Chapter 3: Her Parents

43 1 0
                                    

July 18, ****

Sophia's point of view

Nandito ako ngayon sa may kwarto ko. Inaalala ang mangyayari sa'kin mamaya. Hindi ako pumasok kahapon kaya medyo nakaligtas ako pero ngayon hindi na pinapapasok na ako ni mama.



"Sophia!!"sigaw ni mama. Ito na ihahatid na niya ako sa PRU.




"Ito na po pababa na. In coming."sagot ko sabay sukbit ng bag at tingin sa salamin at inayos ang buhok at sabay suot na rin ng salamin ko.



Lumabas na ako ng kwarto ko. Humakbang nang dahan-dahan sa pababa sa hagdan. Nakita kong nakaupo si mama sa sofa namin.




"Tara na malelate ka na."pagaaya ni mama sa akin.


Lumabas na kami ni mama pumasok sa passenger seat. Inistart na ni mama yung kotse at nagpaandar na.




"Kamusta nga pala mga grades mo anak?"tanong ni mama sabay tingin sa'kin.



"Ok lang po, ito po ako nagbabasa ng libro araw-araw para sa dadating na test."sagot ko at binalikan siya ng tingin.



"Huwag mong pagudin sarili mo anak. Gusto mo ieexcuse kita magvacation muna tayo isang linggo."aniya habang tumitingin sa daan.



"Huwag na po maiiwanan ko po yung mga lesson."sabi ko habang nakatitig sa mga nadadaanan namin.


Pagkatapos ng usapan namin tumambad kaagad ang katahimikan. Nakarating na ako sa school bumaba na ng kotse.




"Mag-ingat ka. Alam mo naman na magaalala ako kapag may nangyari sa'yong masama."aniya habang sinasara ang bintana at sabay pinaandar niya ang kotse niya.




Papasok na ako ng PRU. Kinakabahan syempre may mangayayari kali sa'kin. Bahala na si Lord sa'kin kung anong mang mangyayari sa'kin.




Nakapasok na ako sa PRU. Nakatingin ang mga tao sa'kin at yung iba nagbubulungan. Bakit anong meron may artista bakit nakatingin sila sa'kin.




"Psst!! Bakit hindi ka pumasok kahapon?"tanong ng isang lalaki sa'kin.




Agad akong napalingon sa direksiyon ng nagsalita. Siya nanaman ano bang problema niya sa'kin wala naman akong ginagawa sa kaniya. Tatanggapin ko na rin yung gagawin niya sakin. Handa na ako para tanggapin iyun.





"Gawin mo na sa'kin ang lahat ng gagawin mo. Okay kahit ano pa iyon."sagot ko.



Narinig ko ang pagtawa niya. Bakit anong nakakatawa. Sampalin ko siya ulit e nang malaman niya.



"Tawa ka diyan?"maikli kong tanong.



Narinig ko nanaman ang kanyang pagtawa. Aba baliw na ata toh ah. Ano ba kasing nakakatawa.



"Ang panget mo kasi e."aniya sabay tawa nang malakas.


"Hehehe!!! Kung upakan kali kita diyan."sabi ko. Kahit makick ako sa school na ito uupakan ko pa rin siya.



Umalis na lang ako nang wala nang mangyari sa kanya. Oo, alam ko naman na panget ako pero huwag niya sa'kin ipamukha. Gusto ako lang magsasabi non sa sarili ko noh.



Naglakad-lakad muna ako ng malaman kong may time pa bago magfirst subject. Kaya ito ako ngayon naglalakad mag-isa. Wala akong kasama. Wala na rin pamilya ko. Kaming dalawa na lang nang kapatid ko yung magkasama. Nakala uncle at auntie kami ngayon nakatira. Mabait naman sila. Naalala ko tuloy yung nangyari nung araw na iyun.


[ Flashback ]


"Mother."sigaw ko sa pagtawag ko sa sarili kong ina. Nandito kami ng kapatid ko sa kwarto namin. Habang siya nagcecellphone.

"Bakit anak? Bakit mo ako tinatawag?"sunud-sunod na tanong ni mama.

"Ano oras po tayo aalis?"pambalik kong tanong kay mama.

"Ayy!! Anak hindi na daw kayo sasama ng kapatid mo sabi ng papa mo. Malayo daw kasi iyon."
Sabi ni mama.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko. Agad din akong bumaba para pilitin si mama na isama kami ng kapatid ko.

"Pero ma!! Gusto namin sumama."nagbeatiful eyes ako para mapilit si mother.

"Anak maiinip ka lang doon."agad akong umakyat dahil sa galit ko kala mama at papa.

Hanggang sa pagalis nila hindi ko na sila nakausap. Isa lang ang narinig namin nang kapatid ko.

"Huwag kayong aalis sa bahay baka mapahamak kayo."iyan ang huli naming narinig na nanggaling sa labi ni mama.

Nakatulog na kami nang kapatid. Nagising lang kami nang marinig namin ang presenya ng isang tao.
Agad akong dumilat para kilalanin kung sino yung taong iyon. Nagulat naman ako at agad akong napatayo at hinimas himas ang likod ni auntie Amelia (mama ko ngayon).

"Bakit po kayo umiiyak auntie?"tanong ko naman sabay hagod ng likod ni auntie. Nagising na rin si Arian ang kapatid ko.

"Ang mama at papa niyo kasi..."sagot naman ni auntie ng pabitin.

"Ano pong nangyari sa kanila?"tanong ko ulit sabay tingin sa kapatid ko.

"Nacar accident."bigla na lang ako nawalan nang malay sa sinabi ni auntie.

Simula noon naging
mother and father ko na sila auntie Amelia at uncle Theodor na walang anak.

[ End of Flashback ]

Di ko alam tumutulo na luha ko habang nakaupo dito sa may bench habang inaalala ang mga nangyari. Kaya pala hindi kami pinasama non may dahilan pala.


*Ringgg

Nagring na ibig sabihin magsisimula na yung first subject namin. Agad na akong pumunta sa room at umupo sa upuan ko.

Miss na kita mama at papa.

End of chapter 3

Author's Note

Thank you pala ulit!!!

How about this chapter? It's good ba?



Mahal ko kayo. Inspirasyon ko kayo. Mwah!!!

-zyzy_pancho

It's Only A Dare (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon