CHAPTER 14

50 2 0
                                    

Nandito ako ngayun sa Park na malapit sa Bahay ni lolo. Maganda dito. Tahimik at ang sarap ng hangin

Kinuha ko kaagad ang Cellphone ko mula sa pocket
Ano kayang magandang ipa tugtog sa tahimik na lugar?

Nakakatuwa talagang isipin na hindi lang pala ako nag iisa sa park naito
May mga batang nag hahabulan
At May mga parents ring pinapasyal ang mga anak nila dito.

Humikab ako ng malalim at lumingon lingon sa paligid
Wala akong balak na umuwi sa Bahay. Mag aalas 6 na ng Umaga.

Gumising kase ako kanina bandang 4 para makapag jogging at maybalak din talaga akong pumunta dito

Kinawayan ko si Mamang Vendor na naglalako ng balut at Penoy.

Agad din  naman siyang lumapit sakin

"How much?" Masiglang Tanong ko

"Teg Bente yung balut at Itong penoy naman Mabibili lang sa halagang 7 pesos"

Ipinakita pa niya sakin ang nakakatakam at Mainit na Mga itlog na sa pagkakaalam koy Kaluluto lang

Kumuha ako ng isang Balut at suka pagkatapos ay sinimulan ng kumain

"Ngayun lang ako nakakain nito"

Natawa si mamang Balutero sa Sinabi ko..

Ang sarap pala talaga I can't believe this. Kaya pala binabalikbalikan ng marami

"Isa pa manong" masigla kung sabi tsaka kumuha ulit

Grabe diko matiis ang sarap nito

Penoy naman ang Kinuha ko. Takam na takam talaga ako lalo na't kakagaling kulang sa Jogging

"2 balut.. Sir"  may ma awtoridad na sabi ng Lalaking nasa Gilid ko

Wala akong balak na lingunin man kung sino yan

"Isa pa manong" sabi ko sabay kuha ng Penoy

"Nakailan ka na ba Iha?" Natatawang sabi ni manong

"Hehehe binilang nyo po ba?" Nahihiyang sagot ko tsaka Kumuha ulit ng Penoy

"Naka Sampu kana.. Gusto mo paba?" Natatawang sabi nito

Hmm.. parang Gusto ko pa ata eh

Teka? May naalala ako

Nilingon ko yung lalaking Bumili din ng balut sa gilid ko at halos mabilaukan ako sa nakita ko

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya mula ulo hanggang Kuko ng paa niya

"Such a Small world right?" Mapang asar na ngisi nito

"Are you stalking me? Na pati dito susundan parin ako ng walang hiyang Paa mo?"

Kakainis na sya ah! Ba't ba siya nandito? Mag kapitbahay ba kami? No way..

"Assuming" sabi nito sabay Kain ng balut na nilagyan din niya ng asin at suka

"Hindi naman sa nag aasume ako ah? Hoy! Lalaki taga dito ako! At bawal pumasok ang mga walang bahay sa subdivision nato. At ikaw? Ka walang hiyang umapak sa Teretoryo namin?"

Nakapamaywang na ani ko

Aba! Kapal niyang sabihan akong Assumera? Suntukin ko to eh

"Ehem! Tapos na ba kayo? Aalis naako iha at iho. "

"Ede umalis ka!" 

"May nakalimutan kayo iha at iho"

Oh my.. wala nga pala akong dalang Pera

Nilingon ko ang lalaking nasa gilid ko
Siguro naman may dala siya diba? Kakapalan ko muna tong mukha ko ngayun

"May pera ka?" Sabi ko sa malambing na tono

"Why?" Napataas siya ng kilay

"Uuwi nako eh. Paki bayaran nalang ha?" Sabi ko at tsaka kumaripas ng takbo

D E S T I N YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon