Gaya nga ng napag usapan nandito ako sa Bench na malapit sa Entrance ng School namin. Dito ko hihintayin sina Brooke. Para sabay na kami papunta sa Room.
nilibot ko ang aking paningin nagbabakasakaling may kakilala paako dito. Pumunta muna ako sa malapit na wishing wheel at nag wish. nagdasal ako ng mataimtim at tsaka itinapon ang 5 piso coin. babalik na sana ako sa bench ng sa kasawiang palad may umupo na doon.
"Sir? Ako po iyung nauna sa upuang yan" sabi ko tsaka tinuro ang upuan
Hindi niya parin tinataas ang tingin saakin. Umirap nalang ako sa kawalang kwentang kausap ng nasa harapan ko.
Nag tiptoeing na ako dito hindi niya parin ako tinitingnan. I rolled my eyes. Walang nagawa kundi ang tumabi sa kanya. Anong problema ni——
"What the hell?" Napasigaw ako ng namukhaan ang lalaking ito
"Ehem, Miss? Anak ng——-"
Halos sabay naming naturo ang isa't isa. Hindi ko akalaing makikita ko na naman ang walang hiyang puno ng yabang na lalaking ito.
"Such a coincidence!" Sabi nito sa sarkastikong tono
May kinuha ako sa pouch ko at isinampal sa nakakairita niyang mukha.
"Oh! Bayad ko yan sayo. Baka naman kase ipapabarang mo pa ako kung ganoon"
Benelatan ko siya at tsaka walang pag alinlangang umalis doon. Nakita ko pa siyang nag aalburuto sa inis pero hindi ko ma siya pinansin.
What the hell is he doing here? Baka naman talaga sinusundan ako ng mokong iyon? Tsk. Asa naman siya.
May nakita akong isang bakanteng bench sa di ka layuan. Pinagpag ko ang may mga dahon na upuan at saka ako umupo
The wind touches my soft skin, napapapikit pa ako habang dinadama dama ang malamig na simoy ng hangin. It reminds me of a Christmas days in Paris.
Kasama ang masaya at masiglang pamilya. Nagbibigayan ng mga regalo sa isa't isa at nagpapalitan ng mga salita
But it all fades away because of a once tradegy. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ang pasko kung wala na ang mga taong siyang dahilan ng paghinga ko
Naramdaman kong may tumutulo na sa mga pisngi kung mga luha. Agad agad ko itong pinahiran at inilagay ang mga iilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga
I should be brave. And lived.
Dumilat ako ng may saya sa labi na agad ding napawi dahil sa isang matipunong lalaking nasa harapan ko at nakangisi saakin
"What's funny?" Irita ko siyang tinitigan pa balik. Ano ba talaga ang problema ng isang ito?
"Ang cute mo pala pag naka pikit"
His husky voice reminds me of my ex. I rolled my eyes to him and stare like a deadly weapon in it.
"Mas mabuti nadin sigurong nakapikit ako para di ko makita ang isang nakakawalang ganang hampas lupa sa harapan ko"
Hindi parin siya natinag sa sinabi ko. Mas lalo siyang naka ngisi ngayun
"You know what? Maganda ka sana eh. Amazona ka lang!"
Inirapan ko siya ulit. The hell he cares? Tatadyakan ko na sana siya ng bigla bigla na lang siyang umalis
"Problema nong lalaking yun?" Naiinis na sabi ko sa sarili
Tiningnan ko ang cellphone at wala ni anong text doon galing kina brooke. Asan naba kase sila? Nababagot na ako kakahintay dito