CHAPTER 1

348 8 0
                                    

"Bad News"

Nakatunganga lang ako sa labas ng coffee shop ni Mr.wagner

Nag dadalawang isip akong papasok ba ako o hindi

Bitbit ko parin ang kahong pinapabigay ni lolo. Ano ba kaseng laman nito? At tela na curious ako noh?

Aalis na sana ako para umuwi ng bahay ng biglang bumukas ang glass door

Isang lalaking nakahulukipkip at bored na tiningnan ako

Ito naata si Mr.Wagner

"Pinapabigay ni Lolo"

Ngiti ngiti kung sabi at ibinigay sa kanya ang kahon

"Diba bukas kana aalis?"

Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay ko

What did he say? At saan naman ako pupunta?

Natawa siyang bigla sa naging reaksyon ko

I don't get it

Anong pinag sasabi nya?

"Po?"

Huminga sya ng malalim at nagsalita

"Hindi ba sinabi ng lolo mong uuwi ka ng pilipinas?"

Halos mailuwa ko ang kaluluwa ko sa sinabi nya

"At paanong--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil sa pagka bigla ko

Hindi naman kase sinabi ni lolo sakin. Wala siyang Sinabi. Wala siyang sinabing aalis ako

"Talaga? Nakakatawa talaga yang si Mr.Chang"

Sabi nito at sbay umiling

Si Mr.Sebastian Gonzaga Chang ang lolo ko. Sumama ako sa kanya dito sa paris nung kapanahonang nagdudurusa ako

Masakit parin sa ala ala ang nangyari.
Pero pinilit kung kalimutan yun dahil baka maiyak lang ako pag naaalala ang lahat ng iyon.

Marami pa kaming napag usapan ni Mr.wagner bago ako umalis.

Pagod akong napasalampak sa sofa at nakipag titigan sa ceiling

San naman kaya ako Titira?Siguro sa dating bahay namin.Pero parang ayaw ko eh! Maaalala ko nanaman yun.Pero magpakatatag ako kung ito ang gusto ni lolo. Gusto kong makita niyang may silbi din ako.

Sampung taon nadin ang nakalipas simula nong umalis kami sa bansang iyon at lumipat dito sa paris. Hindi din naman kami nahirapan sa paghanap ng bahay dito dahil may bahay sina lolo at lola.

Dito din kami nag babakasyon nina mommy at daddy noong nabubuhay pa sila

Napansin kung may luhang nagbabadyang tumulo sa magkabilang pisngi ko. Kaya agad ko itong pinunasan

Naalala ko na naman iyon. Bakit ba kase. Move on na Carson! Ikaw nalang yung di nakakamove on eh

Sampung taon na ang nakalipas ngunit sariwa parin sakin ang lahat. Ang lahat lahat!

Umayos ako ng upo ng na aninag ko si lolo na kakalabas lang sa Kanyang opisina

Tatanungin ko siya

Bakit niya ako pinapauwi? Ayaw nya na ba sakin dito? Sinusunod ko naman siya sa mga utos niya ah!

Ngiti ngiti siyang lumapit sakin dala ang kanyang newspaper

D E S T I N YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon