama ang halik ng lalaking unang kahalikan ko.

"You're a damn good kisser."iyun ang salitang narinig ko sa kaniya nang mangawit ang aming mga labi sa halik na iyun.
Ngunit pagkadilat ko wala na siya at nasa abandonado akong classroom.

"Kung sino man siya, gusto ko siyang makita."ani ko sa isip ko.











"Sophia Marie."tawag sa'kin ng kilala kong boses ni bessy.


Napalingon naman ako sa kanya.

"Ano nga pala sasabihin mo?"pambungad kong tanong sa ka'nya.


Nakita ko naman na ngumiti siya at halata sa kaniya sobrang tuwa.


"Bar tayo."maikli niyang sagot.



"Bessy naman."ani ko ng nakasimangot.

"Sige na please!"aniya nang nakikiusap.

"Sige na nga pero madali lang magagalit sa'kin si mommy pag late ako umuwi, bilisan natin ah!"sagot ko ng tinuturo ang ulo niya.


Sumakay na kami ng taxi. Nakrating naman kami ng ligtas doon sa 5 star bar. Pumasok na kami sa loob at umupo sa upuan at nagorder na si Jessy at ito ako nakatulala sa iniinom kong juice.


"Inumin mo yan masarap iyan."ininom ko naman at ang sarap naman.








"Pare!!!"tawag sa'kin ni Kiel.

"Laro tayo."sabi niya sabay ngiti.

"Anong laro?"ani ko sabay tingin sa kanila.



"Truth or Dare."sagot ni James.



"Oh! Good game."sabi naman ni Kenneth.


"Game?"tanong ko at isa isa ko silang tinignan.


Pinaikot ko na ang bote. Tumapat naman ito kay James.

"Truth or Dare?"tanong ni Kiel kay James.


"Dare."maikli niyang sagot.

"Okay, kiss a stranger. Syempre babae. Yun yung girl na iyun. Kaya mo ba?"sabi naman ni Ken.

At hindi na nagpadalos-dalos pa si James hinalikan niya yung babae at nagustuhan naman nung babae.

Pinaikot na ulit yung bote. Umikot ito at tumigil naman ito sa harapan ni Ken.

"Oh, truth or dare?"tanong ni Kenneth.

"Dare."maikli kong sagot.

"Uhmm! Makipagrelasyon ka sa isang babae sa loob ng isang taon o 365 days at dapat magustuhan niya."sabi ni Kiel sabay tingin sa ibang kasama.

"Wag naman ganun pre."sabi ko sabay tingin sa kanila.

"Ang usapan ay usapan dapat tuparin sa lalong madaling panahon."sabi ni Kenneth.

"Sige na nga."sabi ko habang may pagaalinlangan."Sino bang babae?"dagdag ko pang tanong.

"Iyun yung apat ang mata o yung may salamin sa Pablo Roman University naman iyan nagaaral."sagot ni James sabay ngiti.

"Huwag niyo na iyun idamay."nagulat kami nang sinabi ni Kiel.

"Ano ka ba pre it's a game. Hindi naman seseryusohin ni Ken yan ang panget kali nung girl ano kaba?"sabi ni Kenneth.

Biglang umalis naman si Kiel siguro nainis sa'min.

"Ano game pre?"tanong sa'kin ni James.

"Sige game."maikli kong sagot.



Sa di ka layuan.....



"Sa akin lang siya walang makakaagaw sa kaniya. Sa akin siya nararapat. Sa akin siya nababagay."sabi ng hindi nakikilalang lalaki.



"Ako yung first kiss niya. Hindi ako papayag akin lang siya."dagdag pa nito.






End of chapter 1

Sorry for some mistake in this chapter.

Please vote and leave a comment.

It's Only A Dare (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon